Chapter 1: First Day

4 1 0
                                    

Beep! Beep!

My clock rings. It's already morning, first day of school. I turn off the alarm clock and continue to sleep. Someone knocked outside my door.

"Lady Victoria, oras na para gumising!~" Sigaw ni Lily.

"Ugh, please give me 5 more minutes." I complained. "But it's the first day of school, Lady Victoria!" She opens the door with that smile on her face while holding my uniform. Umupo ako at ngumiti kay Lily ng nakapikit ang mga mata.

"Lady Victoria, you only have 2 hours to prepare before 8:30---"

"I know, Lily. Iwan mo muna yung uniform ko diyan sa upuan. Liligo lang ako." Sabi ko sakaniya.

"Sige po. Pupunta muna ako sa baba para handaan po kayo ni Master Eric ng pagkain." She vowed at me then left quickly.

Tumayo ako at saka pumunta diretso sa C.R. para maligo. Ako nga pala si Audrey Victoria, isang simpleng babae na anak ng bilyonaryong ina at may kapatid na isang idol. First day of high school ngayon, can't wait!

~•~

Nakangiti akong kumain kasabay si kuya Eric. "It seems my little sister is excited." Sabi ni kuya. "Yes, kuya. I'm excited to meet new friends!" Ngiti ko. He pats my head as he laughs gently. "Good for you."

Pagkatapos kong kumain, agad Kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas.

"Bye, Audrey!" Kaway sa akin ni kuya. "Bye, kuya!" Sigaw ko sa kaniya. Pumasok na ako sa kotse at sinarado ni Lily ang pinto.

~•~

Brent's POV:

Sa ilalim ng isang puno ay nakatambay kami ng mga kaibigan ko na si Kyle, Kevin, Bryce, Lee at Yui, isang hapon.

Hinakbayan ako ni Kevin. "Brent, Alam mo ba na may mas mayaman pa sayo ang nag-transfer dito sa Fortswood Academy? Billionaire ang nanay at idol ang kapatid niya." Sabi sa akin ni Kevin.

"Ah, okay." Sabi ko habang nagaadvance reading for English.

"Hindi lang siya mayaman, maganda at talented din!" Sabi naman ni Yui.

"Tumigil na nga kayo diyan! Gayahin nga niyo si Brent, nagaadvance reading kahit first day of school. Hindi kagaya sa inyong dalawa, malalandi at playboy." Reklamo ni Bryce.

"Wala akong pake kung sino yung babaeng iyon. Basta, kung binuwisit niya ako, aawayin ko siya." Sabi ni Kyle.

Tumingin si Lee sa mga babaeng tumatakbo papalapit sa amin. "Ayan nanaman sila." Sabi ni Lee.

Tumayo kaming lahat at tumakbo habang hinahabol kami ng mga babae. Oo nga pala, sikat kami sa academy since middle school nung nabuo ang grupo namin.

~•~

Audrey's POV:

Bumaba ako sa kotse at tumingin sa harap. Ang laki pala ng Fortswood Academy.

"Lady Victoria, please enjoy your first day of school." Sabi sa akin ng driver ko, si Hans, isang Chinese.

"Thank you." Nagpasalamat ako kay Hans at lumakad papasok sa entrance gate. Tumingin tingin ako sa paligid. Ang gaganda ng mga puno at fields nila, ang lawak. May nakikita akong mga Elementary students nag lalaro at mga high school students na nakikipagusap sa mga tropa nila.
Umikot ako at nung pagtingin ko sa harap, may paparating na lalakeng tumatakbo kasama ang ibang mga lalake habang hinahabol ng mga babae. Everything turns into slow motion.

Then suddenly... I felt something. My heart skipped beat. Every second felt precious at a moment. It felt like...

"Tabi! Tabi!" Sigaw ng isa sa kaliwa ng lalaking nasa harap ko na paparating sa akin.

Tabi? Ha? Wait... TABI!?

Without notice, we bumped into each other and fell on the ground.

"Ow!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang ulo ko. Tumayo yung lalakeng nakabunggo sa akin. "Okay ka lang ba?" Tanong niya Ng mahinahon.

"O-Oo, okay lang." Sagot ko naman.

Tinulungan niya akong tumayo at humingi ng tawad. "Pasensya na, ha? Hinahabol kasi kami." Ngumiti siya sa akin.

"Sabi ko ngang tabi, eh!" Reklamo ng isa.

"Kyle, pagpasensyahan mo na." Sabi niya.

"OMG! We're so sorry, Audrey!" Sabi ng mga babae.

Narinig nila yung pangalan ko. Ninenervous tuloy ako, I might draw a crowd here again.

"Audrey!? As in, Audrey Victoria!? Yung anak ng billionaire!?" Na-shock ang lahat sa paligid namin.

Oh great... Here it comes again.

"Oo nga! Si Audrey Victoria!"

Ang lahat ay paparating sa direksyon namin. Luh! Kailangan ko nang tumakbo! Kinuha ng lalaking nakabunggo sa akin yung kamay ko. "Sumama ka sa amin." Sabi niya. Tumakbo kaming lahat para lumayo sa mga hahabol sa amin.

Sa isang sulok sa school, soon kami tumago.

"Ba't ka kasi hinahabol ng lahat? Eh, mayaman ka lang." Tanong ng lalaki na blonde yung buhok.

"Instagram and tiktok celebrity? Hehe..." Sabi ko habang nakangiti.

"Haystt! Sabi ko na nga ba! Nakakabuwisit 'tong babaeng ito!" Kinamot kamot niya yung ulo niya habang naiinis.

"Kyle, your temper please." Sabi nung nakabunggo sa akin. "Ako nga pala si Brent, isang Junior high school student dito. Ito naman si Lee, isang senior. Kyle, isang freshman. Kevin, isang Junior. Bryce, isang senior at si Yui, isang freshman." Sabi niya sa akin.

"Oh---uhh m-my name is---"

"We know." Tumaray yung masungit na Kyle. Kung sapakin ko nga siya, siguro tatahimik 'tong lalaking 'to.

"Soooooo, what now?" Tanong ni Kevin.

"We wait. Andiyan pa yung mga fans ni Audrey." Sabi ni Lee ng walang expression. Kalmado at Listless yung mukha niya, ayaw gumalaw ng mga muscles nung face niya. Seryoso siya since kanina nung nabunggo ako no Brent.

"Hoy!"

Nabigla kami sa sigaw. Tumingin kami sa likod at napansin na teacher pala yung sumigaw.

"Ba't nababaliw na yung mga estudyante? Ha? Sino na yung hinahanap nila? At ba't kayo tumatago dito eh danger zone nga dito eh! Bulag ba kayo? Tignan niyo nga yung warning, danger zone!" Tinuro niya yung warning na nasa tabi namin. Walang nag salita, tumingin kami sa sahig.

"Hay naku mga estudyante talaga! Kung may mangyari sa inyo, sino yung sisisihin ng mga magulang niyo? Kaming mga teachers at yung principal? Sos! Halinga kayo! Follow me to the faculty room, now!" Sermon sa amin ni sir.

Haystt! Akala ko pa naman may mangyayaring maganda. Why did I end up going to the faculty room? Huhu...

Meet Me At February 14Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang