Chapter 8

408 13 0
                                    

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

"Bye Guys! I will miss you all! Byeeee!"

Nagpaalam muli si Ate Clarisse for the last time.

Pagkaalis niya, kinuha na namin ang mga gamit namin.

"Okay. Okay! Umuwi na tayong lahat! I hope Clarisse is safe sa bago niyang agency..." naiiyak na sabi ng Manager namin.

Wondering kung anong ginagawa namin dito? Hinatid namin si Ate Clarisse. Isa rin siyang model gaya ko. Magkaparehas kami ng agency at ito nga, dahil napakagaling niyang model ay may kumuhang agency sa kanya galing sa ibang bansa. Siyempre, minsan lang siya magkaroon ng ganoong opportunity kaya tinanggap niya agad. Hinatid siya ng buong agency dito sa airport.

Umakbay sa 'kin si Josh. Isa ring model na kasama ko sa agency, "Uy. Ang astig 'no, Pre? Mabuti na lang at walang nakakakilala sa 'tin dito,"

"Pre, ano ka ba? Walang katao-tao sa pinaghatiran natin kay Ate Clarisse, 'no? Wala talagang makakakilala sa'tin,"

"Haha. Kung sabagay nga naman. Oh! Naalala ko. Aattend ka ng birthday ng kapatid ko, 'di ba?"

"Kailangan ba talaga ako dun?"

"Sean naman. Sinabi ko na sa 'yo 'di ba? Idol na idol ka ng kapatid ko. Hindi ka pwedeng mawala dun. Masasapak ako nun,"

"Eh bakit mo pa tinatanong kung a-attend ako o hindi kung pipilitin mo rin pala ako?"

"Haha. Oo nga, ano? Hahaha!"

May saltik talaga 'tong isang 'to.

"Sige. A-attend ako..."

Inalis niya ang pagkakaakbay sakin at hinampas naman ako sa likod ko, "Talaga, Sean? Salamat Pre! Mamaya na yun ah! Kitakits na lang tayo! 'Wag mong kalimutang isuot yung disguise mo at baka mahalata ka pa. Sikat ka pa naman. Geh. Una na ako,"

Ang sakit nun ah.

"Oo sige. Susunod ako. 'Wag mo rin kalimutan disguise mo..."

"'Di ko na kailangan nun. Ahahaha. Bye Sean!"

Psh.

Nagpaalam ako kay Manager na aalis na tapos sinuot ko yung disguise ko para walang makakilala sa 'kin. Hoodie, shades at mask.

Tumunog yung phone ko.

Si Matt, tumatawag sa 'kin.

"O, napatawag kang hinayupak ka,"

[Uyy Lei! Hello!]

"Problema mong mokong ka?"

[Haha. Sorry Lei. Sinubukan ko lang 'tong bagong cellphone na napulot ko. Sabi kasi ni Franc, pwede raw tumawag 'pag nakakabit yung earphones tapos may pipindutin lang daw sa earphones para matawagan mo kung sino yung gusto mong tawagan. Astig 'di ba?]

"Napulot mo ba talaga yan o ninakaw? Anong tatak?"

[Ewan ko. Walang nakasulat. Made in China ata 'to,]

"Ang dami mong palusot. Hindi ka lang talaga marunong magbasa,"

[A-aba! Wala naman talaga ahh!]

"Ewan ko sa 'yong hayop ka. Ibaba mo na 'to"

[Sandali lang---]

Pinatay ko na yung phone ko.

Kahit kailan talaga, ang tanga nun ni Matt.

Syete.

Sa totoo lang, ayoko pumunta sa birthday ng kapatid ni Josh. Pero dahil ayokong pahiyain yung isa pang mokong na yun, pumayag na lang din ako.

My 3 Identity BoyfriendWhere stories live. Discover now