HE IS LOOKING AT ME

459 5 0
                                    

BERNICE POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Isang text muli galing kay Zee.

From: Zee

Wake up sleepy head. Malalate kana.

To: Zee

Wag kang makulit diyan!

From: Zee

Ang bad mo talaga sa akin. Tsk.. Tsk.. sige na magprepare kana. See you around.

To: Zee

Ok.
_____________________________________
Tumayo na ako at pumunta sa aking table to check kung anong update sa aming School. From the feed that I have read. Mukhang excited ang lahat sa pagdating ni Lady A. At mukha naeexcite din sila sa pamangkin ni Lady A.

Ohw.. oo nga pala. Yung presentation ano kaya ang maganda kong gawin to impress Lady A?

According to what I've heard before. Lady A used to sing and play piano. Pero kataka-takang wala masiyadong nakakakilala sa kaniya. Even my Mom and Dad ay hindi pa daw siya nakita. Well hindi naman daw kase siya ang may-ari dati ng Bridgestone University. The late Mr. Stone siya daw ang may-ari nito. At siya ang kilala ni Mom and Dad. Kasi dito rin sila nag-aral dati. After they graduated ay nagkasakit daw si Mr. Stone dahil sa sama ng loob sa kaniyang anak. But the school never had the chance to meet yung anak ni Mr. Stone at ang balita na before he died pinatawad niya na ang kaniyang anak and gave all his properties sa nag-iisa niyang anak and that is Lady A.
Maraming kwento ang meron kay Lady A.Gaya rin ng balitang narinig ko na marunong siyang kumanta at tumugtog ng piano. Paano kaya nila nalaman ang tungkol dun? Gayung wala pang nakakakita sa kaniya? Ni wala ngang nakakaalam ng totoo niyang pangalan. At kapag nakikipag-usap daw siya sa mga personnel ng school ay through voice intercom lang daw. Kaya naman excited ang lahat na mameet siya. At ano kaya ang reason bakit sa Pilipinas na siya maninirahan?

Well it's out of my bussiness. Pero nakakacurious din talaga.

I'm on my way na sa school pero iniisip ko parin kung ano ba ang iprepresent ko sa pagdating niya. What does she likes?.

Ilang minuto lang ay nasa gate na ko ng aming school. Napakalaki ng aming paaralan at lahat ng mga mayayaman na pamilya sa bansa ay dito pinag-aaral ang kanilang mga anak. Namangha tuloy akong bigla kay Lady A. Kung gaano siya kasuccessful. Dito rin kaya siya nag-aral? Baka hindi, kase kung dito siya nag-aral dapat kilala siya ni Mom and Dad. Too mysterious huh.. But I am very impress dahil pangarap ko din na matanghal na isa sa mga successful na babae sa bansa. I want my family to be proud of me.

Pagkababa ko sa aking kotse I saw Shane na pinapalibutan ng kaniyang fans. At isa-isa niya naman itong kinakawayan.

Tssk.. feeling artista. Bulong ko.
At naglakad ako sa hallway papunta sa building namin na madadaanan si Shane at ang kaniyang mga fans.

Sumigaw naman ang mga fans ko. Ayan na si Miss Em. Nang marinig ang sigaw na yon ay isa-isang gumilid ang mga fans ni Shane para padaanin ako even Shane did the same. Naglakad lang ako at ng matapat ako kay Shane ay binati naman niya ako.

Good morning Bernice.

Huminto ako sa gilid niya at tinignan siya patagilid ng hindi nililingon sa gilid ang aking ulo. Ganiyan lang ako magrespond sa mga bati niya. Hindi katulad ng iba ay pinapansin ko naman ang bati ni Shane. Sa ganon na paraan nga lang. Mabait si Shane kaya naman kahit gaano ako ka suplada ay nirerecognize ko parin naman siya.

Naglakad na ako paalis sa kanila. All I heard ay ang mga positive and negative comments sa akin. Ang cool ko daw. Yung iba kinocompare ako kay Shane. I once heard Shane na ipinagtatanggol ako sa mga fans before kaya naman di ako masiyadong nagpapaka mean pagdating sa kaniya.

MISS EMINENTWhere stories live. Discover now