Chapter 9 My Seatmate, Paincorpse

Começar do início
                                    

Nagtaka ako nang may narinig akong nagbubulungan. Grabing bulungan ito, dinig na dinig ko.

(Tatabi siya kay paincorpse? Is that a joke?)

 

Paincorpse?Pangalan ba yun?

(Patay na siya...)

(Nakakatakot pa naman siya.)

(Nakakatakot na gwapo.)

(For sure hindi magtatagal ang babaeng iyan sa uupuan niya.)

(Agree!)

Nakaramdam ng kaba ang puso ko. Parang may mali yata dito. Bakit ganoon na lang ang bulungan matapos banggitin ni teacher ang Advincula na iyon?

>__<

"Class, dinig ko ang malalakas ninyong boses. Tumahimik kayo!" saway ni Sir.

Kinakabahang nilingon ko siya. Hindi ang classmate ko kundi si teacher mismo. Gumuhit ang munting ngitisa labi niya.Ngiting napakaalanganin. I gulp.Parang may mali talaga.

Balak ko sanang magtanong ulit kaso hindi na natuloy. Lumipat kasi si teacher sa aking likuran at marahan akong tinulak papunta sa dulo.Hanggang sa mapunta kami sa harap ng isang lalaking nakasuot ng itim na damit. Nakayuko siya, iyong tipong ginagawa niyang unan ang kanyang mga kamay.Sa tingin ko ay natutulog siya. Mukha ngang natutulog kasi naririnig ko pa ang munti niyang hilik.

Natutulog during class hours? Ang lupit nun ah!

Nalunok kona naman ang laway ko. Sa lahat ng taong ipapatabi sa akin ni sir... bakit sa taong ito pa? Mukha kasi siyang nakakatakot. Although hindi ko pa nakita ang mukha niya pero... sa tingin ko kasi ay scary siya. Natutulog during class hours! Tapos to the highest level ang bulungan.Sa tingin niyo, sino ang hindi maghihinala nang hindi maganda sa taong ito?

>__<

Natigil ako sa kakaisip matapos kong marinig ang boses ni teacher.

"You will be sitting next to him Miss Alontes." Wika ni teacher. Hindi pa nga ako nakaka-OO. Tinulak na naman niya ako paupo. Natitigalgal parin ako hanggang ngayon.

Pagtingin ko sa harap, ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Sa akin talaga sila nakatingin.

Bakit ba minamalas ako lagi? T__T

"Now class..." ipinalakpak ni teacher ang kanyang kamay dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. "Magsisimula na ang class natin... Open your books at page 126."

Hindi ko magawang sundin ang utos ni teacher sapagkat wala pa akong books. At isa pa, natatakot akong gumalaw o ang huminga ng malakas baka kasi magising itong katabi ko at ipatapon niya ako bigla sa labas. Katakot ko lang na mangyari iyon. Kaya naman habang nagsisimula ang klase hanggang sa magtapos ito. Naka-steady lang ang katawan ko. Pati ang hininga ko kontrolado rin.

T__T

Bakit kailangan kopa itong maranasan?>__<

Nang mag-ring na ang bell, nagsitayuan bigla ang iba at tinungo na ang labasan. Chance ko na itong makalayas. Matatakasan ko na ang monster kong katabi.

Marahan akong tumayo. Ingat-ingat ako sa ginagawa kong pagkilos, baka magalaw ko siya tapos magigising siya bigla at THE END na agad ng buhay ko. >__<

Kaya naman, dahan

Dahan...

Dahan...

Dahan...

da...

"Who are you?" wika ng baritunong tinig.

Promise, pagkarinig ko ng kanyang boses, non-stop ang pagtulo ng aking pawis na para bang naghahabulan sila sa pagbaba. I gulp. Unti-unti kong nilingon ang bago kong katabi. Iyong mukhang monster!

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora