Chapter 3: Mysterious Box

1K 67 1
                                    

•Snow's POV•

Pagkalabas ko ng Principal's office dumeretso nako ng bahay ni tita. Pagkarating ko doon sumalubong sa Akin ang magagarang kotse ng kambal.

Pagpasok ko ng bahay, sumalubong sa Akin ang sampal ni tita. Putspa to the 2nd time! Lagi na Lang may sumasalubong sa Akin.

"Anong karapatan mo ipahiya ang anak ko! Sampid ka Lang dito tandaan mo yan. Hindi ko alam kay Louigie kung bakit naisipan ka pa nyang ampunin, samantalang kuntento na kami sa dalawa naming anak!" Mahabang litanya ni tita sa Akin. Masakit Para sa akin na sabihin nya iyon, dahil kahit papaano napamahal na sa Akin ang pamilyang Arcilla. Sila ang kumupkop sa Akin at nag-alaga sa Akin.

"Magluto ka ng pagkain namen! Linisin mo ang buong mansion, wag kang magpapatulong kay Manang Ising. 'Wag kang kakain!" Sabi sa Akin ni tita. Nalulungkot ako dahil wala naman katotohanan ang ibinibintang sa Akin ni tita.

Pumunta na ako ng taas at kinuha ang mga kakailanganin ko sa paglilinis. Nang sinimulan ko na ang paglilinis nagulat ako ng may bumato ng maduming basahan sa mukha ko. Tiningnan ko kung sino ang nagbato sa Akin ng basahan at nakita ko ang isa sa mga anak ni tita, si Kim.

"Tsk. Bagay Lang sayo yan." Sabi nya saka sya tumalikod at umalis sa harap ko. Kinuha ko naman ang maduming basahan atsaka itinapon sa basurahan na dala ko.

Natapos akong maglinis na pagod na pagod. Para akong sumali sa marathon sa sobrang hingal. Nakita Pa ako ni Manang Ising na naglilinis sinabi nya na sya na daw ang gagawa nyan, but i just gave her a assuring smile, means that I can do it alone.

Pumasok na ako sa bodega/kwarto ko. Inihiga ko agad ang sarili ko sa sobrang pagod. Iniisip ko ang mga nangyari kaganina, new classmates, Canteen, yung crystal na nasa bag ni Aireen, yung pag-aaway Nina Sandro at Ace, Ebales thingy na yun?, sa principal's office, at ang pinakahuli yung pagbibintang sa Akin ni tita. Sa sobrang pagod 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na Lang ako ng makaramdam ako ng parang may nakakatig sayo. Umupo ako sa kama, inilibot ko ang aking mata pero wala naman akong nakita.

Until i saw a figure of a man. Malapit Lang sya sa may pintuan ko. Jeez, it makes me feel goosebumps.

Sinubukan Kong kusutin ang Mata ko dahil medyo blurred ang paningin. Pagkatapos Kong kusutin ito, tiningnan ko ulit yung lalaki, but I was dissapointed that I didn't see him there. Guni-guni ko Lang at a yun.

Natulog ulit ako pero this time. May naramdam akong isang malambot na bagay ang dumampi sa noo ko. And I fell asleep.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito ako ngayon sa upuan ko sa Classroom, medyo maaga Lang ako kaya unti pa Lang kaming nandito.

Natandaan ko yung nangyari kagabi. Kinikilabutan talaga ako dun. Nagulat ako ng biglang may tumapik sa baliat ko. 'Di ko namalayan na nandito na pala ang walong transfere. Sa sobrang pagiisip 'di ko napansin ang pagdaan ng oras. Nagsisimula narin mag-ingay ang bawat estudyante.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong sa Akin ni Janus o Jasper.

"Ahh.. Eh. Wala" 'Wag nyo na Lang akong pansinin." Pero mukhang Hindi sila kumbinsido sa sinabi ko, kaya kinuwento ko na lang sa kanila yung nangyari kagabi pati yung pag-dampi ng malambot na bagay sa noo ko.

"Hmm... 'Di kaya guni-guni mo Lang yon?" Sabi ni Serafina. "'Yun nga din ang hula ko, wag na Lang natin pansinin yun." Ang sinabi ko na Lang para matapos na ang pag-uusap namin.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na ang guro namen. Katulad dati puro na lang discussion ang nagaganap.

Natapos na ang morning Classes namin. Katulad kahapon sumabay na lang ako sa bago Kong mga kaibigan, yes kaibigan ko na sila dahil sinabi ni Aireen na kaibigan na daw nila ako na sinang-ayunan naman nilang lahat pwera lang sa dalawang mokong na Hindi kumikibo simula Pa kanina.

Pinagtitinginan nanaman sila ng nga kapwa naming estudyante na manghang-mangha sa mga kasama ko. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila, atsaka nilabas ang lunchbox na pinabaon sa Akin manang Ising.

Nakakapanibago dahil wala akong nadatnan na Kim at Kent sa tabi tabi. Madalas kase nakikita ko silang dalawa na kasama ang kanya kanyang tropa nila. Pero nagkamali ako dahil may isang pares na pala ng mata ang nakitingin sa Akin, si Kim.

Tiningnan ko sya at nanlilisik nanaman ang mga Mata nya sa Akin, iniwas ko na lang Akin tingin sa kanya dahil baka sabihin Pa nya na nakikipag-away ako sa kanya gamit pagtitig ng matagal.

Natapos kaming kumain ng mapayapa pero madami parin nakatingin sa kanila-Hindi sa Akin. Bumalik na kami ng room para sa afternoon Classes namin, pero nagkasalubong kami at ang tropa ni Kent. Tinititigan nanaman ako ng mga kaibigan ni Kent kaya yumuko na lang ako, dahil sa hiya.

Nakapunta sila ng Classroom namin ng payapa pero Hindi ako dahil sa kinakabahan ako mamayang paguwi dahil sa mga titig na pinupukol sa Akin ni Kim kanina. Paniguradong mag iimbento nanaman sya ng kwento para pagalitan ako ni tita.

Kringgg!

Sa sobrang pagiisip 'di ko napansin ang pagdaan ng oras kung kaya't tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang saya dahil makakauwi na sila sa kanilang tahanan kasama ang mga pamilya nila na mag-aalag sa kanila. Samantalang ako wala ng pamilya, pero ni minsan Hindi sumagi sa isip ko ang sisihin ang totoo Kong mga magulang sa mga nangyayari sa Akin ngayon dahil alam Kong may dahilan sila kung bakit nila ako iniwan sa tapat ng Pinto ng mga Arcilla.

Pagkatapos Kong lumabas ng gate ng paaralang ito, dumertso na ako ng bahay ni tita. Lakad lang ako ng lakad hanggan sa makarating na ako sa tapat ng bahay ni tita. Pumasok na aki at nadatnan ko si Kim na nanonood ng T.V. napansin nya ang presensya ko kaya tinigil nya ang panonood.

"Ang kapal din ng mukha mo noh? Sasama ka sa grupo nina Sandro samantalang isa ka lang naman dukha, pero sila mayamam Hindi katulad mo." Sabi ni Kim. 'Di ko na lang sya pinansin dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. Pero nagulat ako ng biglang may humila ng buhok ko. "Pag kinaka-usap kita! 'Wag mo Kong tatalikuran! Bastos ka!" Sabi nya habang kinalad nya ako.

"Kim! Ahh... Please tigilan mo na toh, bitawan mo na Kim masakit na!" Sabi ko habang naluluha na sakit ng pagsabunot nya sa Akin. Hinila nya ang buhok pataas kaya napatayo ako. Sinampal nya ako ng isang beses kaya Hindi ko na napigilan ang maluha. Bintawan nya ang buhok kaya napa upo ako sa sahig

"Sa susunod na kakausapin kita! Gumalang ka!" Umalis na sya sa harapan ko at iniwan akong umiiyak. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

Iyak lang ako ng iyak para lumabas ang sama ng loob ko. Sa sobrang pagod sa kakaiyak nakatulog na ako.

Nagising na Lang ako ng makaramdan ako ng init, di ko pala nabuksan ang electric fan. Binuksan ko ang electric fan pero ngayon ko lang napansin ang kahon na nakalagay sa tabi ng study table ko. Kinuha ko ang kahon, may nakadikit na sticky note. May nakasulat sa sticky note.

For Snow Harley Arcilla

-Valorie Academy

Binuksan ko ang kahon at nakalagay dito ang tatlong pares ng uniform, at may nakalagay na kontrata, sa dulo nito kailangan mo lang pirmahan. Pinirmahan ko ang kontrata, wala naman mawawala kung pipirmahan ko eh.

Binalik ko na sa loob ng kahon ang mga uniporme at kontrata, at inilagay ito sa ibabaw ng study table ko . 'Di ko alam kung sino ang naglagay ng bagay na ito dito sa loob ng kwarto ko pero medyo inaantok Pa ako kaya bumalik na lang ako sa pagtulog.

Sana pagkagising ko, wala na akong problema.

Kasabay nito ang pagbagsak ng mga talukap ko.

-----------------------------------------------------------
A/N: Hi guys! Tinatamad akong magsulat. Anyways,

Just Read and Relax. Love lots 😘

Valorie Academy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon