Organisasyon ng mga Negosyo

1.9K 4 1
                                    

Organisasyon sa Negosyo

A. Solong Propitaryo

-iisang tao lamang ang nagmamay-ari o isang pamilya

-pinakapayak at pangkaraniwang negosyo

Kabutihan:

Madaling Itatag / May kalayaang magdesisyon / Maliit ang puhunan / Simple / Walang kahati / Pagbibigay ng benepisyo sa buwis

Di- kabutihan

Limitado ang puhunan / Walang limitasyon ang pananagutan / Maiksi ang buhay ng negosyo / Kahirapang makakuha ng pondo

B. Sosyohan o Partnership

-maaring buuin ng dalawa o higit pang kasapi

-nasa kamay ng dalawang tao o higit pa ang negosyo

-may kasulatang ginagawa kapag itinatag ang negosyong ito

Kabutihan

Higit na malaki ang puhunang ginagamit sa pagsisimula ng negosyo / Higit na magiging maayos ang negosyo / Madaling itatag

Di-Kabutihan

Walang limitasyon ang pananagutan / May kahati sa tubo / Pagtutunggalian ng bawat kasapi

C. Korporasyon

- pinakamalaking organisasyon ng negosyo. Binubuo ng stockholders. (Nagmamay ari ng korporasyon)

-bawat kasapi ay nagbibigay ng kanilang sapi o istak ng puhunan na tinatawag na share of stocks

-Ang may pinakamalaking stocks ay ang CEO

Uri ng Korperasyon

Lokal- pagmamay-ari ng Pilipino

Dayuhang- kilala sa tawag na multinasyonal na korporasyon na umaabot sa iba't ibang bansa ang operasyon

-dapat nakarehistro sa SEC o securities and exchange commission

*Dibidendo-tinatanggap ng mga may ari ng korporasyon bilang tubo sa kanilang sapi o istak.

Kabutihan

Limitadong pananagutan / Matagal ang buhay / malaki ang kapital o puhunan /matatag

Di-kabutihan

Hindi madali ang paglipat ng pagmamay-ari / may layang ipagbili ang kanilang istak / malaking halaga ang kinakailangan / maraming regulasyon ng batas na dapat sundin / dalawang beses din pinapatawan ng buwis

D. Kooperatiba

-layunin magbigay ng paglilingkod sa mga kasapi sa halip na tumubo

-Cooperative Development Authority (ahensya ng pamahalaan na itinatag sa bisa ng republic act no. 6939 upang manghikayat at mamahala sa lahat ng mga itatayong kooperatiba sa bansa)

- kasapi hindi bababa sa 15 katao

-naglalayong matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng kabuhayan

Kabutihan

Maliit na puhunan / Layunin ang kagalingan ng mga kasapi / makatarungang pamamahagi ng yaman / nagpapalawak ng kasapian

Di- mabuti

Mahirap na pamamahala / kawalan ng propesyonal na namamahala / kakulangan ng puhunan / kawalan mg pakikiisa ng maraming kasapi / may mga umuutang na hindi nagbabayad sa samahan

Toasted FriesWhere stories live. Discover now