"Mall? Ano namang bibilhin mo ro'n?"

"Basta, magazine,"

"Anong klaseng magazine?"

"Ang dami mong tanong. Samahan mo na lang ako,"

So, ayun nga. I have no choice. Niligpit na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng classroom.

"Ano ba kasing Magazine yung bibilhin mo, Besh?"

"Ah. Magazine ni Sean Zeret,"

"Sean Zeret? Sino yun?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at tumingin sa 'kin na parang kini-criticize ako, "OMG! 'Wag mong sabihin na 'di mo siya kilala, Besh. Sikat siyang model and advertiser. Yung mukha niya, nagkakalat all over this city and yet, you don't know him?"

Paano ko siya makikilala kung puro Kleifford ang laman ng utak ko?

Hindi pa ako nakakasagot ay humirit muli itong si Besh, "Naku, Besh. Anyways, mas gwapo naman siya kaysa dun sa crush mo,"

Napahinto ako sa paglalakad. Ganun din siya.

"Ano'ng sabi mo Besh? Excuse me? MAS gwapo si Kleifford kaysa ro'n,"

"Ako na ang nagsasabi Besh. MAS perfect siya kaysa sa Kleifford na 'yan. Kung mas gwapo si Kleifford, edi dapat model na siya katulad ni Sean 'di ba?"

"Jusko naman Besh, siyempre mas aatupagin ni Kleifford yung studies niya kaysa sa mga bagay na iyan, 'no? You knew him,"

"Ah, basta. Kapag nakita mo talaga yung itsura ni Sean, baka hindi ko na marinig iyang Kleifford na 'yan sa bibig mo,"

"Ha? Nagbibiro ka ba? Like I said to you before, he is my future husband kaya hinding-hindi ko siya ipagpapalit 'no,"

"Yeah, whatever." tinatamad niyang sabi.

"Uhm, sorry kung naistorbo kita sa ginagawa mo. Alam kong busy ka ngayon,"

Tiningnan namin ni Besh kung sino yung nagsalita.

"KLEI---" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi tinakpan ni Besh yung bibig ko tapos hinila ako sa may pader malapit sa pinaghintuan namin para magtago.

Tinanggal ni Besh yung kamay niya, "Huwag kang maingay Besh. Baka marinig tayo,"

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Tiningnan ulit namin yung nag-uusap. If I'm not mistaken, it's Kleifford at isang babaeng hindi ko kilala.

Ano 'ng ginagawa ng babaeng yun kasama si Kleifford ko?!

Pinakinggan namin ni Besh yung usapan ng dalawa. Kailangang marinig ko ito nang mabuti. Si Kleifford ko yung andito, eh.

"Ano bang sasabihin mo? Pakibilisan lang. May pupuntahan pa ako," narinig kong sabi ni Kleifford.

"Uhm, kasi Kleifford...kung hindi mo mamasamain..."

"Sige lang. Ano bang sasabihin mo?"

"Uhm..."

Napalunok ako. Ano kaya yung sasabihin niya kay Kleifford?

Tumingin si Kleifford sa relo niya, "Kailangan ko nang umalis. Bukas mo na lang sabihin yung sasabihin mo,"

Aalis na sana si Kleifford pero hinugot ng babae yung sleeve ng uniform niya kaya napatingin sa kanya si Kleifford. Nakayuko lang yung babae.

"Kleifford, I like you..."

O_______________________________________________O

OMG! WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT???!

Hinila ako ni Besh, "Kalma lang Besh. Hindi pa sumasagot si Kleifford. Inhale...exhale. Okay?"

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now