"I don't wanna talk about, that, Sab. Not now." Nakagat ko na lang ang labi ko. Ikaw pa talaga ang may ayaw pag-usapan yun ah? Tss.

Pipilit-pilitin mo akong sabihin sayo pero di mo naman sasagutin ng matino.

"Okay." Kibit-balikat kong sabi.

Nakakainis ah. Paano ko malalaman kung alin sa mga tanong ko ang willing niyang sagutin?

 "So.. Lover's quarrel, huh?" Huh?

Lumaki naman agad yung mga mata ko ng marealize ko yung pinupunto niya.

"He's not my boyfriend."

"Well, he acts like one. You should've seen how jealous he was." Vince? Jealous? Psh. As if.

"What are you? A mind reader?" Nag-kibit balikat lang siya bilang sagot sa sinabi ko. "Saan ba tayo pupunta?" Bigla-bigla ba naman akong hatakin at isama kung saan. Eh ang balak ko lang naman ay pumunta ng bookstore, coffee shop at pagkatapos ay magpalipas ng oras sa apartment namin ni Kate.

"I just need to take care of some important business. Then.. after that, a dinner, maybe?" Sinama pa ako pati sa business meeting or whatsoever nitong lalaking to. Pero, dinner? Date na naman? Tss.

"Sure." Tipid kong sagot.

"Great. Thanks." Sabi niya ng nakangiti. Nag fake-smile lang ako sa kanya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko at saka ito pinisil.

Mas lalo naman akong naguluhan ng tingnan niya ako ng seryoso. Mata sa mata.

Ang lakas ng loob niyang gawin to dahil naka-red yung traffic lights. Tsk, ano bang ginagawa niya?

Laking pasalamat ko na lang ng bumusina yung nasa likuran namin. Agad ko namang hinatak ang kamay ko at saka umiwas ng tingin.

"Green na." Pinikit niya ang mata niya at yumuko ng sandali, pagkatapos ay umayos na siya ng upo at nag-maneho na. 

Habang tumatagal, lalong gumugulo ang sitwasyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vince

"Vince, ano ba? Are you okay? Bakit ang bilis mo magpatakbo? Baka mabangga tayo nito and knowing you, maingat ka sa pagda-drive. Will you please, slow down?!" Napabuntong-hininga na lang ako at saka binagalan na ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"What's wrong with you? Okay ka naman kanina ah. Is something bothering you?" Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. She's getting clingy, again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now