REALIZATION

290 8 2
                                    

Orientation Day

Isa-isa na kaming pumasok sa hall ng DLSU. There I saw familiar faces.
Everyone greeted me with a smile.
May designated seats para sa mga schools. At naipwesto kami sa bandang harapan tapat ng Ridgemore University.

"Look Jhanelle, Ken is here"

"Oo nga Bless napakagwapo talaga. Ansaya naman ng araw nato andaming gwapo sa paligid"

"Hey! the two of you, will you please lower your voice"

"Miss Em naman napaka KJ mo" sagot ni Aimee.

Inirapan ko lang silang dalawa.

Maya-maya ay lumapit na si Ken sa amin.

"Hi guys?"

"Hi!!" sabay sabay na sagot nila Jhanelle.

"Long time no see Bernice"

Saglit ko lang siyang tinignan at sumagot sa kaniya.

"Yeah" walang ganang sagot ko.

"Namiss na kita"

At sabay-sabay naman lumingon sa akin ang mga kasama ko maliban kay Caleb.

"What?" at nilakihan ko sila ng mata.

"Hahahaha.. I guess hindi nila alam?" tanong sa akin ni Ken.

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Okay lang bang sabihin ko sa kanila Bernice?"

"Go ahead Ken ipahiya mo ang sarili mo" sagot ko sa kaniya.

"Ano bang meron?" tanong naman ni Shane.

"For me Bernice hindi ko kinakahiya ang nangyari because I considered it as one of my greatest challenges" natatawang sagot niya.

"Ano ba kasi yun?" inis na tanong ni Ranz.

"Kasi... si Bernice she is my first love"

Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kaniya.

"I was in grade 8 when I first saw her, She was so rude but at the same time likeable. Sobrang ganda kasi niya"

"Tssk" tanging sagot ko lang sa kaniya.

Kitang kita naman kay Ranz ang pagpipigil sa kaniyang sarili at si Caleb ayun parang walang pakialam sa naririnig niya.

"And then?" sabay sabay nilang tanong.

"Hmmm. I asked her if I can court her but unfortunately she turned me down"

"Talaga sa gwapo mong yan busted ka"? gulat na tanong ni Bless.

"Hindi ko nga alam kay Bernice kung anong ayaw niya sa akin" natatawang kwento ni Ken.

"Can we stop talking about this?.. I guess naka move ka naman na Ken, so no need na pag-usapan pa?" inis na sagot ko.

"Nope Bernice I still like you sabi nga nila diba "first love never dies".. sabay kindat sa akin.

Inirapan ko lang siya.

"Grabe naman ang pagkagusto mo kay Miss Em, Ken" sabat ni Shane.

"Kaya nga e.. hindi ko rin alam...hahahahaha"

"Hindi ba sa tagal ng panahong gusto mo siya at puro tanggi naman ang napapala mo, hindi  ba dapat na tigilan mo na?" inis na sagot ni Ranz.

"No... not until makita ko na siyang ikasal" seryosong sagot ni Ken.

"Sige Ken.. kapag dumating yung time na gusto ko ng magpakasal at wala parin akong boyfriend itetext kita at ako na mismo ang mag-aaya sa'yong magpakasal"..

MISS EMINENTWhere stories live. Discover now