Chapter 14

10.8K 210 2
                                    

Neil's Pov

*Tok! Tok! Tok*

Nagising ako sa walang humpay na katok sa pintuan ko. Tss! sino naman ito? kay aga-aga nambubulabog.

"Ano?!" inis kong bukas ng pinto.

Pero batok ang nakuha kong sagot

"Aray! sakiy nun ah!"

"Eh! ba't ka naninigaw! kay aga-aga sungit mo? bakit? meron ka?" inis rin na sagot ni Eclaire.

"Aish! eh ikaw naman kasi kay aga-aga nambubulabog ka, bakit ba?"

She sighed "7am na po, simba tayo, remember?"

Aish! oo nga pala.

*flashback*

"Sunday pala bukas" sabi ko, nasa sala kami. Naglalaro ako ng xbox habang nagbabasa ng libro si Eclaire.

"Oo, bakit? may lakad ka?" tanong ni Eclaire.

"Wala naman, eh ikaw?"

"Magsisimba sa umaga, tapos wala na"

"Hmmm...." huminto ako sa paglaro at humarap sa kanya "Sama ako"

Huminto siya sa pagbasa at tinignan ako. "Magsisimba ka?"

"Ouch!" sabay hawak sa dibdib "Anong tingin mo sa akin? hindi makadiyos?"

"Tss! ayoko"

"Huh? bakit naman?"

"Basta ayoko"

"Ayyyy...sige naaa sama na ako" pangungulit ko.

"Maaga ako magsimba"

"Okay lang yun, gigising ako ng maaga"

"Talaga?"

"Oo, promise!" with matching taas ang kanang kamay.

"Siguraduhin mo, kung hindi lagot ka sa akin" banta niya.

"Hah! ako pa"

*end of flashback *

"Ah...eh..." napakamot ako sa ulo ko.

She she sighed "15mins....dapat tapos kana within 15mins kung hindi iiwan kita" yun lang ang sinabi niya at umalis na.

Nagmamadali akong maligo at magbihis. Natapos ako sa loob ng 5mins lang galing ko! hahaha! Bumaba kaagad ako at nagpunta sa kusina.

"Bilis ah" sabi niya

"Ako pa, oh? ba't hindi kapa kumakain?" napansin kong hindi pa nagagalaw ang pagkain.

"Hinihintay kita" simple niyang sagot pero parang natuwa ako doon ah.

"Naks naman! ang sweet ng misis ko, salamat oh siya kain na tayo" nakangiti kong sabi ko at kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain at nagligpit. Kinuha ko ang kotse mula sa garahe tapos sumakay na din si Eclaire na naghihintay lang sa labas ng bahay.

Lumipas ang ilang minuto ay narating namin ang simbahan. Medyo marami-rami na rin ang tao.

"Saan tayo uupo?" tanong ko.

"Hali ka" sabay hawak sa kamay ko ay hatak. Napakislot ako sa ginawa niya at napatingin sa kamay namin.

"Dito tayo"

"Huh?" tumingin ako at doon ko na napansin na nasa pangatlo sa harapan kami uupo. Umupo kami sa malapit sa aisle.

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon