Chapter 5

28.3K 789 64
                                    


Chase

"This is such a disgrace to our family, Aliyah! How did you become so reckless? Mabuti na lang at nariyan si Reid para tulungan ka! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila? I can't believe you just caused an accident!" galit na galit na sabi ni Papa.

Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay kakainin ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa galit ng mga magulang ko. Nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali.

Reid is just simply an asshole. He can't shut his mouth at all! Talagang sinabi niya sa mga magulang ko ang nangyari. I understand that he wanted to be honest with my parents but at least he should've let me handled them instead.

"I'm really sorry, Papa..." tanging nasabi ko.

I don't have the right to defend myself because I admit that it was clearly my fault. I've never been into such a big mess like this. Ito ang una. Pinapangako ko sa sarili ko na ito na din ang huli.

Why did I end up having that car accident, anyway? It was all because I let Reid Alvedo consumed my thoughts. May dalang malas yata ang lalaking 'yon sa akin!

"Anong gagawin natin sa binayad ni Reid para ma-abswelto ang anak mo, Pascual?" nag-aalalang tanong ni Mama kay Papa.

Kunot ang noo nilang pareho at halatang pagod sa trabaho. I felt so guilty that they have to deal with my issues instead of having a good rest and just call this one a day.

"Ofcourse I will pay it back," ani Papa sa mariin na tono. "At ikaw Aliyah, I need you to apologize to him for all this mess. Nakakahiya sa pamilya ng mga Alvedo!"

"P-po?"

"Narinig mo ang Papa mo, Ali!" Mama hissed. "Bukas na bukas ay dadalaw ka sa mansyon ng mga Alvedo. Hihingi ka ng tawad sa fiancé mo! Maliwanag ba 'yon?"

I swallowed hard. I felt my heart trying to break my chest. I imagined Reid's cruel face and devilish smile once I apologize to him... Hindi ko yata kakayaning makita na nagdidiwang siya, samantalang hirap na hirap naman ako.

"Aliyah!" Papa called me in a mad tone.

Napapitlag ako. I nodded slowly. Ilang mga bilin pa ang sinabi ng mga galit kong magulang sa akin bago ako hayaang umalis ng opisina nila dito sa aming bahay.

Mabilis akong tumakbo paakyat sa aking kwarto. Sa sobrang galit at pagkairita sa araw na 'to ay binagsak ko ang katawan ko sa kama at tinakpan ng unan ang aking mukha. Nagpakawala ako ng impit na sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. I needed to let this anger out, kung hindi ay talagang lalamunin nito ang sistema ko.

Nang matapos sa paglalabas ng sama ng loob ay napatitig ako sa ceiling. Sariwa sa alaala ko ang mga nangyari kanina— kung paano ko nabangga ang kotseng 'yon, ang pagdating ni Reid at pagsaklolo sa akin, ang pagpunta namin sa estasyon ng pulis, at kung paano niya sinilaw sa pera ang biktima ko.

He's truly a powerful man. Sa isang kumpas ng kapangyarihan ay napapaluhod ang marami. Nga lang, magaspang ang ugali. My lips formed a thin line when I remember how he humiliated me earlier. Talagang iniisip niya na kung hindi dahil sa tulong niya, makukulong ako!

Sige nga, paano ako hihingi ng tawad sa ganoong klaseng lalaki?

Dumating ang araw ng bukas. Hindi maipinta ang mukha ko habang nagbibihis ng eleganteng polo dress. Kagaya nga ng gustong mangyari ng mga magulang ko ay kailangan kong bumisita sa teritoryo ng mga Alvedo para humingi ng tawad sa bwisit na Reid na 'yon.

I could just simply visit him at the office however today is his day off. Ang sabi ni Papa ay sasamahan daw ako ni Riley at magrereport ito sa kanya kung may gagawin akong kalokohan.

Chasing Reid AlvedoWhere stories live. Discover now