Chapter 2: The Annoying Christmas Vacation

Start from the beginning
                                    

"Or maybe, Demi has a crush on you! Aha! I know it!"

"Tss! Weirdo," iling-iling lang na sabi ni Dylan at lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Kirby.

Nagkatinginan lang kami ni Kirby bago ako nagkibit-balikat at lumabas na rin ng kwarto.

***

I called Auntie Rona's number again using Tita Thalia's cellphone. Kanina ko pa siya tinatawagan. It was ringing but she wasn't answering my call.

"Demi, hindi ka pa ba tapos?" naiinip na sabi ni Kirby. "Bilis! Aayusin daw natin nina Tita Thalia 'yung Christmas tree."

Napabuntong hininga ako at binaba ang cellphone. "Okay, I'll just call her later."

Lumabas kami ng kwarto. Naabutan namin si Dylan mag-isa na kumakain ng cake sa sala ng bahay. Inalok niya kami ni Kirby kaya nakisali sa kanya si Kirby, habang ako naman ay kailangang hanapin si Tita Thalia. Hindi ko nakita si Tita Thalia sa loob ng mansion kaya lumabas ako, at nakita ko ito na nakikipagkwentuhan sa dalawang matandang babae.

"Tita, ito na po ang phone niyo." Inabot ko sa kanya ang cellphone. "Thank you po."

"Sino ang napakagandang bata na 'to?" the old woman asked with a smile on her face; her wrinkles on the both sides of her eyes were shown.

"Si Demi po ito. Kasama pa 'yung isang kaibigan pang lalaki ni Storm, mga batang kapit-bahay po namin sa syudad."

"Hello po," bati ko sa kanila at matamis na ngumiti.

I wanted to eat the cake that Dylan was eating, kaya nagpaalam din ako sa kanila. Masayang bumalik ako kina Kirby at Dylan. Ngunit naglaho ang mga ngiti sa labi ko nang maabutan kong wala nang laman ang plato.

"Wala na?" tanong ko sa kanila.

"Wala na," sabay na sagot nila at ngumiti sa akin si Kirby. Lalo akong napasimangot dahil doon.

"Mom will bake another one later," ani Dylan.

Nakasimangot na lumayo lang ako sa kanila at umupo sa isang mahabang upuan doon na yari sa kahoy at nababalutan ng barnis. Habang nagmumukmok ako roon, naagaw ng pansin ko ang mga rebulto na nakadisplay sa living room ng mansion ni Lolo Max. Nilibot ko ang tingin ko sa mga iyon. Tumayo ako at unti-unting nilapitan ang isang rebulto roon ng isang babae na may puting saklob sa ulo. My hands got cold because of fear, but I wanted to look at it. I gulped when I saw its eyes looking at me. I stretched out my hand and was about to touch it when . . .

"Hey."

Naigtad at napatili ako nang biglang may humawak ng balikat ko. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa gulat. Narinig ko ang pagtawa ni Dylan sa likuran ko. "What are you doing here?" he asked me as he stood beside me.

I heaved a sigh before I spoke, "I'm just looking at this . . ." nginuso ko ang rebulto na nasa harapan namin.

"Oh, that . . . Those are my Lolo's gods."

"Huh? gods?" I looked at him with confusion.

"Yes. He worship those. And you know what? Get ready for tonight because we will kneel down for almost an hour later just to pray in front of those."

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now