Chapter 15

10.6K 190 7
                                    

Eclaire's Pov

Padabog kong nilagay ang gamit ko sa mesa.

"Oh? insan problema?" tanong ni Christine.

"Argh!!!!" tapos napasabunot ako "I hate him!"

"Huh? hoy insan! tatawag na ba ako sa mental hospital?"

"Chtistine! grabe siya, it took me all my courage to say it to him, at ano lang sinabi! ANO LANG!"

"Ano ba?"

"'Huh?' yun lang ang sinabi niya! 'huh?' yun lang!!!! letche siya ipapakain ko talaga siya sa pating!!!"

*flashback*

"Mahal kita" tas nagpaputok ng fireworks nasa pinakamataas na kami kaya napakalakas ng tunog nun.

Grabe! umamin ako sa kanya, hindi ko kasi na kaya eh. Mahal ko na talaga siya. Nakatingin pa rin siya sa akin na nakakunoot ang noo. Gosh! pinagpapawisan na ako.

"Huh?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pagkatapos ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya.

"Anong sinabi mo Eclaire? hindi ko kasi narinig dahil sa fireworks eh"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nun! Pinakbet naman oh! waaaa!!! kainis

"WALA!" inis kong sigaw

*end of flashback*

Waaaaa!! ayoko na! walang kwenta siya! nasayang ang lahat ng inipon kong tapang.

"Pinsan ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Christine

I just sighed "Wala ito pinsan, masama lang ang pakiramdam ko"

Hahay...ewan ko na lang talaga.

Mayamaya ay natapos na din ang klase at lunch break na.

"Insan hali kana kain na tayo!"

"Oo na, andyan na"

Ng makarating kami sa canteen ay umorder kami kaagad at umupo sa may likuran.

"Ahm pinsan.."

Napatingin ako kay Christine at parang hindi siya mapakali.

"Ano? natatae ka ba?"

"Hindi no!"

"Eh bakit parang hindi ka mapakali diyan?"

"Eh kasi...s-si tita.."

"Huh? sinong tita?"

"Yu-yung mama mo"

Biglang parang na bad trip ako doon ah.

"Wala akong mama" malamig kong sabi.

"Eclaire..." nagaalala niyang sabi "Patawarin mo na siya"

Tss! andito na naman tayo naririndi na akong marinig yan ah.

"Pati ba naman ikaw Christine! alam mo kung anong ginawa niya, at gaanu naging miserable si papa, at papatawarin ko lang siya ng ganun ganun lang?! ayoko!"

"Eclaire, nagsisisi na si tita, hinarap niya ang magulang ko nung isang araw kasama sina lolo at lola, humingi siya ng tawad at lumuhod pa sa harap nila, I think you should hear her out, Eclaire please"

Tumayo ako "Ayoko! walang magpapabago doon!" tapos umalis, hindi ko siya mapapatawad.

Christine's Pov

Yosh! first Pov ko yeahey! hahaha! well I know you know me already. Christine delos Reyes here well enough of that, hay...ano bang gagawin ko sa pinsan ko? Paano ba niya mapapatawad si tita.

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon