PROLOGUE

49 11 6
                                        


Curiosity.

That's what I have felt when I entered the Island. It's actually quiet here lalo na puro matataas na puno ang nakapalibot sa isla na ito. Nararamdaman kong may kung anong misteryo ang nakabalot sa islang ito. Nagsitaasan ang aking mga balahibo habang naglalakad kami papasok ng isla.

Since it's vacation month, my family decided to have a vacation here in Caña Island for a month. I don't know kung bakit ganitong isla ang napili ni mama na mapagbakasyonan. There are so many places na pwedeng puntahan at may mga famous beaches. But why here? She's really acting weird these days.

This island is not famous, halata naman diba? Hindi ko nga alam na may ganitong islang nag e-exist. Kung hindi pa kami nagpunta dito ngayon di ko alam na may ganitong creepy na lugar. Maybe it's not open for tourists kaya hindi ito kilala. Ni hindi manlang ito ni p-promote ng may ari kasi di ko man lang to nakita sa brochures or advertisements. I wonder who's the owner of this island.

"Walang gaanong pumupunta o dumadayo dito kaya tahimik ang islang ito" that's aling Dulce. Isa sa mga nagbabantay dito sa Caña Island. Siya rin ang sumalubong sa amin doon sa entrance at nag assist. She's weird, the way she talks about the island. Sobrang creepy niya ring tignan lalo na nakasuot ito ng itim na dress.

"Bakit po?" I asked her because I'm too curious. Sa sobrang peaceful ng isla pwedeng dumalaw ang mga taong gustong mag relax or may problema sa buhay. "Bakit kaya hindi ito binubuksan para sa mga turista?" I added.

"Huwag mo munang alamin hija, mas magandang ikaw na mismo ang maka diskubre kung anong nakabalot sa isla na ito. Mas exciting hindi ba?" she smiles creepily while looking at me. I know my family didn't saw how her creepy smile turns into an evil smile.

Gusto kong sabihin kay mama ang sinabi ni aling Dulce kung gaano ito ka creepy. Pero mas pinili kong huwag nalang sabihin. Baka naman kasi namamalikmata lang ako? O dahil baka dala lang ito ng pagod sa biyahe? Maybe I'm just imagining things again. I should stop watching horror movies.

"Come here Ash, bilisan mo!" sigaw ng aking Ina na nagpagising naman sa diwa ko. Nasa tapat na pala sila ng matutuluyan naming bahay. Habang ako naman ay napatunganga lang dahil sa itsura ng tutuluyan namin.

Sa itsura ng bahay malalaman mo talagang luma ito dahil sa disenyo. May mga parte ng bahay na napapalibutan ng vines na sobrang haba. Para itong katulad sa mga nababasa kong creepy books at napapanood na movies. Di ko alam na nag e-exist pa pala ang ganitong kalumang disenyo. Moderno na kaya ang panahon ngayon at madami na ring designs ang nag evolved. Pero mukhang na stuck yata ang may ari nitong isla sa past. Or the owner really likes old designs?

"Dito ba talaga tayo tutuloy? I find it creepy" that's my sister, she said as innocence filled her face.

"We have no choice. I don't know why mom choose this place" sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa paligid.

"I think mom likes adventures this time" she said while laughing at dumiretso ng naglakad.

"Yeah, right" pagsasang-ayon ko na lamang sa kanya at napailing iling.

Every edge of this house parang may naka kubling sekreto. Simula sa mga paintings na naka kabit at yung ibang kagamitan ay natatakpan ng puting tela. Meron ding mga vintage na gamit kagaya na lamang ng lumang piano sa sala. You can smell fresh air here. This island is very calming pero ang creepy.

We decided na pumasok na sa kanya kanya naming kwarto para makapag pahinga at para na rin makapag ayos ng mga gamit. I feel exhausted lalo na sobrang haba ng byahe papunta rito. Ano bang gagawin namin dito? I don't find something interesting here.

Napatingin naman ako sa bintana bakit parang ang dilim ng kalangitan kahit medyo maaga palang. I think yung weather dito ay iba compared doon sa city. I put my bag and luggage to the bed of this room at inumpisahan ko ng ayusin ang mga ito. Karamihan sa mga dala kong gamit ay mga favorite dress ko which is perfect na suotin sa islang ito.

The IslandWhere stories live. Discover now