Chapter twenty

88.2K 1.7K 19
                                    

Chapter twenty
Lilian

Kinaumagahan nga ay hinatid ako ni Ate Irish sa mansyon. Wala nadin sa tabi ko si Nicholas ng magising ako. Siguro pagkatulog ko ay umalis nadin siya para hindi siya makita ni Ate na magkasama kami kahit alam nito ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi narin pumasok ng mansyon si Ate dahil nagmamadali siya sa pag-alis. May importante daw siyang meeting. Huwag daw akong mag-alala kila Madam dahil nasabihan na niya kahapon at pati si Nicholas ay alam din. Kaya siguro nalaman niya kung nasaan ako. Umalis din agad si Ate kaya pumasok na ako sa loob habang iniisip ko parin si Nicholas at ang nangyari.

Napangiti naman ako ng maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Ang gabi ng pagtatapat ng aming pag-ibig sa isa't isa. Ang gabi din na ganap na kaming magnobyo at magnobya.

"Lilian! Ano pang ginagawa mo diyan! Bilisan mo at magtrabaho na!" Napapitlag ako sa galit na boses na iyon ni Mayordoma. Agad akong tumalima at naglakad papasok sa loob ng bahay pero napahinto din ng makita ko Maam Selena na kabababa lang galing sa itaas ng hagdan. Masama ang tingin na pinupukol niya sakin pero agad ding ngumiti at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Lilian right?" Tumango ako sa kanya. "Pwede mo bang linisin ang kwarto ko? At pakilabhan nalang din iyong mga kurtina at kobre kama. Thanks." Pagkasabi niya nun ay iniwan niya ako kaya napasunod nalang ang tingin ko sa kanya.

Kumuha muna ako ng mga kailangan kong gamit bago umakyat sa itaas at pinuntahan ang kanyang silid. Alam ko din kung nasaan ang silid niya nang maglinis din dito si Bell. Sa kaharap na silid ni Nicholas ako pumasok pero napahinto muna ako sa pagsarado ng pinto at natingnan ang kanyang pinto na nakasarado.

Nandiyan ba siya? O nasa trabaho na?

Napailing ako at sinara na ang pinto. Siguro nasa trabaho narin siya sa ganitong oras.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang mga nagkalat na papel sa sahig. Basa din ang ilang parte kaya nabasa nadin ang mga papel. Sa ibabaw ng kama ay ganun din. Basa at nagkalat ang mga papel.

Napahinga ako ng malalim bago ko sinimulan ang paglinis. Kinuha ko muna ang mga papel at nilagay sa basurahan. Wala naman sulat ang lahat ng papel. Sinunod kong nilinis ay ang sahig. Pagkatapos ay tinanggal ko ang mga kurtina na sobrang bigat pati nadin ang sapin ng kama. Nahahapong napaupo ako sa sahig. Namamawis nadin ang buo kong katawan. Pero kailangan ko nang matapos ang paglalaba sa mga ito para magawa ko nadin ang ibang gawain ko.

Tumayo ako at pinalitan ng bagong kurtina ang mga bintana at sapin naman sa kama. Buti nalang ay nadala ko dito sa itaas para hindi na maaksaya ang oras ko sa pagbaba.

Saglit muna akong napasandal sa pader dala ng pagod at medyo pananakit ng likod ko. Nang medyo okay na ang pakiramdam ko ay inayos ko na ang mga gamit at ang basket na laman ang mabibigat na mga kurtina at sapin ng kama.

Dinala ko ang mga ito sa likod bahay at para simulan ko na ang paglalaba. Naglalakad ako nang makasalubong ko si Bell na pagkakita sakin ay agad akong niyakap.

"Bestfriend! Namiss kita ng sobra!" Nagagalak niyang sabi habang yakap ako. Namiss ko rin ang kaibigan kong ito. Kahit isang araw lang akong nawala ay namiss ko na din ang kanyang boses na matinis na palagi akong pinapaalahanan.

"Namiss na din kita, Bestfriend." Bumitaw rin siya agad at nakakunot-noong tinitingnan ang mga bitbit ko.

"Si Selena ba ang nag-utos sayo, Bestfriend?"

"Sshh... A-ano ka ba Bell, hinaan mo ang boses mo baka marinig nun na Selena lang ang tawag mo sa kanya. Paano mo pala nalaman na siya ang nag-utos sakin?" Saway ko ng medyo tumaas ang kanyang boses. Ayoko nang dahil sakin ay mapagalitan siya.

