Chapter 7

26.3K 762 64
                                    


Escape

Hinatid ako ni Reid sa labas ng kanilang mansyon. Hapon na at nagpasya na akong umuwi dahil baka may gagawin pang ibang bagay ang lalaking ito.

Agad kong nakita si Riley na nakatayo sa gilid ng aming kotse. Nilingon ko si Reid at tipid itong nginitian.

"I gotta go," sabi ko.

Tumango ito at nagpamulsa. "Thanks for visiting."

"I needed to."

"Alam ko," he smiled playfully.

I rolled my eyes. Naglakad ako palapit sa aming kotse habang ramdam ko naman ang pagsunod niya. Binuksan ni Riley ang passenger's seat para sa akin.

I turned to face Reid once again. Hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Kunot noo ko itong pinagmasdan.

"I hope you enjoyed your visit." aniya.

Tumaas ang kilay ko. Enjoy? Tinulugan niya ako pagkatapos naming mag-lunch! Halos mamatay ako sa pagkabored sa kwarto niya. Nang magising siya, ito na ang sunod na nangyari. Hindi naman din ako nag-eexpect ng kung ano.

I had to come here, as per my parent's request and that's all what I needed to do. I didn't really expect to have a bonding with him when he's just a total untamed man who can't even open a single topic with me. I pouted my lips.

"You didn't enjoy it, hmm?" naningkit ang mga mata niya na para bang binabasa ang saloobin ko.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Slight."

Nagpamulsa ito at pagkatapos ay bahagyang niyuko ang mukha para maging ka-lebel ko. Ilang beses akong napakurap sa ginawa niyang 'yon. Nang balingan ko siya ay nakangiti na ito ng maayos.

"I'll see you again, Aliyah." sambit niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sa mga simpleng salita niya lang, parang natatakot na ako. His ruthless aura might be the reason as to why even if it's just a simple sentence, his tone makes my knees go weak.

I nodded slowly. Talaga namang magkikita pa kami dahil nakatali ako sa kanya, 'no! Mabilis akong pumasok ng kotse. Isang sulyap pa ang binigay niya sa akin bago isarado ang pinto sa gilid ko. I saw him saying something to Riley but I couldn't decipher what was it.

Nang pumasok si Riley at pinaandar ang kotse ay sinundan ko ng tingin si Reid. Tumalikod pa ako at tinignan ang kabuuan niya mula sa kinatatayuan, nakapamulsa habang nakatitig sa palayong kotse namin. Unti-unti siyang nawala sa paningin ko, umayos ako ng upo at tinignan ang seryosong si Riley na nagmamaneho.

"Anong sinabi niya sa'yo, Riley?" kuryoso kong tanong rito.

Pinagmasdan niya ako mula sa rearview mirror habang hinihintay ko ang sagot niya.

"Pinaalalahanan lang po ako ni Sir Reid na mag-ingat sa pagmamaneho at idiretso uwi daw po kita kahit na magpilit kang pumunta sa ibang lugar." pahayag ni Riley.

Nagulat ako doon. I bit my lower lip to hide my smile. He may be an uptight man but he still cares for me, huh? Bago iyon at nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

***

Mabilis lumipas ang mga araw. Naging busy ako sa pagbabalik sa iniwan kong trabaho sa Public Lawyers Legal Office— bilang isang legal stenographer. Sa unang araw palang nang pagbabalik ko ay ilang clients na ang nakaharap ko kasama si Atty. Jameson Alleje.

Chasing Reid AlvedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon