|o1 : The offer she couldn't refuse |

Start from the beginning
                                    

"Eh hindi ka pa nakakatulog?" may pag-aalala niyang giit.

"There's plenty of time to sleep when I'm dead." I chuckled quite confidently.

"Wren . . ." Tito said in a calm but reprimanding tone.

"Or matutulog ako mamayang gabi sa klase ko?" I answered, unsure of what he wants to hear from me.

Tito heaved a deep sigh while shaking his head. Natawa na lamang ako at sinuot ang headphones ko.

"Wren, no headphones," he said using his authoritative but gentle tone.

"Okay fine." I jokingly rolled my eyes at brought down the headphones to my nape.

***

Pagbaba namin mula sa pickup truck, bumungad agad sa harapan ko ang may kalumaan nang two-story hardware store na minana nila ni Papa sa lolo at lola ko. Tito Maynard did a really great job of running the place considering the tough competition between more well-known stores in the city.

"Here we are, Lozarte Hardware," anunsyo ni Tito.

Isinabit ko sa balikat ang isang strap ng backpack at hinawakan ang headphones sa batok ko to secure it.

Nilibot ko ang paningin. Iba't ibang klase ng shop na rin pala ang nakapaligid sa amin: may mga boutique, antique, at coffee shop pa. Nakita ko rin ang isang maliit na police outpost sa kabilang kalsada.

"I feel so safe," I joked flatly as I pointed the outpost using my pinky finger. "I sure hope the cop isn't sleeping."

I turned to look at Tito and he was already standing right in front of the shop's huge roll up door.

"Hindi, pero ihanda mo lang sarili mo. Mayamaya lang, bubulabugin ka na ni Stu," natatawang sambit ni Tito at yumuko na upang buksan ang lock na nasa sahig.

"Sinong Stu?" tanong ko sabay lapit kay Tito at tinulungan siya sa pag-angat ng pinto.

Imbes na sagutin ang tanong ko, tumawa lang si Tito. Lokong matanda, nagtatanong ako nang maayos pero tawa lang ang sagot.

***

Sobrang dami ng itinuro ni Tito sa akin patungkol sa shop at sa pagpapatakbo nito. Sa sobrang dami, ni hindi ko namalayang oras na para mananghalian. May apat na empleyado lang siya sa shop, ako ang pang-lima. Karamihan sa kanila ay ilang taon nang nagtatrabaho rito at mukhang maayos naman ang mga relasyon nila. Maayos naman kasi magpasweldo si Tito at mabait pa.

Pagkatapos ng tanghalian, nagpaalam sa akin si Tito na aalis muna kaya naman iniwan niya ako sa manager niyang si Kuya Juni, nasa mid to late 30's. He seems like your average easy-going uncle.

"Sigurado ka na bang kaya mo na dito sa counter?" tanong ni Kuya Juni. Palibhasa, marami pa silang gagawin sa stock room.

"Ang tanong, kaya ba ako ng counter?" I grinned as I chewed on my gum.

Humalakhak ito at umiling-iling. Tinuro niya ang headphones na nakasabit lang sa leeg ko. "Basta, 'wag mo munang gagamitin 'yan. Mamaya, hindi mo pa marinig ang mga customer."

I smirked confidently and raised my fingers to an "okay" sign.

Kuya Juni looked at me with so much doubt.

"Don't worry, Kuya. I've worked part-time at a coffee shop since high school," paniniguro ko. "Ganito lang mukha ko pero maasahan mo ako," biro ko pa.

Kuya Juni nodded and went his way despite being hesitant. By the time he was out of sight, I wiped the smirk off my face and put on my headphones. I slumped comfortably on the swivel chair, placing my feet up the counter.

How To Make A Serial KillerWhere stories live. Discover now