Chapter 8

5.3K 128 1
                                    

*Russ*



Nangunot ang noo ni Russ ng mapansing kanina pa sya sinusundan ng itim na Van, Paglabas nya sa Mansyon ay napansin nya ang itim na Van sa malayo sa mansyon nila, hindi nya nalang yon pinansin baka sa kapit bahay lang yon. Pero ngayon na nakita nya ulit ang Van na yon ay nag hinala na sya. Sinusundan ba sya? Bakit naman? Ito ba yong lalaking nag tangkang kunin sya nong isang araw? o yong lalaking nakita nya kahapon sa parking lot ng PU?


Ano bang nangyari? Bakit may mga sumusunod sa kaniya? Dahil sa pagkakaalam nya wala syang atraso kanino man. Kong sa Gangster World naman, wala din syang atraso sa ibang groupo. Kaya sino ang dalawang lalaki na sumusunod sa kaniya? Hindi nya din masasabing parehong lalaki ang sumunod sa kaniya nong isang araw at kahapon dahil magkaiba ang katawan at tangkad nila. Pero Possible bang magkasabwat ang dalawa? kong oo anong kailangan nila kay Russ?

Ang Gulo!




Kailangan na nyang maka rating sa Poston University dahil doon ang laro nina Razel, Fifteen minutes para magsimula ang laro. Pero kailangan nyang kumpirmahin kong sinusundan ba talaga sya ng itim na Van na nasa likuran nya. Nasa Poston University nasi Razel dahil ang Van ng Prime University ang sinakyan nila para sabay-sabay na dumating sa Poston University.



Tinignan nya ang side mirror at nakitang mahina ang pagtakbo ng Van. Tinapakan nya ang gas at pumaharurut, Mabuti walang traffic kaya walang sagabal. Muli nyang tinignan ang Side Mirror at nakitang mabilis na ang takbo ng Van at humahabol nasa kaniya. Confirm! sinusundan nga sya. Lumiko pa-kaliwa si Russ at pumunta sa walang katao-taong lugar, Tinapakan nya ang break at tinignan ang side mirror at nakitang naka hinto narin ang Van na sumusunod sa kaniya.


Kinuha nya ang pistol sa ilalim ng upuan saka tinago yon sa likod. Binigay ito sa kaniya ni April at luke in case of emergency at ngayon kailangan na nya ang binigay na pistol. Bumaba sya at lumabas din sa driver side ang lalaki. Mataman nyang tinignan ang lalaki at nakumpirmang hindi nga ito ang lalaking nagtangkang kumuha sa kaniya nong isang araw.


“Anong kailangan mo sa’kin?”seryoso nyang tanong


“I want you dead”sagot nito at mabilis na kinuha ang baril sa loob ng suot na leather jacket saka tinutok sa kaniya.


“Who are you and what do you want from me?”mariin nyang tanong



“No need to know me Miss De Leon, i’ll kill you”anito at nagpa putok ng baril.



Mabilis na yumuko si Russ at kinuha ang pistol sa likod at pinaputukan ang tuhod at kamay ng lalaki kaya natumba at nabitawan nito ang baril. Mabilis na tumakbo si Russ papunta sa gawi ng lalaki at tinuhod ang mukha saka mariing hinawakan ang buhok. “Sino ka?!”mariing tanong nya sa lalaki



“Hindi na imporanti kong sino---”



“You’re wasting my time you ass!” Dahil sa irita malakas na hinampas nya ang pistol sa gilid ng leeg ng lalaki at muling tumakbo papunta sa kotse saka pinaharurut papuntang Poston University. Mahinang napa mura si Russ ng makitang alas Kwatro na at paniguradong nagsisimula na ang laro.


“Nasa’n kana magsisimula na ang laro”

“Russy nag simula na ang laro”

“Hey okay ka lang ba? nasaan ka ba bakit hindi ka nag rereply?”

“Russy hinanap ka ni Razel”



Iilan sa mga nag bahang mensahe ni Maurine, Binuhay nya ang kotse at pinaharurut ang kotse papuntang Poston University. Nasa kalagitnaan ng pagmaneho ay naka tanggap sya ng mensahe galing kay Marcus.



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon