Chapter nineteen

Začať od začiatku
                                    

"B-bakit ka pumasok! U-umalis ka na!" Gumaralgal ang boses ko kaya tinalikuran ko siya pero napigilan niya ako at pinaharap muli sa kanya na iwas ang mukha ko.

"Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama o nagawa?" Oo, may nasabi kang masama.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. Bahala siya kung magalit man sakin basta hindi ako sasagot baka may masabi akong ikakasakit ko pa.

"Ano magsalita ka. May nagawa ba ako na kinagalit mo?" Tikom parin ang bibig ko. Ayoko ngang magsalita at ayoko rin siyang makita. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito.

"Lilian! Ano bang problema mo? Sabihin mo saki—"

"Mahal kita! Kaya nasasaktan akong malaman na may mahal ka nang iba!" Kaya nga ayokong magsalita dahil pinapahamak ako nang aking sarili at bibig. Hindi nito magawang magsinungaling.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero napangiti din bigla at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Damn Baby! Talaga? Mahal mo rin ako?" Naguluhan man sa sinabi niya ay tumango ako. Mas mabuti pang malaman niya keysa naman ibaon ko ito sa puso ko. Mas mabuti nang masaktan keysa umaasa sa wala.

Pero ang ikinagulat ko ay nang yakapin niya ako ng mahigpit na sa sobrang higpit ay hindi na ako makahinnga.

"B-bitawan mo na ako, hindi ako makahinga.." Agad din siyang kumalas pero hawak parin niya ako at kitang kita kong namumula ang kanyang mga mata na wala naman kanina.

Umiyak ba siya? Bakit naman?

"U-umiyak ka ba Nicholas?"

"Mahal na mahal din kita Lilian, kaya umiyak ako sa tuwa ng malaman iyon mula sayo. Oh damn! I can't believe this!" Napasabunot at hawak siya sa ginagawa sa kanyang buhok at sa mga kamay ko. Habang ako man ay nakatulala at hindi makapaniwala sa kanyang inihayag sakin. Parang lalabas na sa sobrang tuwa ang puso ko. Kumakabog ng mabilis at natutuwa rin siya sa kanyang narinig. Dahil ang taong kaharap ko ngayon ay mahal din ako.

"T-totoo? M-mahal mo din ako? B-baka niloloko mo naman ako." Pagkokompirma ko baka hindi siya totoo at imahinasyon ko lang pala ito.

Hinalikan muna niya ako ng matagal bago ako tinitigan. Ganun parin ang mga mata niya. Kumikislap ng sobra kagaya ng sakin.

"Oo. Mahal na mahal kita Lilian Magdad. At isisigaw ko iyon sa buong mundo! Ano masaya na ang mahal ko?" Tumango tango ako habang nakangiti ang mukha ko sa nalaman na totoo lahat ng mga nangyayaring ito.

"So, pwede na kitang ipakilala sa Mommy ko na girlfriend na kita?" Unti unting nawala ang ngiti ko sa narinig. Alam kong kapag nalaman ito ni Madam Elena ay tiyak na magagalit iyon sakin o baka paalisin niya ako sa mansyon. Hindi ko na makikita si Nicholas at parang binaliwala ko narin ang pagtitiwala na binigay sakin ni tiya Wilma.

"Huh? Girlfriend?"

"Oo. Nobya na kita at ako ay Nobyo mo na rin." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya at nilalaro ng mga palad ko.

"Mangako kang huwag mo munang sabihin ang tungkol satin. N-natatakot kasi ako na malaman ni tiya Wilma at paglayuin tayo. Hindi ko kakayanin iyon." Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha at ang pagtatagis ng kanyang bagang.

"Kahit tutol ako sa sinabi mo ay susundin kita. Hindi ko hahayaan na paglayuin ka nila sakin. Ako ang una nilang makakalaban kapag nangyari iyon. Nagmamahalan tayong dalawa kaya wala na silang magagawa pa at hindi ko rin hahayaan na mawala ka sakin, Lilian." Puno ng diin ang mga kataga niyang binitawan. Kahit paano ay panatag ako sa kanyang sinabi.

"Salamat Nicholas."

"Kailangan na natin matulog dahil malalim na ang gabi. Ayokong mapuyat ka... Pero kung gusto mo ay pupuyatin kita ng magdamag." Pinagapang niya mula sa leeg pababa sa braso ko hanggang sa beywang ko ang isa niyang kamay na nagbigay na naman sakin ng boltaheng pakiramdam. Nag-init ang mukha ko dahil alam ko ang ibig niyang iparating. Pero hindi maaari dahil nandito kami sa bahay ni Ate Irish at nakakahiya ang gagawin namin kung dito pa talaga.

"N-nicholas!" Agap ko na sa kamay niya ng ipasok niya iyon sa loob ng damit ko. "Nakakahiya kay Ate Irish." Suway ko at buti naman ay tumigil siya.

"Okay. Matulog nalang tayo ng sabay." Tumango ako kasabay ng pagpangko niya na kinatili ko ng mahina dahil sa gulat.

Nakahiga na kami sa kama at nakaunan ako sa kanyang dibdib habang siya ay hinahaplos ang aking buhok na nagpakalma sakin at parang inaantok na ako sa kanyang ginagawa.

"I love you, Lilian."

"Mahal din kita, Nicholas."

"Matulog ka na, Baby." Pinikit ko na aking mga mata at tuluyan nang kinain ng dilim ang ulirat ko pero ramdam ko pa ang mainit na bagay sa noo at labi ko.

Hanggang sa makatulog ako.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordWhere stories live. Discover now