Season I: Prologue

70.9K 1.2K 152
                                    

SEASON 1
_____________________________

Simula

Minsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung kailangan ko pa bang gawin ang mga gusto ko gayong alam kong nakatali na ang buhay ko sa isang tao. I dreamt of  having a great life, with freedom and career I would be proud of. I dreamt of having a life without needing to obey anyone, without having the fear to fail. I dreamt of having a normal life wherein people don't talk to me because of my money and status.

I dreamt of being someone else and not Aliyah Venice Monterde. Sa murang isip ay binuksan na ng mga magulang ko ang mata ko. They taught me about my purpose to our business and that is, to be a wife of someone whom I barely know. I didn't mind it at first. My only goal is to please them that's why I want to do what I have been told.

"Nakausap ko ang mga Alvedo. They like our proposal. Kung maikakasal si Aliyah sa anak nilang lalaki, mas magiging matayog ang kumpanya," wika ni Papa nang kumakain kami ng hapunan sa hapag.

Tuwang tuwa ang mga mata ng aking ama habang kinukwento ang naging usapan nila ng malapit niyang investor. He likes the idea of merging businesses, which is why he wants me to be part of it. Malapad ang ngiting iginawad niya sa akin nang sulyapan niya ako.

"That's wonderful! Hayaan mo at kakausapin ko si Katerina para maipakilala itong si Aliyah sa panganay nilang anak," segunda ni Mama na halos magningning ang mga mata sa nabalitaan.

"I hope Aliyah can clear her schedules for the Alvedos." ani Papa sa nagsusumamong tono.

"Ofcourse, Papa." I tried to smile and nodded. He's my father. I don't see any reason to disobey  him. I want to please them and this is my purpose. I won't do anything against their plan. Naisip ko, hindi naman nila ako pababayaan.

I live in comfort and money. Kahit anong gusto ko, naibibigay nila. Sa murang edad ay mamahalin na ang mga bag, damit at sapatos ko. Ultimo mamahaling gadgets ay nabibili ko ng isang pitik lang. They gave me a life without any sufferings. Ni hindi ako namroblema sa pera hindi kagaya ng ibang pamilya. Naisip ko, kung may isang bagay man akong maisusukli sa kanila, iyon ay ang pagsunod ko sa kagustuhan nila.

I was trying to be fair at my young age. Walang problema sa akin ang pagsunod. I don't see anything wrong with it lalo na kung napapasaya ko naman ang mga magulang ko.

Nga lang, nang magkaisip ako at tumuntong sa tamang edad, doon ko na lang narandaman ang pagkasabik sa kalayaan. Gusto kong mabuhay ng walang nagdidikta, walang nagmamasid, at walang magsasabing hindi ko pwede gawin ang mga bagay dahil isa akong Monterde.

How I wish it is so easy to escape. I wanted to be someone else but I can't. Nakatatak sa pagkatao ko ang pagiging Monterde. The daughter of Pascual and Luz Monterde.

"No fucking way, Ali! Talagang pinagkasundo ka nila Tito? Kanino?" ani Sydney, nasapo niya ang noo dahil hindi makapaniwala sa balita ko.

"Yes, Syd. It's true. I don't know him yet but Papa wants to clear my sched so we can meet the Alvedos," sabi ko.

Nagbabike kami sa tahimik na parke noong araw na iyon. The sky is blue and the cold wind blew my curly hair. Kaunting oras na lang ay lulubog na ang araw. Hindi ako pwedeng gabihin dahil papagalitan ako ni Mama kung oo.

Laglag panga akong tinitigan ng matalik kong kaibigan. Ang singkit niyang mga mata ay naging mabilog. Natawa ako sa reaksyon niya pero hindi ko naman siya masisisi. Sa henerasyon namin ngayon, sino na lang ba ang sumusunod sa arranged marriage?

Chasing Reid AlvedoWhere stories live. Discover now