Chapter 43 *Plan*

768 24 4
                                    

~Daily words~

We all need Christ's love in our lives!


Sofia's Pov


Iyak ako ng iyak habang tumatakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta kainis ba't sinabi ko pa sa kanya >.< napadala pa kasi ako sa emosyon ko >.< kakahiya non baka pagtawanan na naman ako ni Ethan nong sinabi ko na gusto ko siya ba't ko pa kasi sinabi >.<


Huminto ako sa kakatakbo at pinahid ko na luha ko at nagulat ako nong may nag-alok ng panyo sa akin si Dave.


"Wag ka na umiyak." sabi niya sabay ngiti kaya napangiti naman ako ng kunti cute niya kasi nakakahawa ngiti niya ;(

"Dave andito ka pala paano mo ko nahanap?" 

"Ah naglakad-lakad lang ako baka sakali makita kita wala pa naman kasi si maam" Dave

"Umm Sofia may ginawa ba si Ethan sa'yo?"

"Ahh yong mokong yon? ahh wala." sabi ko -,-

"Eh ba't ka umiiyak?" 

"Wala dave masakit lang ngipin ko pero magaling na siya." pagsisinungaling ko.

"Sure ka ha? mga babae talaga magaling magtago" hahaha alam ko yong ibig sabihin niya tama naman siya e.

"hahaha ano ba pinagsasabi mo :D"

"Yan tumawa ka na :D" Dave.


Ethan's Pov


Hindi ako makapaniwala na sinabi niya ang salitang yon sigurado ba talaga siya?. Umalis na ako sa kinaroroonan ko at hinanap siya, pumunta ako ng classroom baka don siya dumiretso pero wala siya don hinanap ko siya kung saan-saan hanggang sa nakita ko nga siya umiiyak at lumapit si Dave at inalukan ng panyo Rrrr dapat ako ang gumagawa niyan e. >:(.


Hindi ko alam ang nararamdaman ko pagnakikita kong may kasama si Sofia lalo na yong Dave na yon umiinit yong ulo ko >:( hindi kaya'y eto yong sinasabi ni Justin at Henry yong salitang 'SELOS? Nagseselos ba ako? Eh ang nararamdaman ko lang e yong inis at galit.


Nakita kong paano pasayahin ni Dave si Sofia ganito na  ba ako kasama na hindi ko man lang kayang pasayahin si Sofia kahit lagi kaming nagtatalo. Yup gusto ko rin siya nong third year pa, don nagsimula ang feelings ko nong sumayaw kami ng waltz hindi ko man masabi sa kanya dinadaan ko na lang sa pangungulit at papansin.


Hindi niya alam kung  gaano ako nagselos nong madalas silang magkasama kahapon kagabi pupuntahan ko sana si Sofia sa condo niya para kamustahin kaso papasok na sana ako nong nahuli kong magkasama pala sila at mukhang may ginawa silang dalawa


"dapat may gawin ako hindi na nagmukmuk lang dito."


Pero ano ang gagawin ko? ang alam ko lang gawin sa kanya ay yong inisin siya at kulitin yan lang ang nakasanayan kong gawin pagkaharap ko siya.


Sofia's Pov


Pumasok na kami ni Dave ng classroom baka dumating na yong teacher namin. Umupo ako at may kukunin sana sa bag ko nong may nahawakan akong kwentas wait etong kwentas na to ito yong naiwan ng lalaki sa bus nong papablik kami ni Ethan ng resort paano ko ba 'to isauli eh hindi ko nga makita yong mukha niya na 'yon dahil naka jacket siya at nakasuot ng mask.

Isang HAHA mo pa, HAHAlikan na kitaWhere stories live. Discover now