CHAPTER 3 ~ Fun ~

Start from the beginning
                                    

Ngumisi siya at itinukod ang siko niya sa lamesa at nangalumbaba. "You know about the old saying? Big feet...big penis-"

"Triton!" Tumayo ako at sinaklit ang kwelyo niya palapit sa akin. Magkatapat ang mga mukha namin na sininghalan ko siya. "Focus!"

"Woah. I'm so focusing."

Bumaba ang tingin ko sa tinitignan niya. Kasabay ng pag-iinit ng mukha ko ng mapag-alaman ko na halos iduldol ko na ang dibdib ko sa mukha niya ay ang pag-igkas ng kamay ko.

"Aray! May kamay na bakal ka talaga!" reklamo ni Triton habang hinihimas ang batok niya.

"Hindi lang kamay na bakal ang matitikman mo kapag hindi mo ako tinigilan. Pati kamay na kasing bigat ng mundo, ipangbabatok ko sa iyo."

"Grabe ka naman sa akin sweetheart. Hindi mo ba alam na kapag naalog ang ulo, mababawasan ako ng brain cells?"

"Meron ka ba non?" nangangalit ang ngipin na tanong ko.

"Alin? Nang ulo?" mapanuksong ngumiti siya. "Meron. Dalawa pa nga eh."

Mariing pumikit ako at pilit na kinalma ko ang sarili ko. Hindi worth it kapag nakulong ako dahil sa halimaw na ito. Kailangan kong kumalma.

Binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako na lumang clear book na kulay asul. Padabog na ibinaba ko iyon sa harapan ni Triton.

"What is this?" he asked.

"Nandiyan ang mga basic na kailangan mo na malaman."

Binuklat niya iyon at tinignan ang mga pahina. "Basic? Ito ba iyong pinag-aralan mo noong college tayo?"

"No. Iyan ang pinag-aaralan ko noong first year highschool pa lang ako."

Nagkandahaba ang nguso ni Triton sa sinabi ko. "Eh bakit ito ang pag-aaralan ko? Hindi na ako high school!"

"Suppose to be dapat kong pag-aralan iyan ng mag college ako. Sadiyang advance lang talaga ako."

"Matalino ako!"

"Hindi ko sinabing hindi ka matalino."

Ngumiti si Triton at nag peace sign. Pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat. "Buti naman alam mo na matalino ako."

"Alam ko na matalino ka. Pero mas lalo kong alam na mas matalino ako sa iyo."

Napanganga siya pero hindi ko na siya pinansin. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at direktang tinignan ko siya sa mga mata. "Now, tell me something that can help me."

Bumuntong-hininga siya bago ako pinasadahan ng tingin. Kahit nakaramdam ng pagkailang ay inisantabi ko muna iyon at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "First, when a man touch you, hindi mo siya dapat batukan."

"At anong gusto mo? Magpaparty ako na minamanyak na ako?"

Kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti niya. "Of course not. Are you stupid?"

"Ano?!"

Napakurap siya at pagkatapos ay pinilig niya ang ulo niya. "Ang sinasabi ko lang ay hindi mo naman kailangan maging bayolente. You can simply smile and take the man's hand away."

"Okay. What if he tries to kiss me?" Napaangat ang kilay ko nang bigla siyang matigilan. "What?"

"Well...then you should let him."

Humalukipkip ako. "Paano kung ayoko?"

"Then don't let him." Akmang magsasalita ako pero inunahan na niya ako. "Not all men are pigs, Dawn. Alam namin kung ano ang limitasyon namin. Marunong naman kaming umintindi kapag ayaw ng babae."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now