Chapter 9

23.7K 741 63
                                    


Trouble

Banayad na hampas ng mga alon sa naglalakihang mga bato, sariwa't malamig na ihip ng hanging dala ang amoy tubig alat na halimuyak na halos yumayakap sa buo kong katawan, ang mga naglalakihang kulay berdeng burol at mga bahay na gawa sa purong mga brickstone. Mga naunang halimbawa na nagpamangha sa akin nang makarating ako rito sa Batanes.

Nilingon ko ang agaw atensyong Tayid Lighthouse mula sa burol kung saan ako nakatayo. Purong puti ito na nadagdagan ng kulay pula sa bandang tuktok. Bumaling ako sa kulay asul na karagatan sa harapan ko. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa pagiging komportable ko sa lugar na ito.

I arrived here yesterday but I didn't have a chance to roam around because my heart was filled with sorrow. I cried endlessly in my hotel room as my issues in life finally made me breakdown.

No one knows that I escaped and traveled all the way from Manila to Batanes. I made sure that no one will be able to find me. Masyadong masakit para sa akin ang mga nagiging desisyon nila Mama't Papa na hindi ko na kayang magpatuloy sa pagsunod sa kanila.

Hindi ko gustong sumuway sa mga kagustuhan nila, kaya lang kung lahat na lang ng bagay at pangarap ko ay ipagkakait nila sa akin, paano pa ako mabubuo no'n? I wished that I was born different, that I am not a Monterde.

Sana ay normal na buhay na lang ang mayroon ako. Kahit hindi mayaman basta't alam kong hawak ko ang paggalaw ng mundo ko.

I breathed in and let out a heavy sigh after a few seconds. Desidido man ako sa plano kong 'to, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Perhaps by this time, binabaliktad na nila Mama at Papa ang buong Pilipinas mahanap lang ako. For sure they would ask Sydney. Good thing I didn't inform her what happened.

Sumama ako sa grupo ng mga turistang naglilibot sa magagandang tanawin ng Batanes. Suot ang mahabang kulay rosas na dress at malaking hat, ay masaya akong nakibagay sa kanila. Lima kami sa grupo — tatlong Filipina kabilang ako, isang Japanese na mukhang cosplayer ang pustura at ang isa naman ay Koreana.

"First timer ako dito sa Batanes. Dream vacation ko 'to, e! Maharlika ang plane ticket kaya nag-abang ako ng malalang seat sale," ani Klare, isa sa mga kasama ko sa grupo.

"Hirap kaya makatyempo ng seat sale! Laging loading 'yung server ng mga airlines kapag oras na ng seat sale nila!" sambit naman ni Cyrill.

Nagtawanan ang dalawa. Napangiti ako kahit hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam ng mag-abang ng murang flight tuwing seat sale. Hindi ko rin maiwasang mainggit sa normal nilang buhay.

Aanhin ko ang yaman kung wala naman akong kalayaan 'di ba?

"Ikaw, Aliyah? Pangarap mo rin bang makapagbakasyon dito sa Batanes?" tanong sa akin ni Klare.

Marahan akong tumango. "Yup! I just had a chance this week so I grabbed it while I still can. I wanna breathe and relax, e."

"Ang conyo naman nito!"

"Halatang rich kid, e!" natatawang sabi ni Klare.

Sumunod kami sa tour guide na naka-assign sa aming lima. Nag-eenjoy ang apat sa pagkuha ng mga pictures nang makarating kami sa Marlboro Hills na kadalasang makikita sa TV at magazines. Totoo nga na parang little New Zealand ang lugar na ito. Hindi ko maiwasang mamangha sa malawak na mga kulay berdeng burol. Hinila ako ni Klare at inayang sumama sa kanila sa pagpipicture.

Kung saan saan pa kami nagpunta. Bumisita kami sa mga lumang churches doon, mga villages kung saan nakita ko ang normal na pamumuhay ng mga Ivatan. May nadaanan pa kaming tyanggian kung saan naaliw ako sa pagbili ng mga accessories na mismong ang mga mamamayan rito ang gumawa. Hindi ko na namalayan na nahiwalay na ako sa mga kasama ko.

Chasing Reid AlvedoWhere stories live. Discover now