Chapter 22

11K 183 5
                                    

Abala ako sa pagluluto ng almusal, tulog pa ang tatlo eh, napagod sa paglalaro kahapon, sa totoo lang I’m really happy now walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin sa likod.

“Morning Misis” bulong ni Neil sa akin

“N –Neil...” naiilang kong sabi

“Hmmnn..” at isniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at inamoy-amoy yun

“Neil...nagluluto pa ako” saway ko sa kanya

“Ang bango mo naman Misis” I could feel his breath and it sent chills down my spine

“Neil..p – pwede ba...”

“Misis pwede bang ikaw ang kainin ko?” and he smiled

“NEIL!” sigaw ko at tatawa-tawa siyang humiwalay sa akin

“Ang cute mo pa rin Eclaire” sabi niya at sumandal sa kitchen sink

Sumimangot ako..”cute” so bata pa rin ang tingin niya sa akin

“Oh? Anong nangyari sa’yo? Ba’t ka nakasimangot?”

“Wala!” pabalang kong sagot at ipinagpatuloy ang pagluto, natahimik kami pareho

Tumikhim siya “Sooo..kamusta kana?”

“Eto maganda pa rin...ay teka mas lalo palang gumanda at sumexy” pagmamayabang ko

“I could see that” bigla akong nailing sa sinabi niya and when I looked at him, desire was clearly written all over his eyes. Umiwas ako ng tingin, gosh! Aga aga ang landi nito.

“Mommy...Daddy...” mahinang tawag ni Nicolas, agad kami napatingin sa kanila, kinukusot-kusot pa ni Nic ang mata niya habang si Nate ay pupungas-pungas pa. In-off ko muna ang stove at lumapit sa dalawa.

“Morning sweethearts” masigla kong bati

“Mommy....” inaantok na tawag ni Nate

Lumapit na rin si Neil sa amin at kinarga si Nicolas habang ako ay kinarga si Nate. Pinaupo namin sila.

"Mom what's for breakfast?" tanong ni Nate

"Well pancakes at eggs and bacon"

"Yeahey!" sabay nilang sabi

"The best ka talaga mom!" masayang sabi ni Nic

"Oo na, alam ko na yun" tapos nilapag ang baso ng gatas sa mesa. Umpo na rin kami ni Neil.

"Let's eat" sabi ni Neil, at ng kukuha na sana ai Neil ng bacon ay tinampal ko ang kamay niya "Misis naman" pinandilatan ko siya.

"Pray first dad" sabi ni Nate

"Ah..eh...tama ka anak haha"

"Pahiya..." bulong ko pero narinig naman niya kaya sinamaan ako ng tingin

Then Nicolas led the prayer, after the prayer ay kumain na kami, panay naman ang kwentuhan nila.

"So may plano na ba kayo ngayong araw na ito?" tanong ni Neil

"Well balak ko sanang e.enroll ang mga bata ngayon, may school na kasi akong nahanap na medyo malapit lang dito" I said

"I see, well how about after that, we all go out, bonding naman tayo"

"Great idea dad!" sangayon ni Nicolas

"Fine by me" sabi naman ni Nathan

"Then it's decided, we will go out"

***************

Nakasimangot ako all throughout the enrollment, nakakainis kasi ang mga babae dito panay pacute kay Neil, at ang loko naman tuwang-tuwa sarap sapakin.

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon