"As if," natawa naman si Strar. "Anyway, I have to go. End, it was nice to meet you."

"Me too, take care."

"Thanks,"

Lumabas na siya ng café. Nayakap niya ang katawan. Kinalibutan siya doon sa huling sinabi ni End. I swear, he gives me a grim reaper feeling. Pumasok na siya sa kotse niya. Naingat niyang muli ang tingin sa café mula sa front window at saktong nakatingin din si End sa kanya mula sa glass wall. 

Bigla namang umihip ang malakas na hangin sa labas. 

Gosh, this is really weird.




HINDI alam ni Alyce kung ilang oras na siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa loob ng performing arts hall ng AAAM. Tapos nang mag-practice ang mga estudyante. Wala na ring nakaupo sa harap ng itim na grand piano. Nandoon lang siya, nakatingin sa stage na tila ba may nag-pi-perform doon.

She was trying to answer a question in her mind. Was there a moment in her life that she played with her heart and not by her great ambitious mind? Kailan ba siya ngumiti nang tunay pagkatapos niyang tumugtog? Well she be able to play again with her heart?

She can't help but sighed.

Tumayo siya at umakyat sa stage. Naupo siya sa harap ng piano. Humugot siya nang malalim na hininga bago iniangat ang mga kamay sa ere at lumapat ang mga daliri sa mga piano keys. Naipikit niya ang mga mata nang marinig ang musikang inilikha ng kanyang mga kamay. She let the beautiful music embraced her soul. Ibinuhos niya ang puso niya sa musika na 'yon. Her sadness and regrets in life.

She love how one of her students played the piano version of "Still", it makes her teary eyed. She hope that she could also make her listeners feel the emotions she have poured in her music. She wish she could play with her heart and find that genuine comfort in playing the piano again.

She's trying, pero tila kulang pa talaga.

She was in trance when she finished the music. Nabigla lamang siya nang may pumalakpak mula sa audience. Pagbaling niya ng tingin sa ibaba ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Darwin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Paanong?

"I always love that song ET."

"Anong ginagawa mo rito? How did you find me here?"

"Para ka namang just now," lumapad ang ngiti nito na umakyat ng stage. "I can always find you. Kahit saan ka magpunta at magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kita."

"Bakit gusto mo naman akong hanapin?"

"I don't know," he shrugged his shoulders, "baka lang, kailangan mo ako?" naupo ito sa tabi niya. "Turuan mo nga ako niyan. Paano ba 'to?" gamit ng isang daliri ay tumugtog ito ng twinkle, twinkle little star. Naaliw siya sa ngiti nito habang paulit-ulit na pinatugtog nito ang piyesa ng nursery rhyme na 'yon. "Ang galing ko, no?"

"'Yan lang yata alam mo e."

"Alam ko rin kaya 'yong Happy Birthday saka 'yong Do A Deer sa Sound of Music." Tumigil ito sa pagtugtog at tinignan na lamang siya. "Bakit 'di ka pa umuuwi? Ikaw ba nakatuka sa pagsara ng academy n'yo ngayon?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Paano kung oo?"

"Well, gusto mo nang kasama na magsasara? Malaki pa naman ang gate n'yo."

Natawa siya. "Wala ka talagang magawa sa buhay, no? Hindi ka ba busy ngayon para pagkaabalahan mo pa akong hanapin? Iniwan mo pa 'yong kapatid mo."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now