III

147 15 0
                                    


Bella

Tuluyan nang lumubog ang araw kaya dumidilim na rin ang langit. Bago pa man ang lahat ay nanalangin ako. Humingi ng tawad sa lahat at sa gagawin kong ito. Nakapikit pa rin ang aking mga mata, ngunit patuloy sa pagdaloy ang mga luha.

Tahimik pa rin ang paligid. Walang gaanong tao ang napapagawi sa kinatatayuan ko at wala ring maririnig na ingay mula sa mga nagdaraanang sasakyan. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. Napatingin ako sa ibaba, may kataasan at hindi ko alam kung hanggang saan ang lalim ng tubig. Wala akong nararamdamang kaba at takot. Nanginginig ang tuhod na unti-unti kong inapak ang paa. Mas nanaig ang sama ng loob ko, ang sakit na nararamdaman, at ang kagustuhang mawala na lang sa mundo.

I was about to jump but suddenly, someone hold my arms and stopped me.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
Sa puntong iyon, napagtanto ko kung ano ang binabalak kong gawin. Nanginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang paglambot ng aking tuhod na animoy babagsak ano mang oras. Pagkuwa'y inalalayan ako estrangherong lalaki
pababa sa kinatatayuan ko.

Nanatili akong tulala sa kawalan, nang maramdaman ko na lang na inaalog na ng estranghero ang balikat ko.

Napakurap ako at napatitig sa mukha nito. May pag-aalalang bumabakas sa kaniyang mata. Bakit?

"Suicide is not an answer. You're committing a sin young lady. Trust me, nothing will change if you end your life."

Mahinahon ang boses niya, at may kung anong mahika itong ginawa sa'kin dahil napakalma nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko. D'on ako napakunot noo at 'di ko na namamalayang kinakain na naman ako ng emosyon ko.

"You are not in the position to tell me what is the right thing to do!" tears start falling again in my eyes, "I'm tired." I added.

Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang aking mukha. Napahagulgol na lang ako. Ngunit bigla niya akong niyakap. Nang gawin niya iyon, hindi ko alam pero naramdaman ko na kahit papaano ay may taong concern sa akin, at gusto pa akong mabuhay.

Nang tumahan ako ay unti-unti siyang kumalas ay lumayo ng kaunti para magbigay ng espasyo sa pagitan namin, d'on lang ako nakahinga ng normal.

Nakakahiya.

Ngumiti siya sa akin. "I'm Lucas, what's your name?" pagpapakilala niya.

Napalunok ako at tumikhim bago sumagot. "B-belladonna."

Nanlaki ang mata niya pagkatapos marinig ang pangalan ko, tila hindi makapaniwala.

"Seriously?"

"Oo naman."

"Your name is weird." komento niya.

Nagkibit-balikat lang ako. "Its' not."

"As far as I know, belladonna is a poison."

"I thought you'd say its a brand of a bag." biro ko.

Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Humahalakhak tuloy siya mag-isa na parang tanga. Kahit hindi ko naman alam kung totoo bang nakakatawa iyong sinabi ko. Pero agaw pansin ang ningning ng mga ngiti niya. Nakakailang tuloy titigan.

Mayamaya'y napatingin kami sa kalangitan.

"Its already dark here, can I give you a ride?"

Nag-alangan pa ako kung papayag ba ako. Pero sa huli ay pinili kong sumama dahil baka hinahanap na ng aking mga magulang.

"Okay."

Nag-umpisa na kaming maglakad. Tinanong niya kung saan ako nakatira. I give him the address. As expected, he looked surprised.

"H-hospital?"

I smiled and replied, "It's my home."

Belladonna ✔Where stories live. Discover now