II

36 2 0
                                    

Play the music above.

Lucas

Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Dapit hapon, at malapit na ang paglubog ng araw. Ang tahimik ng langit na tila may mangyayaring hindi inaasahang delubyo o biglang bagsakan ng masamang panahon. Masyadong tahimik para sa malamig na panahon. Ang ilan gusto ito, pero para sa'kin hindi na, nakakatakot ang katahimikan. Nakakasawa lalo na kung paulit ulit na lang, sa paggising mo, wala kang ibang kausap at kasama. Sarili mo lang.

Walang nabanggit sa balita na may paparating na bagyo. Pero mukhang uulan.

"Disaster..."

Parang ako.

Walang may gusto ng bagyo. Walang susuong sa bagyo. Sa gulo ng buhay ko at pangit ng nakaraan ko, walang gugustuhin na lapitan ako, na intindihan ako. Pero naiintindihan ko. Maraming may ayaw sa bagyo. They are just pure destruction. They bring chaos to people, even unintentionally, like I do.

Fly me to the moon

and let me play among the stars

Let me feel what spring is like

to Jupiter and Mars ~

My life is plain and boring. Maraming naganap na mga pagsubok. And then I just started to call them nightmares. Lalo na kung mag isa ka na lang. Unti unting kinuha sa'kin lahat ng taong minamahal ko sa buhay. Kinuha ang kinalang buhay. Mahirap mag isa. Sa bawat araw na lumilipas, nakakawalang gana.

In other words,

hold my hand,

In other words,

baby, kiss me ~

I automatically stopped and turned off the music on my phone once I saw the girl that was walking along the bridge.

Mga kasing height ko lang siguro. Mahaba ang buhok, maitim, at mukhang kumikinang sa maliit na katiting na liwanag sa palubog na araw. Mapayat siya pero tamang lang ang katawan niya. Kakulay ng dagat ang suot niyang damit, at bagay na bagay iyon sa kaniya. Hindi ko makita ng maayos ang ilang detalye sa kaniyang mukha dahil sa distansya namin, pero malakas ang kutob ko na malungkot siya. Bakit? Gusto kong malaman.

Are you in pain? Are you feeling this sadness too like I do?

I saw how she closed her eyes like she was praying to the sky above. In that moment, I didn't understand myself. I was just looking, amused at how she acts. She is indeed beautiful. And I want to talk to her. Damn. 

Napahawak ako ng madiin sa dibib ko. Hindi maalis ang titig ko na para isa akong malungkot na tao na nakatingala sa langit para lang pagmasdan ang mga bituin.

And that was the day I have felt my heart again, beating faster than usual, alive. It was enchanting yet scary thing to feel. 

Belladonna ✔Where stories live. Discover now