Produksyon

364 1 0
                                    

Produksyon

Input- tumutukoy sa salik ng produksyon
A.) Fixed input- nakapirming input na tumutukoy sa mga salik ng produksyon na hindi nagbabago kaagad-agad tulad ng lupa, imprastrakturang pabrika
B.) Variable Input- nagbabagong input na tumutukoy sa mga salik ng produksyon na maaring magbago depende sa pangangailangan sa produksyon tulad ng kuryente, tubig

Tatlong pagpapasya na ginagawa ng mga enterprenyur
1.) short run- hindi nangangahulugang tiyak na buwan o taon.
2.) long run- tumutukoy sa panahon na ang lahat ng input ay mababago liban sa teknolohiya ng produksyon
3.) Very long run- panahong kailangan sa pagpapalit ng teknolohiya upang mapaunlad ang produkto.

Output- tumutukoy sa mga produkto at paglilingkod na nabuo mula sa pagproproseso ng lahat ng mga hilaw na materyal, paggawa, kapital at enterprenyur.

Mga Salik ng Produksyon
A. Lupa
-unang salik ng produksyon
-hindi mapapalitang yaman ng kalikasan na hindi maaring bawasan at dagdagan
-pinagmulan ng lahat ng mga hilaw na materyal na ginagamit sa produksyon
-tumutukoy sa lugar na pinagtatayuan ng mga pagawaan ng produksyon
-maaring patayuan ng imprastraktura; pagsasaka; minahan

B. Paggawa
-pinakamahalagang salik ng produksyon
-lakas ng tao ang ginagamiy sa paglikha
-Lakas ng Paggawa
(1)pisikal na lakas paggawa
* may kasanayan (skilled)
* may kaunting kasanayan (semi-skilled)
* walang kasanayan (unskilled)
(2)mental na lakas paggawa

Uri ng Sahod
1.) Komisyon- bayad na ibinibigay sa mga ahente
2.) Bonus- tagapamahala at kawani na tumutukong sa kompanya na kumita nang malaki
3.) Tip- ibinibigay sa manggagawang nagbibigay ng magandang paglilingkod sa kanilang mga kostumer o mamimili
4.) royalty- ibinabayad sa mga manunulat ng aklat, kompositor, imbentor
5.) Fee- bayad sa mga propesyonal (professional fee) sa mga artista (talent fee)

Kalagayan ng Paggawa
1. Pansamantala o Seasonal- hindi nagtatagal sa trabaho sapagkat sila ay tinatanggal lamang sa trabaho upang mapunan ang kakulangan sa paggawa

2. Kontraktwal- tiyak na panahon o kontrata ng kanyang paninilbihan sa kompanya.

3. Kaswal- matagal nang naninilbihan sa isang kompanya ngunit hindi pa rin permanente o palagian. Tuloy tuloy ang kontrata ngunit hindi pa rin natatanggap ang benepisyo na tinatanggap ng isang regular o permanente sa trabaho

4. Regular o Permanente- palagian na sa kanyang trabaho. Nakatatanggap na siya ng iba't ibang benepisyo mula sa kompanya.

C. Kapital
-ikatlon salik ng produksyon.
-Ang mga hilaw na materyal ay hindi maiproproseso kung hindi gagamitan ng mga kapital

* Puhunan o Investment- tumutukoy sa paggamit ng salapi para sa darating na panahon upang mas lumaki pa ang tubo.

* Depresasyon o Depreciation- tumutukoy sa katangian ng isang kapital na nasa yugto ng pagkaluma at pagkasira na nagiging sanhi ng pagbawas ng kapakinabangan nito.

* Interes- bayad sa kapital o puhunan
Dalawang uri
A) Implicit Interest o Nakatagong interes o di-direktang interes- ginagamit na puhunan o kapital ay nagmula sa kanilang sariling pera sa halip na mangutang sa bangko o ibang tao.
B) Explicit Interest o Hayag na interes o direktang interes- humihiram sa bangko o ibang tao.

Mauuri ang kita sa dalawa
A) Gross income- tumutukoy sa kabuuang kita matapos maibswas ang mga puhunang ginamit sa pagbuo o paggawa ng mga produkto at paglilingkod
B) Net income- tumutukoy sa kitang natira matapos maibawas ang iba pang gastusin sa paggawa at pagbebenta ng mga produkto tulad ng kuryente, ect,.

Enterprenyur- isa sa mahalagang salik ng produksyon sapagkat siya ang nagpapakilos ng iba pang salik. Tagapangasiwa, tagapamahala, utak ng negosyo, supervisor, innovator, risk bearer, decision maker at may ari ng kompanya.

Katangian ng Enterprenyur
Malikhain
Makatarungan
May malawak na pagiisip
Positibo ang pananaw sa buhay
Mahisay magdesisyon
Malakas ang loob
Handang makipagsapalaran
Matalino
Masipag
Matiyaga

Toasted FriesWhere stories live. Discover now