CHAPTER 26

7.9K 216 13
                                    


Hey, hey, readers! :) It's me, otor-nim. Well, sino pa nga ba? Anyways, thank you sa mga nagbasa ng story ko.

*kaway kaway*✋

Haha so thank you and sorry dahil late parati ang update. Alam niyo na....*bulong* busy hehe. Sorry again and sana mainjoy niyo tong chapter na to. Since dito niyo na malalaman ang lahat. CHOS! Kaya expect niyo na ang mahaba habang chapter.

And please expect new characters

Hihi babye na nga kakain pa ako.

*labas kwarto*

----------------

[Third Person P. O. V]

Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Elixa na lingunin ang kwarto ng mga anak.
Naiintindihan niya kung bakit sila galit sakanya. Naging marahas kasi ang pakikitungo niya sa mga bata nung maliliit pa ito. Gusto niyang matutunan ng mga anak kung pano makipaglaban at kung pano pumatay. Para sa susunod ay maging madali sakanilang patayin ang kanilang ama.

Ang kanilang ama na kinamumuhian ni Elixa. Ang nagpasimuno ng lahat. Kung bakit wala na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan at mga kaibigan.

Matindi ang galit ni Elixa sapagkat nalason na ng kanyang asawa ang isipan ng mga anak.

Hindi niya lubos maisip na magagalit ang mga ito sakanya. Hindi man niya sabihin ay napamahal naman siya sa mga bata ng maliliit pa ang mga ito.

Ginawa niya ito upang maprotektahan ng mga anak ang kanilang sarili kapag nagkataong saktan sila ng kanyang asawa.

Napabuntong hininga na lamang si Elixa dahil sa kawaln ng gana. Tumayo siya at pinaligpit ang pinagkainan dahil sanay na siyang hindi sasalo ang mga anak sakanya. Naglakad siya papuntang kwarto at sa huling pagkakataon ay tinignan ang pinto sa kwarto ng mga anak bago pumasok sa loob ng sariling kwarto.

Ng tuluyan ng nakapasok sa kwarto ay umupo siya sa sariling kama. Sinimulang alalahanin ni Elixa ang lahat ng alaala.

Nagsimula ang lahat ng bumalik ang kanyang alaala.

---------

[Flashback]

Nagdadrive si Elixa papunta sa kanyang trabaho ng may makuha siyang tawag sa isang unregistered number.

Hindi siya huminto sa pagdadrive bagkus ay sinagot lamang ang tawag.

"Hello?"

" Hello Elixa my dear. Long time no talk. Haha"sabi ng boses babae sa kabilang linya

"Hello? Sino to?"kunot noong sabi niya

"Aww hindi mo na ba ako nakikilala? This is your precious friend. Kung di mo ko naaalala pwes paaalala ko sayo sa susunod na magkikita tayo. Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa pagsira sa matagal na naming plano. Sisiguraduhin kong magsisisi kang pinili mo ang asawa mo."sa pagiging sweet na tuno ay naging isang galit na boses ang pumalit dito.

Hindi maiwasan ni Elixa ang matakot. Hindi para sakanya kundi para sa mga anak at asawa.

"Who are you! Hindi kita kilala. Please lang kung nampaprank ka tingilan mo na to!"naiinis na sabi niya.

"Well well lets see haha. Bye Elixa see you soon. At sa oras na yun. Sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sayo–sainyo."nakangising sabi ng babae sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.

Nangiginig si Elixa hindi dahil sa takot kundi sa galit. Di niya alam kung bakit pero sigurado siyang pamilyar ang boses nito.

Dahil sa labis na pag iisip ay hindi niya namalayan ang truck na babangga sakanya kaya nung napansin niya ito ay lumiko siya pero huli na ang lahat at bumangga siya sa isang puno.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon