CHAPTER 4

6.8K 128 0
                                    

Gabriel's POV

Inihinto ko ang ducati ko sa harapan ng isang bar. Tinanggal ko ang suot kong helmet bago ako pumasok sa loob.

"One shot of Martini, please." Sabi ko sa bartender at umupo ako sa stool.

"Wait a minute, sir."

Ipinalibot ko ang tingin ko at napangisi.

"Here's your martini, sir."

"Thank you."

Napatingin ako sa relong pambisig ko ... 7:03 PM.

Tumalikod ako sa bartender at pinanood ang Congressman na pinamanman sa akin ng superior ko habang umiinom ng Martini.

Damn! My wife will kill me for this.

Tumingin ako sa mga kasamahan ng Congressman. Mga armado sila at nakapalibot sa amo nila. May nakakandong ditong babae at naghahalikan silang dalawa.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinunan sila ng larawan. I sent the photos to my superior. Siya ang bahala na magsabi sa asawa ni Congressman.

Naglapag ako ng isang libo sa counter at lumabas na ako ng bar.

Agad kong pinaharurot ang ducati ko at umuwi na dahil alam kong naghihintay sa akin ang asawa ko at sigurado akong nag-aalala na naman 'yon.

AND I WAS RIGHT. Dahil pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nanonood sa sala si Liz. Napalunok ako at iniwas ang tingin ko sa mga hita niya. She's wearing a nighties. Damn! 

"Hi, sweetheart." I gave her a peck.

"Nakainom ka." Puna niya.

Napangiwi ako. Wala ka talagang ligtas, Gabriel.

"Isang baso lang, sweetheart." Tinanggal ko ang suot kong jacket at humiga sa sofa. Umunan ako sa hita niya.

"Gab, huwag ka na ulit uminom. Mahina ang alcohol tolerance mo." Maalumanay na sabi ng asawa ko at sinuklay nito ang buhok ko.

Tumango ako at hinawakan ang isang kamay niya. Pinatakan ko ito ng halik.

"I won't do it again, sweetheart."

"Talagang hindi na ... kung gusto mong uminom dito ka na lang sa bahay."

Tumango ako.

"You look tired ... magpahinga na tayo."

Humarap ako at isinubsob ang mukha ko sa tiyan niya.

"Let's stay like this for a moment, please, sweetheart."

"Gab."

"Hmm?"

"I love you."

I smiled. "I love you too, sweetheart."

"Gab."

"Hmm?"

"Hindi mo talaga ako papayagang magtrabaho ulit?"

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa asawa ko.

"Sweetheart, ayaw ko ng mangyari ang nangyari sa 'yo noon."

She was kidnapped by a gang. Mabuti na lang at nahanapan agad namin siya bago pa man siya mapagsamantalahan ng mga gagong 'yon. And now, they are all in the prison. Thanks to Glenn.

"Pero gusto kong magtrabaho." Nakanguso nitong sabi.

Bumangon ako. "My answer is a big NO, sweetheart."

"Mag-iingat ako, please-" umiling ako.

Lumungkot ang mukha nito.

"Pinagkaisahan niyo ba ako ni kuya?"

THE MAFIA HEIR (Book II )  IncompleteWhere stories live. Discover now