ONE ON ONE

304 4 0
                                    

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil kailangan kong paghandaan ang audition
para sa Performing Arts Club. We need to prepare dahil malapit na ang 50th anniversary ng aming paaralan. And I heard kailangan maging engrande ang selebrasyon.

Mabilis na sumakay ako sa aking kotse ngunit napailing nalang ako dahil nakalimutan kong magdala ng payong makulimlim pa naman at mukhang uulan pa.

Pagdating ko sa school ay dali dali akong naglakad papunta sa aming building dahil ramdam ko ng babagsak na ang ulan. Pero sa kakamadali ko ay bigla naman akong natapilok.

Arrayyy!! Stupid Bernice ano ba naman yan. Ngayon pa talaga?
Tumingala ako sa langit at ramdam ko na ang mga patak ng ulan.

Umupo ako para icheck ang sapatos ko. Tatayo na sana ako ngunit hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit ng ankle ko at dahil mukhang kakambal ko ata ang malas ngayon biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Oh no! bakit ngayon pa?
Pinilit ko talagang makatayo dahil konti nalang magiging basang sisiw na talaga ako.

Naiiyak na ako sa sobrang sakit ng paa ko. At sa kahihiyan dahil ang mga iilang estudyanteng nandoon ay nakatingin na sa akin.
No! No! No! don't cry please.
Ang sabi ko sa sarili ko.

I want to call for a help pero parang walang gustong lumapit sa akin.

I felt so hopeless ng biglang nawala ang bumubuhos na ulan sa akin.
I look up and there I saw him looking at me.
Pinapayungan na pala niya ako.

"You alright?" he asked.

"Pero dahil tapang tapangan ako I said yes i'm okay."

Tssst... at pailing-iling na inabot sa akin ang payong at dahan dahan akong itinayo.

Nagulat ako ng biglang binuhat niya ako.
Napakapit ang isang kamay ko sa kaniyang leeg at ang isa naman ay hawak ang payong para hindi kami mabasang dalawa.

Napatingin ako sa paligid at hiyang hiya talaga ako sa nangyari sa akin.

"Look away and just hug on tight"

Tiningala ko siya at kahit nahihiya ako ay sinunod ko ang sinabi niya.
 
Naglakad siya habang buhat buhat ako at dinala sa school infirmary.
Maingat niya kong ibinaba sa kama. Wala pa ang nurse dahil sobrang maaga pa.

He check my ankle.
Dahan dahan niya itong minasahe.

"Maya maya wala na rin yan."

Then he asked.

"What is your locker number?"

"Ha??"

"Siguro naman may extra kang damit doon?"

"ah..Y--yes meron.."
"N--number 103."

"Where's your key card?"

"Ah.. nasa bag ko. "

"Ako na"..... pigil niya sa akin.
"You are not yet ok."

Nasa inside pocket.

"Ok you wait for me here."
Malamig na utos niya.

Pakiramdam ko litong lito ako sa nangyayari.
The other day he was too cold at ang sama pa kong makatingin sa akin.

But today he is like a different kind of person.
Is he a bipolar? or just a weirdo?

After a few minutes ay dumating na nga siya na dala ang extra pants, my key card and shirt.
inabot niya sa akin ito at naglakad palabas ng infirmary.

"Hey san ka pupunta?" tanong ko bago pa niya mabuksan ng tuluyan ang pinto.

Humarap siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

MISS EMINENTΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα