Chapter 21 *New Carlo*

1.2K 41 5
                                    

~Daily Quotes~

       Aminin muna kasi bago ang huli

              ''~WriternotAReader~''

 Ethan's Pov

Hindi na ako nagtagal don sa mall nakakainip kasi ng kasama ko na si bruha ayaw ba naman akong paniwalaan, totoo naman yong sinabi ko ha... na adik yong kasama niya kanina, kaaway pa nga namin niyan ng grupo ko... bahala siya diyan kung ayaw niya maniwala binabalaan ko na nga siya ayaw pa maniwala...

Andito ako ngayon sa bahay binigay ko lang 'tong CD na pinabili sa akin ni Alishia pag dating ko nandiyan si Steff inaakbayan ni kuya?...sila na ba?...bakit kung makakilos si kuya na parang girlfriend niya na si Steff...nakita naman ako nina kuya at Steff...

"Ethan...! andito ka na pala..hindi ka man lang nagsabi napupunta ka dito sa bahay..." Kuya

"May ipinabili lang kasi si Alishia sa akin...pwede mo ba ipabigay 'to kay Alishia..." sabi ko kay kuya...kinuha naman ni kuya ang CD at binigay kay Alishia...pansin ko na rin na kanina pa tumitingin si Steff sa akin...kaya napatingin na lang ako sa kanya...

"Hi Steff..." sabi ko sabay ngiti...matagal na rin hindi kami nagsasama kasi nga palagi na lang niya kasama si kuya...

"Hi din Ethan...kamusta kana?.." Steff

"Eto gwapo pa rin...hahah.." at nagtawanan naman kami..

"balita ko pala na kayo na ni Sofia..." napa-ubo naman ako sa sinabi ni Steff

"may problema ba?.." Steff

"E..kasi hindi naman talaga kami..." sabi ko

"huh..eh ano naman 'yong-" Steff

"sa susunod ko na lang e kwento kung may oras ka... sige una na ako...mag-gagabi na kasi..." umalis na rin ako ng walang paalam kay kuya...

Habang nag-aabang ako ng taxi sa labas ng bahay namin may pitong lalaki naman ang huminto sa harapan ko gulat naman ako kasi ang nasa harapan ko ngayon e yong mga kaaway ng grupo ko pansin ko na rin na wala yong adik na nasa mall...

"Pare di ba eto yong nakaaway nating third year sa likod ng CR?..." sabi ng isang lalaki

"Oo nga no?..." sabi ng matangkad na lalaki...pinalibutan naman nila ako...anong gagawin ng mga kumag na'to makikipag-away na naman e talo nga sila..uulitin pa ba nila 'to?...

"Oyy...pre malas mo ngayon ha..ikaw lang mag-isa..." sabi ng may paso sa leeg..paso siguro yon ng sigarilyo...

"Siguro kayo ang malas kasi matitikman nyo naman ang kamao ko..." pagmamayabang ko...totoo naman ha...

"hahahaa...!" nagtawanan naman sila...

"Sigurado ka ba jan?...e baka nga ikaw ang makatikim ng kamao namin at mauwi ka sa hospital o di kaya kabaong na..." sabi ng putol na daliri...Adik talaga ang mga 'to...

"Pwede ba ayaw ko na nanggulo kaya umalis na kayo bago pa ako magwala..."

"Edi magwala ka..." tinulak naman ako ng isang lalaki...uminit naman 'yong ulo ko kaya sinuntok ko siya sa mukha ng malakas kaya natumba siya...

*Boooggg* suntok ng lalaki sa akin pero naka ilag ako kaya sinipa ko siya at sinuntok ng malakas... pito sila ako naman mag-isa hindi pa nila ako kinaya...nakita ko naman si kuya na lumabas at nakita rin niya ako nakipagsuntukan kaya tinulungan niya ako...ngayon dalawa kami laban sa pito...

Isang HAHA mo pa, HAHAlikan na kitaWhere stories live. Discover now