Chapter 13: Free Hugs

Depuis le début
                                    

Dala na rin siguro ng kuryusidad at pagtataka ay di na siya nakatiis at pinagana na niya ang transparent code ng shelf na siyang tanging hadlang sa kanyang kinaroroonan at ng office ng Chairman. Gusto niyang makita ang pag-uusap ng mga ito at hindi ang pakikinig lang. Why? Hindi rin siya sigurado. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa yun. Alam naman niyang mali pero dahil siguro sa napansin niyang kalungkutan sa boses ni Jade nang mabanggit ng Chairman ang tungkol sa ama nito ay pinagpatuloy na lang niya ang kanyang nasimulan.

Tahimik lang siyang nanonood sa mga ito. Pansin niyang naawa talaga ang Chairman sa sitwasyon ni Jade pero tulad niya, wala rin itong magawa. At naiinis siya dun. Gusto niyang may magawa man lang para dito. Gusto niya itong matulungan pero pano? Wala man lang siyang kaalam-alam ni katiting na impormasyon.

Nang umalis si Jade ay nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago siya pumasok pero laking gulat niya nang hindi pa man niya nabubuksan ang shelf ay tuluyan na itong bumukas ng kusa. Napalunok siya. Alam ng Chairman na andun siya at nakikinig kanina pa!

Patay... He thought.

Hindi pa siya pumapasok. Tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Kanina pa pala siya nahuli ng Chairman at ang masaklap pa dun, sa ganun pang sitwasyon. Nahuli siyang nakikinig sa usapan ng iba for God's sake!

"Pumasok ka na Agent Zero. Alam kong ikaw yan." Sabi nito sa maowtoridad na boses. Napalunok na naman siya. Mabait ang Chairman sa kanya alam niya yun. Sa lahat naman ay mabait ito pero sa kanila ni Saich ito mas mabait. Pero kahit ganun, natatakot pa rin siya dito lalo na kapag ginamitan na sila ng ganung tono ng Chairman. May awtoridad at conviction. Pumasok na siya sa office nito.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung maaamuse pero first time mo tong ginawa sa kin." Sabi nito nang nakatungo pa rin at nagbabasa ng mga papeles. Napatungo na rin siya. Nahihiya siya sa ginawa niya.

"Pero ganun pa man, hindi ako galit." Sabi nito at tsaka nagtaas ng tingin. Nakangiti na ito ngayon.

"Akin na yang report mo at gawin mo na ang dapat mong gawin." Sabi nito. Medyo nalito siya sa tono nito nang sinabi nito ang huling mga kataga pero hindi na niya yun pinansin. Nagpaalam na siya at agad pumasok sa secret passage kung saan siya galing. Hindi na niya ginamit ang front door ng office nito dahil baka magtaka pa ang sekretary nito dahil hindi naman siya dun dumaan kanina. Hindi niya tinungo ang daan papunta sa underground lab instead, he took the first door kung saan sila madalas pumasok kapag gusto nilang pumunta sa practice room. Pintuan iyon na kapag nilakad mo ay lalabas ka sa stock room area. May daan sa floor ng stock room area at tanging agents lamang ang pwedeng makadaan doon dahil kailangan pa ng access card para mabuksan yun. Hindi rin sila natatakot na baka may makahuli dahil tanging high class agents lang o yung mga authorized person ang pinapayagang makapasok sa mga rooms na ganito. And besides, palaging nakalock ang pinto mula sa labas at mabubuksan lang ito kung may taong magbubukas mula sa loob.

Nang makarating sa stock area ay agad-agad siyang lumabas ng room. Nakita pa niya si Jade na naglalakad sa hallway. Alam niya ang daan na tinutungo nito. Ang daan papunta sa rooftop. Hindi naman niya ito pwedeng sundan dahil alam niyang malakas rin ang mga senses nito dahil tulad niya, high class agent rin ito kaya minabuti niyang sumakay ng elevator para masundan ito. Three floors lang naman ang pagitan ng floor nila ngayon at nang rooftop. Mayroon kasing 12 floors ang building na to at andito sila ngayon sa 9'th floor kung nasaan ang office ng Chairman. Akala niya mapapabilis siya pero may humabol pa sa kanya. Si Dylan.

"Hyung! Nakita mo ba si hyungnim?" Tanong nito nang makapasok sa elevator.

"No." Tipid niyang sagot dito.

"Aish! Saan na naman nagsusuot yun? Teka, si Jade nakita mo?" Tanong na naman nito.

"Bakit mo hinahanap?" Pabalik niyang tanong.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant