CHAPTER 50

3.6K 123 19
                                    

[Zhate's P. O. V]

...TIINGGGGG!!!

Naitikom ko ang bibig ko ng biglang bumukas ang elevator.

Tinignan naman ako ni Alex bago siya lumabas. Lumabas na din ako at tinabihan siya.

"May sinasabi ka Zhate? Di ko kasi narinig eh."nakangiti siya habang sinasabi niya iyon.

Mahina ako napabuntong hininga bago umiling.

"Wala. Itatanong ko lang kung natrace mo na ba si Cedric."sabi ko at nanlumo ako ng umiling siya.

"Don't worry malapit ko nang matapos. Besides may lead na ko kung nasaan siya. Sasabihin ko nalang sayo kung anong lugar kapag nakumpirma ko na."sabi niya at tumango nalang ako bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa torture room.

Nakarating kami sa torture room ng walang imikan. Hindi ko alam pero wala akong masabi kay Alex. Simula kanina ay naiilang na ko sakanya.

Ayoko namang tanungin siya dahil alam kung may mapapahamak pag nagtanong ako. At alam ko ding hindi niya sasagutin ang dapat ko sanang itanong kanina.

Alam kong may tinatago siya. At may nag uudyok sakin para alamin iyon.

"Oh. San kayo nanggaling? Ba't di niyo dala si Chrystal? Nagkasalisihan ba kayo?"yan ang pangbungad na tanong ni Akira pagkapasok na pagkapasok palang namin.

"Hindi namin siya nakita."malamig na sabi ni Alex bago lumapit kay Kiel.

Kumunot ang noo ko pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Kanina ko pa napapansing iwas siya kay Chrystal. Nag away ba sila?

"Oh. Ano na namang iniisip mo?"napalingon ako kay Elisa ng ibulong niya iyon.

"Wala. Kukunin ko na ang Black suit na binigay ko sayo. May pupuntahan pa kong importante."malamig na bulong ko bago nilahad ang kamay ko.

Binigay naman niya iyon bago nagsalita.

"Mag iingat ka. Hindi mo alam ang magagawa nila sayo pag nakatalikod ka na."bulong niya.

Napabuntong hininga ako bago tumango.

Tumalikod na ako at lalabas na sana ng  may humarang sa pinto.

"San ka pupunta Unnie?"nakangiting sabi niya sa akin.

"May importante akong gagawin Chrystal. Umalis ka sa dinadaanan ko."malamig na sabi ko.

Sumimangot naman siya.

"Sama nalang ako. Wala naman akong gagawin dito eh."reklamo niya bago ngumiti.

Umiling ako sakanya.

"Hindi pwede. Importante ang gagawin ko at hindi pwede ang pasaway doon."sabi ko sakanya bago siya nilagpasan.

"Ok. Mag iingat ka Zhate."nakangising sabi niya bago pumunta kila Akira.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero ngumisi talaga siya sakin. At first time niya kong tawagin sa pangalan ko.
Hindi naman importante pero naguguluhan ako sa inaasal niya ngayon.

Di sinasadyang mapatingin ako sa pwesto nila Alex at di na ako nagulat ng nakatingin pala siya sa amin kanina pa.

Binalewala ko nalang iyon bago naglakad paalis sa lugar na to.

Alam ko na ang gagawin ko. Gusto ko lang makumpirma ang lahat.

-------------

Pinaandar ko ang sasakyan ko at Pinaharurot ito papunta sa dapat kong puntahan.

Napatingin ako sa paligid habang nagmamaneho ako. Puro puno nalang ang nakikita ko. Malayo na kasi ako sa sebilisasyon. Nasa parte na ko ng kagubatan.

Nakumpirma ko na malapit na ako sa kinaroroonan ko ng may makita akong billboard.

Sabi dun ay 1 kilometer nalang ang layo bago makarating sa isang resort.

Napahinga ako ng malalim ng matanaw ko na ang resort na sinasabi sa billboard.
Bakit ba kasi dito pa niya piniling makipagkita.

Nagpark ako sa parking lot at tumungo sa resort. Hindi pa ko nakakalapit ay natatanaw ko na ang taong naghihintay sa tapat ng pinto at tinitignan ang kanyang relo.

Tinignan ko ang oras at maaga pa naman. Ba't siya naghihintay diyan?

Lumapit ako sakanya habang nakablanko ang mukha.

Ng makita niya ako at kumaway siya kaya tumango ako.

"Ang aga natin ah. Sigurado ka bang dokomento ang pinunta mo dito o ako?"nakangiting sabi niya.

Napairap ako.

"Mas importante ang dokomentong  hawak mo kesa sa pagmumukha mo."malamig na sabi ko at nagkunwari naman siyang nasasaktan.

"Aray ha. Kung di lang kita mahal hindi hindi ko to gagawin."sabi niya.

"Wala ka parin talagang pinagbago Zeris Troy."nakangiting sabi ko.

"Tss ako pa. Pumasok muna tayo."sabi niya bago ako iginaya sa loob ng resort.

Tumango ako bago nagpasunod sakanya.

Wala parin pala siyang pinagbago. Zeris Troy Smith. Isa sa mga pinsan namin ni Akira. Galing siya last last month sa America at umuwi lang siya this month at dahil sakto na isa siyang magaling na hacker ay ipinakiusap ko sakanya ang pagtrace tungkol kay Amethys.

Hindi naman siya nahirapan. Dahil nga isa siya sa mga magagaling na hacker. Naranasan narin niyang magtrabaho sa org ni dad and mom pero nag quit rin siya. Pinursue niya ang pagiging Architect niya na wala namang kinalaman sa pagiging magaling niya sa computer.

Sakanya din ang resort na ito na kay layo sa kabihasnan. Gusto niya daw na maligaw muna ng mga costumer bago makarating sa resort niya. Tss

"Buti di ka naligaw. Expect ko pa namang matatagalan kang makarating dito."nakangiting sabi niya.

"Nahh. I have gps bruh."sabi ko sakanya bago umupo sa table na pinareserve niya.

Tumango tango siya.

"Here are the documents."sabi niya bago nilapag sa table ang isang briefcase.

Kukunin ko na sana iyon pero pinigilan niya ang kamay ko.

"I'll give this to you......but you need to tell me whats happening."seryosong sabi niya.

Tumango ako kaya napabuntong hininga siya.

"May mga nalaman ako dito....at di ko ipagkakailang nagulat ako sa mga nalaman ko. Wag kang mabibigla sa malalaman mo sa loob ng briefcase na to. Unfortunately. Alam ko na ang lahat na nandito pero hindi ko sasabihin sayo. Gusto kong ikaw ang maka alam ng lahat. "Mahinanon pero seryoso na sabi niya.

Napalunok ako. Di ko alam pero kinakabahan ako sa malalaman ko. Pakiramdam ko ay may koneksyon sa lahat ng nangyayari ang malalaman ko ngayon tungkol sa katauhan ni Amethys.





To be Continued

A/u.

Short chapter lang to. Anyways pls enjoy. Also don't forget to Vote and Comment. Thank you😊

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Where stories live. Discover now