Chapter 19

10.7K 219 7
                                    

Neil's Pov

What?! Anong sabi niya?

"Wha..."

"I want a divorce Neil" seryoso niyang sabi

"Bakit? Anong problema? May problema ba tayo?" why the heck does she wants divorce?

"Ayoko na Neil"

"What? hindi kita maintindihan Eclaire, anong ayaw mo na?"

"I want my freedom back"

Freedom? Bakit? Kinukulong ko ba siya? Hindi naman ah.

"Eclaire,....ang labo..." naguguluhan na talaga ako sa kanya

"That's what I want" she stood up at ng aalis na siya ay pinigilan ko siya

"Eclaire..."

"Please.....Neil masakit pa ulo ko, magpapahinga muna ako" tapos iniwan niya ako doon.

Shit! Bakit ba talaga? Wala akong naiintindihan....kainis!

Mark's Pov

Andito kami sa bar ni Natalie ngayon at pinapanood namin si Neil na binubuhos ang sama ng loob niya sa beer.

"Hoy Neil wala ka pang balak umuwi? Anong oras na" sabi ni James

"Aaayyyoookooo paaaa! *hic*"  lasing na lasing siya

"Naman! ano bang problema mo pre?" naiinis kong tanong

"Aish! isha pahh!" order niya

I heard Natalie sigh "Nung isang araw si Eclaire ngayon naman ikaw, ano bang problema ninyong dalawa ha? yung totoo"

"Tsss! eh shiya naman eh...labooo"

"Huh? Anong malabo? Patignan mo na ang mata niya para mawala ang labo" biro ni James at binatukan siya ni Natalie

"Sira! Walang kwenta naman ang joke mo"

"Sama mo naman hon"

"Hoy! Anong hon ka diyan? Kilabutan ka nga James"

"Bakit? Yan na ang tawagan natin pagsinagot mo na ako" with matching taas baba pa ng kilay ang mokong

"Hahaha! Naliligaw ka? Hahaha! Ikaw? The Almighty James Villazanta, is courting, now that is new hahaha" kantyaw ko eh sa nakakapanibago yun eh.

"Aish! wag ka ngang panira diyan Mark"

"Alam niyo, ba't ba kasi dito kayo sa bar ko tumatambay eh may club naman si Mark, doon na nga kayo"

"Hon naman wag mo naman kaming palayasin"

"Basta! Wag kayong gumawa ng gulo ha! ayoko nun"

"Ma'am yes ma'am!" with matching salute pang sabi ni James

Biglang may narinig kaming malakas na kalabog at nagkagulo.

"Ano yun!" sigaw ni Natalie

Napatingin kami sa pwesto ni Neil and to our horror, wala na siya doon.

"Putakte!!" sigaw ni Neil

"Shit!" mabilis na tumayo kami ni James at pinuntahan si Neil na nakikipagsuntukan sa isang bakulaw.

Mabuti na lang at pumagitna na ang bouncer ng bar.

"Neil, tama na yan" pigil ko

"Eh kailangan ko pang gumanti!" galit na sabi ni Neil

"Eh sira-ulo ka pala eh, ikaw na nga yung nambabastos ng syota ng iba eh" sigaw ng bakulaw na pinipigilan ng girplen siguro niya.

"Ulol ka pala eh, yung syota mo ang lumapit sa akin, siya ang lumandi sa akin" sabi ni Neil, yun naman pala eh kapal din ng babeng ito ang kati

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon