Chapter 18

10.9K 196 0
                                    

Eclaire's Pov

Aurrrghhhh....

Sakit ng ulo ko....

Unti-unti kong binuksan ang mata ko, just to be greeted by a familiar ceiling.

Am I in my room?

Sinubukan kong tumayo pero sumakit lang lalo ang ulo ko. Futakte naman eh, parang hinampas ako ng cement block sa sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang noo ko ang I gasp! Ma-may bukol ako!

Pero saan ko ito nakuha? Wait....rememeber....pinipilit kong inaalala kung saan galing ito. Then I heard the door opened, napatingin ako doon.

"Hey" bati ni Neil, while nagdadala siya ng tray na may pagkain.

"H-hey.." naiilang kong sabi.

"Kamusta pakiramdam mo?" he asked and put down the tray with food on top of the side cabinet.

"Ahm...n-not o-okay"  tapos yumuko ako na wrong move naman kasi mas lalong sumakit ang ulo ko, I groaned.

"Okay ka lang?" tumabi kaagad si Neil sa akin at hinawakan ang kamay ko, nag-angat ako ng tingin, puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Shit!" napamura siya at hinawakan ang bukol ko sa noo, I gasp again, medyo masakit pa eh.

"Teka lang ah!" at nagmamadaling umalis at bumaba, ano kayang problema doon?

Habang wala siya ay pinipilit kong alalahanin kung anong nangyari talaga kahapon. Basta ang alam ko dahil sa sama ng loob ko ay pumunta ako sa bar ni Natalie, at uminom. I wanted to get drunk because I don't want to feel the pain in my chest that is eating me up, napaluha na lang ako.

Mayamaya ay narinig ko ang mga yabag na papalapit, bumukas ulit ang pinto at iniluwal doon si Neil na may dalang yelo at bimpo. Lumapit ulit siya sa akin at binalot ang ice sa bimpo at inilagay yun sa noo ko.

"Does it feel better?"

"Ahm...ah...y-yeah...salamat" nahihiya kong sabi "Ahm Neil..."

"Hmmn?"

"Pa-paano ako nakauwi?"

Tinignan muna niya ako at bumuntonghininga.

"Ako ang nag-uwi sa'yo, tinawagan ako ni Natalie, sabi niya sunduin daw kita dahil lasing na lasing kana"

"Ah....I see" napatango na lang ako. "Ehh...itong bukol ko? Saan ko nakuha?"

Nakita kong nagpigil siyang tumawa pero hindi niya napigilang ngumiti, kinakabahan tuloy ako.

"Well..ehem..ng narating ko ang bar tinanong ko sila kung asaan ka at si Natalie, sabi nila nasa private room kayo ni Natalie sa itaas kaya ayun pumunta ako kaagad, pero ng binuksan ko ang pinto ng ubod ng lakas" napakamot siya sa ulo niya "Eh hindi ko alam na andoon ka pala sa likod kaya ayun sapol ka sa mukha, sorry talaga"

Huh?! yun ang nangyari?! Gosh! Nakakatawa yun! Hindi ko namalayan na tumatawa na ako pero mahina lang, ang tanga ko naman hahahaha!

Napatingin ako kay Neil ulit oara sana magpasalamat pero nakita ko siyang tinitignan ako ng matiim.

"Ah...eh...ahm" I cleared my throat "Sa-salamat..."

"Bakit ka uminom?"

"Huh?" naman, bakit niya yun tinanong, wala akong masagot eh.

"Sabi ko, bakit ka uminom? May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Sabi ng papa mo, hindi ka naman umiinom eh kung walang malalim na dahilan, kaya nagulat talaga ako ng malaman kong naglasing ka sa bar ni Natalie"

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon