24

250 6 0
                                    

jungmo's narration

"Hi, jungmo!"

"Jungmo, bakit ang gwapo mo?"

"Jungmo, ichat mo naman ako."

"Jungmo, replyan mo kaya yung chat ko?"

"Jungmo, pwedeng paaccept ng friend request ko?"

"Jungmo, ampanget ng jowa mo."

Tahimik lang naman akong naghihintay sa mga kabarko ko dito sa gym nung biglang madamay sa kalandian nila si exien.

Tinignan ko siya ng masama.

"Sayo pa talaga nanggaling yan?" di naman ako palapatol sa mga gantong klase ng tao pero try ko. Baka mamaya talent ko pala to di ko pa alam.

"Ikaw nga nilalandi mo parin ako kahit may jowa ka na. Mas mukha pang babae sayo jowa mo eh." di siya nakasagot. Mabuti naman. Baka pag sumagot na siya ihighkick ko na siya ng tuluyan. Binali bali pa naman ni yohan hyung legs ko nung nakaraan para lang sa lintek na taekwondo na yan di naman nakakabusog.

"May jowa si jungmo?" tumayo na ako. Bahala sila kung di na nila ako maabutan dito. Hahanapin ko pa si kuneho e. Pota block na naman.

"May girlfriend na ako kaya pwede lumayo na kayo sakin?" kala mo tunay.

Nag lakad na ako palabas pero nakita ko sila hyeongjun  kumakaripas ng takbo papunta saken.

Ano na naman bang ninenok ng mga to sa cafeteria?

"Ano ba? Pinatay niyo na naman ba yung manok para sa lunch?" nakakunot na tanong ko sa kanilang apat pero di sila makasagot. Hinihingal kase kakatakbo.

"Ano nga?" aish bagal.

"Sasagot ba kayo o—"

"Hyung!!" tinignan ko si wonjin. Tinuturo turo yung daan pabalik sa loob ng building namin.

"Oh ano?" mga hingal na hingal.

"Sige kausapin niyo nalang ako kapag binalikan na kayo ng mga hinihinga niyo." Nag lakad na ko pero hinila ako ni minhee

"Hyung!!" isa pang hyung neto makakarating tong jupiter.

"K-kasi hyung—" sinampal ko si hyeongjun. Cute siya pero kaurat na eh.

"ARAY AH! BAKET KA NANANAMPAL DYAN? INAANO KA BA" paiyak na tanong niya. Niyayakap yakap pa siya ni wonjin.

"Anong klase kang tatay sa anak—asdfghnkl! Yuck! Ambango ng kamay mo. Galing kang cr no!?" ngumisi lang ako.

"Tanga. Si jennie kasi." napalingon ako kay hyungbin.

"Sabi ng ayokong naririnig pangalan—"

"Hindi mo lang maririnig, koo jungmo. Makikita mo narin. Because she's back!" hindi pa sana ko maniniwala kaso biglang nag english si hyunbin kaya maniniwala na ko sige.

"Oh anong gusto niyong gagawin ko?" ano bang gusto nilang gawin ko.

"Gumapang ka sige. Gapang na!" pinagtutulak pa nila ko sa kalsada mga bayot talaga.

"Wala akong pake kung bumalik siya,"

"Then bumalik ka sakin. Simple as that, my koo koo." yung boses na yon. Di ko inakalang maiinis ako the moment na marinig ko ulit ang boses niya.

Ano bang ginagawa niya dito?

Tsk

instant boyfriend➹k.jmOn viuen les histories. Descobreix ara