15

283 9 2
                                    

Koo Jungmo
• active now

Jungmo:
Nasaan ka?
Exieeen kooooo
;))

Exien:
Bakit ba
Anong kailangan mo
Saka ew di ako sayo pwede ba

Jungmo:
Tsk bas2s
Tara dito sa gym
Nandito si sihun hyung sama ng tingin sakin

Exien:
Oh anong gusto mong gawin ko?
Takot ka bang masapak ulit?

Jungmo:
Alam mo ang gulo mo
Bahala ka nga dyan
Tinutulungan ka na nga e

Exien:
Teka kase teka!!
Pwede ba?

Jungmo:
BILIS NA!
Mag start na training

Exien:
Sige punta nalang ako dyan

Jungmo:
Gusto mo ba sunduin pa kita?

Exien:
HINDI AYOKO

Jungmo:
De wag di kita pipilitin

Exien:
Qaqu ka

Jungmo:
Labyu too
seen

Jungmo:
BAE EXIEN NEVER AKONG SINEEN NG MGA BABAE Q HA
HOW DARE U!?!?!?!
sent

Pumunta na kaming lahat sa gitna para simulan yung warm up. Tumabi sakin si minkyu pati narin si yohan hyung habang nasa harapan ko naman si sihun hyung na hanggang ngayon masama tingin sakin. Pumilikit ka pa ba hyung? Baka mabulag ka ng kagwapuhan ko ah.

"Balita ko jowa mo na yung ex ni sihun?" chismoso mo hyung.

"Oh anong pake mo hyung?" pabiro kong tanong pero nakatanggap ako ng malakas na hampas sa ulo ko. Tangina pati yata kamay niya may abs e. Kala ko lalabas na utak ko.

"Wow ang ingay. Wala bang laman yang utak mo?" nakangising tanong niya.

"Meron. Si exien," nasamid sila parehas ni minkyu. Di ko nalang pinansin tutal wala naman kasi silang jowa kaya di nila ko maiintindihan.

Pagkatapos ng sandaling warm up, hinati na kami ni hangyul hyung para sa isang game.

"Yohan, minkyu, baekjin hyung, wooseok hyung saka jungmo kayo kayo magkakasama." panimula ni hangyul hyung. Hiniwalay niya ko kay sihun hyung.

"Ako, si sihun, si junho, yunseong saka si byungchan hyung naman mag kakasama. Game?" pumwesto na kami nila yohan hyung para masimulan yung game.

Pero bigla akong siniko ni minkyu saka may tinuro.

"Jowa mo oh," naexcite naman ako sa sinabi ni minkyu at lumingon sa direction kung nasaan daw si exien. Kasama niya yung kaibigan niya na nakausap ko kanina.

"Puntahan ko lang—"

"Mag start na tayo. Wag na kayong umalis sa mga pwesto niyo!" bigla biglang sumisigaw tong si sihun hyung pota nakakagulat. May kaaway ba siya?

Binaling ko ang tingin kay exien, sumenyas siya na uupo na sila at manunuod kaya tumango nalang ako.

Nag start na kami, si baekjin hyung yung nakakuha ng bola saka pinasa kay wooseok hyung. Nag try siyang mag shoot sa 3 pt line. Crush siguro ng bola si hyung kaya sumakto yung pagkahagis niya at nashoot.

Nag high five kami ni wooseok hyung bago niya ipasa sakin yung bola. Tumakbo ako. Napansin ko namang sakin nakatingin si sihun. Ako binabantayan niya imbis na si yohan hyung.

Napa smirk nalang ako. Nakipag titigan siya sakin habang dinidribble ko yung bola. Kinindatan ko siya saka ako nag crossover. Di naman ako sanay nun pero nagawa ko this time kaya napasigaw mga kateam namin. Ngumisi ako saka shinoot yung bola sa ring.

Di ko nalang tinignan si sihun hyung. Baka magkainitan na naman kami—

"Sihun-ah!" tangina kakagaling lang ng pasa ko sa mukha nilagyan mo na naman hyung!?

"Ano bang problema mo sihun!?" ayos din pala magkaron ng jowa eh. Tipong pag tatanggol ka sa ex niyang mahal niya pa.

Inalalayan akong tumayo ni exien habang yung mga kateam namin nakakapit na kay sihun hyung.

"Alam mo kung anong problema ko exien," sakit manapak ni hyung pota. Feeling ko pumaling yung panga ko eh.

"Hindi ko alam and I don't care. Can you just leave me and jungmo alone? Please." tumingin sakin si exien. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso. Maganda din pala tong jowa ko eh.

"Let's go." inalalayan nila ako ng kaibigan niya palabas.

Sakit talaga.

instant boyfriend➹k.jmWhere stories live. Discover now