05

364 11 5
                                    

— jungmo's narration

"KOOO JUNGMOOO KOOOO!!" hirap talaga maging gwapo. Siguro kahit umutot ako sa harapan ng mga babaeng to, mag titilian parin sila. Tingin niyo?

Sorry mga babes. Gustuhin ko man kayong halikan isa isa kaso di ako pwede ngayon. May training kasi kami ng basketball. Baka ako gawing ring ni hangyul hyung kapag nalate na naman ako.

"Wow!"

"Koo jungmo!"

"Sup!!"

Hays. Kahit mga kateam ko kinikilig sa kagwapuhan ko. Pero sabagay. Makita ko nga lang sarili ko sa salamin napapasigaw ako. Tangina ganun pala ko kagwapo—okay sorry tangina di ko alam salitang humble. Sorry na SORRY NA HA.

"Hyung namiss kita—"

"Aish!" kadiri ka kim minkyu.

"Alam kong gwapo ako pero di mo ko need halikan hmp!" pero dahil cute naman siya sige na nga kurutin ko nalang sa pisngi.

"Huh ulol. Kaya pala may kumakalat na picture mo na nakikipag halikan sa sns." akala ko ibabalibag sakin ni baekjin hyung yung phone niya eh potaena wag naman hyung sayang kagwapuhan ko e. Baka wala na kong mauwi sa bahay— joke.

JOKE LANG.

Gago virgin pa ko.

"Di naman ako—aray! Aish ya!" hinagis ko kay junho yung bag ko. Tangina sapakin ba naman ako sa braso.

"Luh bading. Hina hina lang nun e," pangaasar niya kaya sumahod na yung iba. Isa pa tong si yohan hyung e. Kung di lang sanay mang high kick to baka nabelow the belt ko na to.

"Wag mo kong tignan ng ganyan koo jungmo alam ko ibig sabihin nyan," taekwondo boy ba talaga to o mind reader?

"Tagal naman mag start!" reklamo ng bakla na nakaupo sa tabi ng isang bakla sa tabi pa ng isang cute na bata tapos isang higanteng bata tapos—oh shoot si eunsang!

"Oh! Dongpyo-ya, hyeongjun-ah, jinwoo-ya, dohyun-ah, eunsang-ah. Annyeong?" aigo. Ang bait talaga netong si wooseok hyung. Crush ko siya. Ehe.

JOKE.

Kumaway naman yung mga bata kay hyung.

Nakatingin sakin si eunsang.

"Hyung—"

"YA SIHUN-AH!" tangina di naman ako magugulatin pota eh si hangyul hyung yung sumigaw gago lalim ng boses ng tukmol na to kaya nagulat ako pero sheet? Si sihun hyung nga!

Teka, bakit sila nagulat? Nakaupo lang naman sa sahig si sihun hyung.

"Ya, okay ka lang?" alalang alala naman hangyul hyung. Kayo na ba?

Pero teka, alam ko may jowa tong si hyung eh.

"Hyung, ayos ka lang?" bulag lang eunsang. Ay joke. May utang ako dito.

Kahit di talaga utang malay. Obob kasi.

Lahat kami napatingin kay sihun hyung. Bigla kasi siyang ngumisi.

"Tangina." bulong niya pero sapat na sapat na para marinig naming lahat.

Cool pakinggan ni hyung pag nag mumura sheeeet. Kinilig aq bhe.

"Nakipag break siya sakin."

Kaya hindi dapat sineseryoso mga babae. Kase kapag sineryoso mo sila, dun ka nila gagaguhin. Dun ka nila iiwanan. Damn.

instant boyfriend➹k.jmWhere stories live. Discover now