61

266 12 5
                                    


jungmo's narration.

"kumatok ka na hyung!!"

"eh kung ikaw kaya gamitin ko pang katok?!"

"eh kung ilaglag kaya kita dyan sa hagdan, hyung?"

"ah, laglagan na ba yan? sama ko."

"unahin ka na namin."

"shh!"

tangina. sa totoo lang napaka rami kong iniisip. kaya ko rin ginusto na magbakasyon na muna dito sa jeju ay para mapahinga ko yung utak ko sa lahat ng bagay, sa lahat ng tanong pero dumadagdag pa yung tanong na bakit kailangan mabuhay nung apat na bonak na yon? bakit kailangang sila pa kaibigan ko? bakit

"katok na ko?"

"pang sampung tanong mo na yan moon hyunbin"

"tangina gago ka ba? baka mamaya nainom pala yon tas bote ng alak sumalubong sa muka naten"

"oh inuna si wonjin hyung. para may panangga ganon"

"tangina mo kang minhee manahimik ka dyan kung ayaw mong pagkasyahin kita sa bote ng alak."

"gawa."

"pfft— hahahahahahahah"

kinuha ko yung shirt ko sa ibabaw ng kama tapos sinuot yon. alangan namang gamitin ko yon pang hampas sa mga kupal na nasa harapan ng kwarto ko? masyadong mahina kapag yun ginamit ko.

"ano may naririnig ka na ba hyung??"

"shh!!"

"oh shh daw wonjin hyung itago mo nguso mo ang ingay oh sumisigaw sa mata ko eh"

"hyeongjun kumuha ka nga ng stick dun sa baba tutuhugin ko lang mata netong si minhee."

"sama mo na itlog niya ng madala"

"hyung!!"

"HAHAHAHHAHAHA—"

biglaan kong binuksan yung pintuan ng kwarto kaya bumagsak silang apat sa sahig. mga nagulat kaya hindi nakatayo agad eh. nag tinginan pa sa isat isa. nag turuan pa yata kung sinong mag sasalita.

sumandal ako sa pader pagkatapos kong ilagay yung dalawang kamay ko sa bulsan ng shorts na suot ko at tumingin sa kanilang apat.

"ah eh hyung hehehehe hello?" tinitigan ko si wonjin. mukang nagsisisi na siyang siya ang naunang mag salita.

"chinecheck namin yung mga langgam may parada yata kanina dun sa harapan ng kwarto mo hyung," magugulat pa ba kayo kung sasabihin kong si minhee may sabi nyan? syempre hindi na. kasing walang kwenta naman niya yung palusot na ginawa niya. diba

"ah oo laki nga ng tambol nung isa eh kulay pink pa no?" kung may masarap patayin sa mga oras na to, si hyunbin yon at minhee.

"chinecheck namin kung nag bibigti ka na ba ganon. cheer ka sana namin hyung hehehehehe" idagdag niyo na si wonjin.

"go jungmo hyung? hehehehehe?" ngumiti ako pero agad din akong sumimangot dahil wala natutuwa sa sinasabi nila. meron ba,,?

lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan yon.

"labas." utos ko

tumahimik sila tas biglang nag tatalon si hyunbin.

"IHHH!!! ANO PANG SILBI NG PAG PUNTA NATIN DITO KUNG MAG KUKULONG KA DITOOO SA KWARTOOO???" naka pout na tili ni hyunbin. akala niya yata cute tignan? tangina. mukang bibeng pagod e.

"oo nga hyung!! saka diba sabi mo iinom tayo!? asan na yung iinomin naten!?" at si hyeongjun pa talaga ang nag aya ng inom ha?

"eh kung ipalagok ko kaya sayo buong tubig dagat? ha!?" piningot pingot na siya ng dakila niyang nanay kaya napapa tiptoe siya dahil masakit malamang.

"lika hyung mag lasing tayo—" di pa man nakakatapos mag salita si minhee ay hinila na siya sa tenga ni hyunbin.

"sige jungmo dyan ka na. kapag final na desisyon mong mag bibigti ka tawagin mo kami nasa baba lang naman kami eh ah. cheer ka namin with mega phone. di ka mahal non wag mo ng isipin bye."

hindi ako umimik hanggang sa pag labas nila ng kwarto. i sighed. fuck. i should forget everything about her and every single moment i've shared with her but i always ended up thinking about it over and over again. tangina.

nahiga ako sa kama. pumikit ako at kahit sa madilim kong mundo sa tuwing nakapikit ako ay nakikita ko siya.

ganon na ba kita kamahal?

ipinatong ko yung kanang kamay ko sa mga mata ko para mas dumilim, para mas makita ko siya pero ayun. it just made me cry. again.

"what should i do, now? i'm stuck. wala akong magawa."

biruin niyo? umiiyak ako. si koo jungmo. si jungmo na to umiiyak? shuta. may luha pala ko sa mata? kala ko wala sa tagal ko ng hindi umiiyak. so may talent na ba ko non? iniiyakan ko taong di naman sakin. practice.

"wala eh. mahal ko. mahal na mahal ko pero wala akong ibang pwedeng gawin kundi pakawalan siya. putangina."

instant boyfriend➹k.jmWhere stories live. Discover now