Chapter 4: Resent Me To Death

291 59 34
                                    

Chapter 4: Resent Me To Death

"The best treatment for a virus called resentment is forgiveness."
― Debasish Mridha, MD


CIPHER

Tulad nga ng inaasahan ko, hindi naging madali ang pagbalik do'n. Kung nakakamatay lang ang matalim na pagtitig sa'kin ni Dev, malamang sa malamang ay pinaglalamayan na'ko ngayon. Hindi ko mabilang kung ilang matatalim na titig ba ang ibinabato niya sa'kin tuwing nakikita niya ako. Dahil nga ayaw kong salubungin ang inis niya, hindi ko na lang siya pinapansin.

Naging maayos ang trato sa'kin nina Andrei at Dorie simula nang makabalik ako. Hindi ko pa nakikita si Ellaine dahil ang sabi ni Dorie, nasa bakasyon pa raw ito.

At dahil nga sabado ngayon, nakahilata sana ako sa malambot kong kama ngayon. Pero hindi. Nambulabog na naman ang lintek na Alchaster at kinaladkad ako papuntang mall.

Kaya ito ako ngayon, salubong ang kilay habang nakasunod sa kaniya.

"Am I your body guard or what?" inis kong tanong sa kaniya dahil para talaga niya akong body guard sa inaasta niya. Ang bilis niyang maglakad kaya nauuna siya kesa sa'kin.

"What?"

"Damn you! Wait for me, bastard! Lintek, eh parang alalay mo 'ko ah?"

Huminto siya sa paglalakad at humagikgik lang. Nang magkasing level na kami ay saka na niya ako sinabayang mag lakad.

"What do you want to buy ba at kailangang kasama pa ako?"

"Hmm... I don't know."

Napanganga ako nang sabihin niya 'yon. What? Hindi niya alam ang bibilhin niya? Akala ko ay may pupuntahan siyang store kaya kami naglalakad ngayon? Lintek!

Sa inis ko ay tumigil ako sa paglalakad at kinaladkad ko siya papunta sa tabi ng isang botique at namewang sa harap niya.

"Are you fucking kidding me, Chast? Kanina pa tayo naglalakad. Lintek na sa layo ang narating natin simula pa sa entrance tapos ay sasabihin mong hindi mo alam kung ano ang bibilhin mo?"

Napakamot siya sa ulo nang marinig 'yon. Sunod siyang napatingin sa paa niya na ngayon ay sipa nang sipa kahit wala namang mga bato sa paligid.

"It's a gift, okay?" mahina niyang bulong.

"Gift for who? Sa pagkakatanda ko ay next month pa ang birthday ni Fabian."

He looked at me and pouted. WHAT. THE. FUCK.

"It's for... Vita." damn!

"Are you serious?" hindi makapaniwalang saad ko. He nod at me while doing that pout again.

"No way," saad kong muli.

"Help me, death. Wala akong kaalam alam tungkol dito. Hindi ko alam kung anong ireregalo ko."

Napabuntong hininga na lang ako. Is he in love with that Vita?

"Okay. Tell me, do you know what's her hobby or her body size? Food na gusto niyang kainin? Tell me something about her."

Secrets Between LiesWhere stories live. Discover now