Bound Seventeen

221 8 2
                                    

Agad na akong naligo at nagbihis upang makaalis na. Nag suot lang ako ng simpleng jeans at white shirt na tinernohan ng black converse shoes ko.

Sa mall lang naman ang punta ko so hindi na kailangan ng maraming arte sa pananamit.

Naglagay lang ako ng pulbo at ng konting lipstick para naman hindi dull yung mukha ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay umalis na ako. Sanay naman ako mag commute kaya kahit nag pupumilit itong si Vince na mag pahatid-sundo kay Jack ay ayaw ko. Nakakahiya naman.

Dumiretso ako ng BGC at doon nagsimulang mag hanap hanap para sa mga libro na gusto  kong bilihin.

Talaga nga namang maganda ang BGC. Sa sobrang ganda dito ay nadistract ako sa mga boutiques nila. Ang gaganda ng mga damit. Pero ang ganda din ng price kaya hanggang window shopping lang ako.

Habang tumitingin-tingin ako ng damit ay bigla kong nakita si Ysabel sa isa sa mga boutiques. Agad ko naman siyang nilapitan at binati.

"Ysabel." Napakabait naman kasi nitong kapatid ni Vince. Yung sa nangyari between sa amin nung babaeng accidentally kong natapunan ng wine, siya agad lumapit sa akin. Pati yung pagiging approachable niya.

"Ate Sab! Hi!" She said then gave me a warm hug. She's so sweet.

"How are you, Ysa?" She smiled sincerely.

"Okay naman ako. Ikaw ate, kumusta kayo ni kuya?" I flustered as I remembered what happened yesterday.

"Ano ka ba, magkaibigan lang kami haha. Anyway, wala ka bang kasama?" I asked. Trying to change the topic.

"Wala eh. Yung dapat na kasama ko, talk shit naman so ito, nagpapakabusy na lang ako sa boutique ko." Huh? Sa kanya to?

"Boutique mo to? Wow hindi ko alam na meron ka pala dito." Kilala nga din pala sa fashion industry itong si Ysabel, katulad ni Kate. Magpinsan talaga.

"Sa totoo lang maraming branch to. At since nandito kana rin, bibigyan kita ng mga new arrivals namin. Galing London and Paris to, I'm sure magugustuhan mo. Bawal tumanggi ate." Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Nako wag na Ysabel. Nakakahiya sayo." Tinaasan niya lang ako ng kilay saba halukipkip ng mga braso.

"Nonsense ate! It's on the house. Tara na! Tapos after nito, dinner tayo. Ikaw ang shopping buddy ko today."

Hinila naman agad ako ni Ysabel papasok ng fitting room at sunod-sunod na binigyan ng mga damit.

Talaga namang napaka ganda ng mga damit nila. Pero tulad nga ng sabi ko, ang mahal.

Mula sa tank tops, tees, jeans, skirts, shorts and dresses ay kumpleto. Lahat ng category ng damit, meron. Pati rin sa shoe collection niya, pinapili niya rin ako ng 5 sets of high heels.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now