VII

53 7 0
                                    

Play the music above.

Bella

Dumaan ang araw, linggo, pero hindi ko pa rin nakikita si Lucas. I miss him. Nakakapagtaka na hindi na siya nagpapakita. Kay hirap niyang kalimutan. Sa bawat gabi tuwing pipikit ako, nakikita ko siya. Sa bawat umaga na paggiding ko, tinatawag ko ang pangalan niya.

At ito ako, wala pa ring improvement sa condition ko. Namayat na rin ako at lumamlam ang mga mata.

Akala ko wala nang pag asa. Hindi ko man kayang tanggapin, dahil sa hindi ko malamang na dahilan ay bigla kong ginustong mabuhay. O baka naman talagang alam ko. Siya 'yon e, siya 'yon. Iniisip ko palang na iiwan ko siya, ang sakit sakit na. Pano 'pag dumating sa puntong wala na kong magagawa? Kung iyon na talaga ang itinakdang mangyari, itinadhana.

Ang laki din kasi ng tiwala niya sa kaniyang paniniwala. Pero kailan ba tunay na nagtiwala ang tao sa tadhana?

Napapagod na ako, pero ayokong sabihin. Gusto ko ng umalis dito, pero ayokong sabihin. Susuko na sana ako ngunit ang araw na ito ay kakaiba. Pumasok ang doctor dala ang isang magandang balita. May donor na ako! Sobrang tuwa ko nang malaman iyon. Ngunit sumagi sa isipan ko si Lucas, sana narito siya. Paniguradong matutuwa rin iyon.

Naisagawa ng maaga ang operasyon at tagumpay ito. Lubhang natutuwa si mama, maging ako rin.

Ikaw kaya Lucas, masaya ka ba sa ginawa mo?

Lumipas ang mga araw at tuluyan akong naka-recovered. Healthy na ulit ako at sinusubukan ko na ulit ibalik sa normal ang buhay ko.

Six o'clock in the morning. Palakad lakad lang ako, bahala na kung saan mapunta. Hanggang sa hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa lugat kung saan ko siya unang nakita. I stop there. Tumingin tingin sa paligid, hoping I will see him.

Natawa ako sa sarili ko. Tumingala ako at tumingin sa langit.

"Thank you."

Alam kong parati niya akong binabantayan at parati siyang nariyan.

And then may naramdaman akong kung ano sa mga binti ko. Bumangad sa akin ang isang puting aso.

"Hey, buddy."

Tumahol iyon ng paulit ulit at mas lumapit pa sa akin. I just smiled.

"Wala bang may ari sayo? Do you want me to adopt you?"

Tumahol muli ito.

"Fine. Can I call you Lucas?"

Binuhat ko iyon at sinama sa akin pauwi. Natawa ako. Siguradong magagalit 'yon dahil pinangalan ko siya sa aso.

"Do you think he's happy now?" malungkot kong tanong sa aso, this time hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Nababaliw na ako, little Lucas."

Kinuha ko ang itim na earphones sa sling bag na dala ko. Kasama nito ang isang cellphone na walang laman kun'di ang mga litrato at isang playlist na palagi kong pinapakinggan.

Namili ako ng awitin, at napangiti nang magsimulang tumugtog ang kanta ng Ben&Ben.

Huwag kang mag-alala, patutugtugin ko 'to hanggang sa susunod na habang buhay. Paulit-ulit kong pipiliin ang mga musika mo, kahit ano pang bagyo ang dumating.

Parati kong ipinapanalangin na sana nandito siya. Although I know, he's really here. Technically, in my heart. They won't tell me tho, kung sino ang donor ko. Gusto daw nito na itago ang pangalan niya. Pero malakas ang kutob ko, ramdam ko sa puso ko.

Siya ang naging donor ko.

Belladonna ✔Where stories live. Discover now