"Oo naman no. Napapansin ko kasing masama ang tingin sayo ng babaeng iyon at alam kung ganun din si Madam Elena." Napapansin din pala niya ang galit sakin nila Madam kaya siguro pinapahirapan nila ako sa mga gawain para mapaalis ako dito.

"H-hayaan mo nalang Bell. Kaya ko naman ang mga pinapagawa nilang trabaho sakin at isa pa ay hindi nila ako mapapaalis dito sa mansyon." Ngumiti siya ng malapad bago hinawakan ang mga kamay ko.

"Basta tandaan mo Bestfriend, nandito lang ako sa tabi mo handang tumulong sayo." Ngiti at tango ang sinukli ko sa kanya. Maswerte talaga ako sa mga taong nakilala ko dito. Mula kay Bell at kay Ate Irish.

"Salamat Bell. Sige na sisimulan ko na ang mga itong labhan."

"Sige. Ako din ay tatapusin din ang ginagawa para matulungan ka." Tumango ako bago siya naglakad papasok sa loob ng bahay.

Sinimulan ko na ang aking paglalaba para maaga akong matapos. Ilang oras din ang tinagal ko sa pagkukuskos ng mga ito dahil maraming mantsa na kay hirap alisin. Nagtataka pa ako bakit may mga mantsa sa tela eh hindi naman iyon nagagalaw pwera lang siguro sa mga alikabok.

Baka naman sinadya?

Biglang pumasok sa isip ko. Siguro nga at isang tao lang ang may gawa nun.

Pinagpatuloy ko ang paglalaba hanggang sa matapos ako at maisampay lahat. Kahit nananakit ang balikat at likod ko ay ayos lang dahil natapos ko naman ang gawain ko.

Tanghalian na ako nakatapos kaya pumasok na ako ng kusina at nadatnan ko doon si Bell at ang iba na kumakain na. Nakita ko na may kakaibang pinapahiwatig si Bell na nagsasabing 'pasensya na Bestfriend.

Tinanguan ko lang siya at kukuha na sana ng aking makakain ng biglang pumasok si Mayordoma at tinawag ako.

"Lilian! Pakilinis ngayon ng kwarto ni Madam Elena dahil maraming alikabok doon."

"S-sige po. Ah—M-mayordoma.." Sasabihin ko pa sana sa kanya na kung pwede bang pagkatapos kung kumain pero agad na niya akong tinalikuran.

Tumingin ako kay Bell na may galit sa kanyang mukha pero sumenyas ako na ayos lang. Sina Lucy naman ay nakangisi sakin ng malapad. Tumalikod na ako at lumabas ng kusina. Kinuha kong muli ang mga panlinis na gagamitin ko bago ako pumasok sa guest room na tinutulugan ni Madam.

Sinimulan ko na ang paglinis at tinitiis ang gutom at pananakit ng aking katawan. Mamaya nalang ako kakain kapag tapos na ako dito. Umabot din ng ilang minuto ang paglinis ko dito bago natapos pero paglabas ko ay inutusan akong muli ni Mayordoma na linisin daw ang swimming pool at ang garahe. Hindi ako umangal at tango lang ang isinagot ko sa kanya.

Kung sa tingin nila na mapapaalis nila ako dito ay hindi ko hahayaan iyon. Gagawin ko ang makakaya ko para gawin ang mga inuutos nila. Kahit sobra na ay hindi ako kokontra. Dahil kapag sumuko ako ay hindi ko na makikita ang taong pinakamamahal ko. Ang pamilya ko at si Nicholas ang nagbibigay sakin ng lakas para lumaban ako at hindi susuko. Si Nicholas din ang aking inspirasyon para gawin ng maayos ang mga gawain ko.

Nilinis ko nga ang buong paligid ng swimming pool at ang buong lugar ng garahe. Gabi na nang matapos ako kaya sa sobrang pagod ng katawan ko ay dumiretso nalang agad ako sa aking silid at agad nakatulog. Hindi ko na rin alintana ang gutom dahil nanaig ang katawan kong pagod na pagod.

Pero isang tao lang ang nasa isip ko at napangiti ako nang makita ang mukha niyang nakangiti sakin ng malapad hanggang sa dumilim na ang paligid ko.

Nicholas..

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon