"One day you're going to remember me and how much I loved you... then you're gonna hate yourself for letting me go."
- Aubrey Drake Graham -
-----------------------------------------------
"I'm sorry, Kali.. I don't think we can still longer continue our relationship... Let's end this.." He said to me on the other line.
Nanlamig ang buong katawan ko. Mula ulo hanggang paa. Kasabay nun ang kirot sa kaliwang dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig-hindi, isang timbang puno ng yelo sa buong katawan.
"W-what!? Dan, l-let's meet and talk about this later. Okay?" I answered him trying to dismissed those words he said to me.
"No, Kalilah! You listen to me! There's no need to meet later. Let's end this now! I can't do this anymore.." He told me exasperatedly.
"Why? Why can't we meet later to talk and settle this thing that you're talking about? Honestly, I don't understand anything right now, Dan!" I said to him trying to calm myself.
I'm trying my best to calm my nerves and keep lowering down my voice but I just can't control it right now.
My hands are trembling and my voice are shaking because of frustration and pain.
I heard him inhaled deeply before he answers me. "There's no spark anymore, Kali. One day I woke up, I realized that I don't love you anymore. Hindi ko na kayang lokohin ka lalong lalo na ang sarili ko! I can't pretend loving you anymore. I don't want to be unfair to you. I'm sorry, Kali. Let's end this now.. I'm begging you!" he explained to me dramatically but my mind refused to accept his sharp words like a knife that breaks my heart into pieces.
"A-a-ano...?" Para akong nabingi sa narinig ko.
Naramdaman ko nalang na tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.
"H-h-hindi mo na ako m-mahal? K-kailan pa? Sino ang pinalit mo sakin? May i-iba ka na b-ba? Akala ko ba ako lang? B-b-bakit...?" sunud sunod kong tanong kahit hirap na ako makapagsalita.
Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan.
Ang sakit.
Hindi ako makahinga sa sakit.
"Wala, Kali. Minahal kita, oo. Nagising nalang ako isang araw na wala na akong nararamdaman para sa'yo. Hindi mo ba nakikita? Wala ng spark! Huwag na nating ipilit pa Kali, parehas lang natin pahihirapan ang mga sarili natin. Hindi na tayo katulad nung dati!" sagot nya na pilit nyang ipinaiintindi sakin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.
"S-sabi mo... Sabi mo, mahal mo 'ko. Sabi mo, ako lang ang minahal mo ng ganito! Sabi mo, ako ang babaeng pakakasalan mo! Sabi mo walang iwanan at bibitaw! Pero bakit ganito? Bakit mo ginagawa sakin ito? Nangako tayo sa isa't isa!" sabi ko sa kanya na punong puno ng pagkadismaya.
"Narealized kong hindi pala ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar, Kali." mapakla nyang sagot.
Rumagasa na naman ang panibagong sakit na bumalatay sa buong katawan ko lalong lalo na sa dibdib ko.
"Pag-usapan natin ito, Daniel.. Parang awa mo na.. Magsimula ulit tayo sa umpisa, balikan ulit natin yung mga lugar at bagay na ginagawa natin, huwag lang ganito.. Huwag mo naman akong iwan.." pagsusumamo ko sa kanya.
"Makinig ka naman sakin Kali! Hindi ko na kayang magkunwari. Ayaw kong saktan ka, pero eto yung mas makabubuti sating dalawa. Maghiwalay na tayo." pinal nyang sagot sa pakiusap ko.
Hindi. Hindi ako papayag.
"Magsabi ka sakin ng totoo, Daniel.. Please lang. Sagutin mo ako ng totoo.. Parang awa mo na.." hindi ko na halos maramdaman yung katawan ko. Namanhid na sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Minahal mo ba talaga ako?"
"Oo, minahal kita Kali."
"Pero bakit ganito? May iba ka na ba? Sino? Matagal mo na ba akong niloloko? Alam mo Dan, Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal e.. Nararamdaman kong mahal mo pa ako. Magsabi ka ng totoo.. Please.. Ano bang dahilan mo? Bakit ka nagkakaganito? Mas madali ko pang matatanggap kung ipinagpalit mo ko sa iba kaysa yung ganitong iiwan mo nalang ako basta basta!"
"Walang iba. Okay? Hindi kita niloko! Kahit kailan hindi kita kayang lokohin.. Hindi na nga kita mahal, Kali! Ano ba sa mga salitang yan ang hindi mo maintindihan!?"
Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para patuloy na ipaglaban yung relasyon naming dalawa. Hinang hina na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Para akong posporong unti-unting nauupos.
Bawat salitang lumalabas sa bibig nya ay parang lasong kumakalat sa buong sistema ko lalong lalo na sa puso ko na unti unting pinapatay sa sakit.
Hindi na ako nakapagsalitang muli.
Nanatiling tahimik si Daniel sa kabilang linya at hinihintay lang susunod kong sasabihin.
Patuloy lang na umaagos ang mga luha sa aking mga mata na parang sirang gripo na hindi ko mismo mapigilan.
Nang mahimasmasan ako ng kaunti ay saka ako naglakas loob na magsalitang muli.
"Daniel, makinig ka sa sasabihin ko.. Tandaan mo ito palagi, mahal na mahal kita... Nung highschool palang tayo, mahal na kita.. Naging kuntento na ako noon bilang kaibigan mo kasi alam kong imposibleng mahalin mo ang isang katulad ko na malayo sa mga naging girlfriend mo noon.. Nung napansin mo ko at sinabi mong mahal mo ko, akala ko panaginip lang ang lahat. Kaya di ba nung mga panahong bago palang tayo ay sinabi ko sa'yo na habang maaga pa kapag may nakita ka ng mas hihigit pa sakin o napagtanto mong hindi mo pala ako talaga mahal ay sabihin mo agad sa sakin? Ang daya mo.. Kung kailan hulog na hulog na ako sa'yo saka mo ako binitawan ng ganito. Sana hindi mo nalang ginulo yung mundo ko, edi sana may kokonti pa akong naitira para sa sarili ko. Umasa pa naman ako na sana hindi ito isang panaginip lang. Pero hindi ko inakala na magigising pala ako na bangungot ang lahat..."
"I'm sorry, Kali.. I'm really sorry..." medyo nanginginig na ang boses ni Daniel.
"Sa huling pagkakataon Daniel, gusto ko ulit marinig sa mga bibig mo na hindi mo na ako mahal... Pagkatapos nito, pinapalaya na kita.."
"Hindi na kita mahal, Kali.."
I ended the call and cried my heart out until I passed out crying...
--------
Hi readers! Chapter One (1) is up! I hope you'll enjoy this story of Kali and her roller coaster ride journey on every chapter. Thank you very much!
Don't forget to vote and comment. I also accept suggestions and ideas! Feel free to message me or post on my wall! Thank you! :)
iamlivingweird ❤
VOUS LISEZ
Never Been A Bride
Roman d'amourNaghahabol ka na ba sa oras? Yung nasaksihan mo na isa isa ang mga kaibigan mong nagpakasal, nagkapamilya at walang palyang ikaw ang kinuha nilang Bridesmaid. Yung kapag may family reunion kayo ay wala ng ibang tinanong sa'yo ang mga kamag anak mo k...
