26

269 9 0
                                    

Park Jion
• active now

Jion:
YA BAE EXIEN
SURE KA BA TALAGA?
MAKIKIPAG KITA KA KAY SIHUN??

Exien:
Mas sure pa sa feelings mo kay woojin
Tutal nakikipag ayos na si jungmo sa ex niya, edi ako din

Jion:
How sure are you na okay na si jungmo at jennie?
You don't know their past, sis
At kung gaano kagalit si jungmo sa kanya
SAKA ANONG CONNECT NI JUNGMO SA RELASYON NIYO NI SIHUN?
AT MAKIKIPAG AYOS KA TALAGA KAY SIHUN????

Exien:
Oh baket ka galet?
Parang dati lang ayaw mo kay jungmo ah?
And yea, la naman akong pake sa kanila

Jion:
Walang pake mo muka mo bae exien
Kung si sihun naloko mo, pwes ako hindi

Exien:
Di ko niloko si sihun
DYAN KA NA NGA AALIS NA KO BYE

Jion:
Gusto mo samahan kita?
HOYYY!!
sent

Hindi ko alam kung safe na ba kong makipag kita kay sihun na ngayong alam ng parents ko ay kami ni jungmo? Hindi ko alam. Ewan. Bahala na.

Saka mukhang kailangan ko naman ng itigil yung fake relationship namin ni jungmo, kase nandyan na yung ex niya. Alam niyo namang malandi pa kay aubrey si jungmo kaya malamang sa malamang ay makikipag balikan yun. Ayos lang sakin. Pag buhulin ko sila eh.

"Ms. Bae, ihahatid ko na po kayo—" hinarang ko yung right hand ko sa kanilang dalawa.

"Hindi na kailangan. Pag labas lang ng subdivision yun and besides, si JUNGMO ang kasama ko. Okay?" alam na nila yung kay jungmo, mom allowed them to allow me go outside by myself. Pero kinakabahan ako. Baka kasi sundan nila ako para lang masure na kay jungmo ako makikipag kita.

Biglang nag ring yung phone ko. Unknown number.

"Hello?" nakatingin sakin silang dalawa. Maingay sa kabilang line, sure akong si sihun to.

"Oh babe! Ah yea, malapit na ako. Tayong dalawa lang? Omg! Hmmm mukhang may gift na naman akong iuuwi later ah? Hehehehe okay i'll see you in a bit. I love you!" ah nevermind. Baka di rin naman niya narinig yun.

"You both heard me? Kaming dalawa lang kaya bye! Sleep kayo maaga okay?" nag tatakbo na ko palabas ng bahay namin. Alam ko naman yung location kaya I can go there by myself.

Pagkadating ko, pumasok ako agad. Maingay as usual, marami ding tao. Kaso hindi ko alam kung saan ko hahanapin si sihun dito kaya tumabi na muna ko saka kinuha yung phone ko. I tried calling him pero di na siya sumasagot.

"Ano ba sihun? Answer your freakin phone!!" nakakainis. Natatakot ako sa lugar na ganto lalo na ngayon mag isa ako tas ayaw niya pang sagutin yung call? Ah seriously.

"Hi, maam?" napatingin ako sa lalakeng lumapit sakin. Mukhang server siya.

"Nandun po sa dulong part sa may left yung pwesto ni kim sihun. Dun nalang po kayo mag punta," nginitian ko siya bago tumango.

Binilisan ko na yung lakad. Hindi dahil gustong gusto ko siyang makausap. Kundi dahil gusto ko ng umalis sa lugar na to. Natatakot ako.

Nahinto ako sa pag lalakad. Malayo palang kasi tanaw ko na siya but he's not alone. May kasama siya. Babae. Sobrang close siguro nila 'no? Ginagawa na kasi niyang upuan yung lap ni sihun eh. At hindi lang yun ha. Nag hahalikan pa. Ano yan? Friendly kiss?

"Sihun." I called him. He looked at me, ineexpect kong magugulat siya pero hindi siya nagulat. Hinalikan pa nga niya ulit yung babae bago tumingin sakin ulit eh.

Mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinapunta dito.

"Buti pumunta ka," he smiled. Pero sobrang malayo sa ngiti na palagi niyang pinapakita sakin noon. He changed. At kasalanan ko yun.

"Kaya mo ba ako pinapunta dito ay para.. dyan?" gusto kong umiyak but some parts of my body are telling me not to.

I have to hold them back.

"Magaling ka palang mang hula?" kahit maingay, rinig ko ang pag ngisi niya. Masaya siyang nakakasakit ng iba pero noon nung nasaktan ko siya mas nasaktan ako.

"Pero oo, exien. Kaya kita pinapunta dito, ay para makita mo 'to lahat." tinignan niya yung babaeng nakaupo sa lap niya. Nandidiri ako.

"Anong pakiramdam??" gusto kong magalit sa sarili ko because I turned sihun into something he is not supposed to be pero nagagalit ako sa kanya. He let himself be like this.

Ngumiti ako. A fake smile to be exact. I tried stopping myself but I can't hold it back. I slapped him. Di siya nagulat, pero yung babae nagulat.

Ang lakas ng tunog. And that speaks that it hurts.

"I had reasons why I did everything, sihun. Ginawa ko yun pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita mahal." I stopped. Natatakot ako na baka biglang bumuhos yung luha ko.

"I loved you. Alam yan ng lahat. Alam mo yan. At alam ni jungmo yan." napangisi ako.

"Iniwan kita pero hindi ko sinasadya yun." Tinignan ko siya.

"Pero eto? Sinasadya mo na 'to. Alam kong galit ka sakin. And yea, the feelings are mutual." Ngumiti ako saka tumalikod pero tinignan ko siya ulit.

"Since hindi naman na tayo magkakabalikan because of this shit, lemme tell you the truth." tinignan ko yung babae. Nakatingin siya sakin. Gusto ko siyang hugasan ng laway ko kaso ayoko.

Sayang laway ko sa kanya.

"Pinilit ako ng parents kong makipag hiwalay sayo dahil ikakasal ako. I refused it. Pero wala akong nagawa. And you know why?" nakatingin siya sakin, hinihintay sunod na sasabihin ko.

"Because they threatened me na sasaktan ka nila kapag di ako pumayag. And because I love you that much, pumayag ako. Inisip kong mas mabuti ng ako yung mag dusa, wag lang ikaw. Nag sakripisyon ako. Dahil mahal kita sihun. And thank you for showing me that you don't deserve that sacrifice that I made. Good bye," i smiled one last time bago tumakbo palabas.

Paglabas ko, umuulan pero wala na akong pake. Gusto ko ng iiyak yung galit at inis. Galit at inis. Galit at inis. Galit, inis at sakit..

Di pa ko masyadong nakakalayo, huminto ako. I cry. Napaupo ako sa sobrang iyak saka niyakap ang dalawang tuhod ko.

Umiyak lang ako ng umiyak. Di na ako makapag salita hanggang sa maramdaman ko ang pag tigil ng ulan. Pero no, sa part ko lang kaya tumingala ako.

"Pwede ka namang umiyak pero wag na sa ilalim ng ulan." kahit madilim, kita ko ang pag ngiti niya sakin.

instant boyfriend➹k.jmWhere stories live. Discover now