Bound Nineteen

218 5 1
                                    

Sabrina

Dalawang araw na ang nakalipas at heto kami ngayon sa private jet na pagmamay-ari ng De Silva Corporation.

Ang boring kasi kaming dalawa lang ang nandito. I mean, siyempre may pilot at co-pilot pero walang ibang passengers.

Akala ko ba naman magpapa-book na lang ng flight. Marami namang magandang airlines pero ang sabi niya lang ay mas madali daw pag ito ang ginamit at hindi hassle.

Pero kahit ganon, masaya ako kasi makakapag-bakasyon ako sa ibang lugar. Yung hindi puro na lang sa manila. Puro buildings, cities at iba't ibang lugar na napaka common na at nakakasawa sa paningin.

Gusto ko muna magrelax.. Mag pahinga.. Kahit sandali lang.

Sa Ilocos daw kami pupunta. Sa wakas, makakarating na rin ako doon. Hmm san kaya doon ang pupuntahan namin? Nacu-curious ako lalo.

Agad ko siyang nilapitan. Hindi kasi kami magkatabi. Tatanungin ko nalang kung saang part kami ng Ilocos. Hindi naman niya kasi nabanggit.

Busy ata ang isang to. Kanina pa siya nagbabasa ah. Tapos may kausap pa sa phone. Multitasking level 50?

"Yes. We'll be there around 19:00....... Ako na mismo ang pupunta jan...... Okay, no problem....... Okay, I'll see you soon." Pagkatapos non ay binaba na niya ang phone call at muli na namang  nagbasa.

Aba at hindi na ako napansin! Akala ko ba vacation? Bakit parang pati trabaho niya sa manila, dala niya rito?

"Vince" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Ni hindi man lang gumalaw?

"Dami mong ginagawa noh?" Sabi ko ng medyo may pagka-sarcastic. Tumango lang siya. Aba binibwiset ba ako nito?

"Kung umuwi na lang kaya tayo." Sa wakas. Binitawan niya ang mga papeles na binabasa niya at saka lumingon sa akin ng nakakunot ang noo.

"What?" Nag-poker face lang ako at saka tumayo na. Bahala ka jan. Tss.

Lumipat ako sa upuan na malayo sa kanya at saka nagsalpak ng earphones para di ko siya marinig.

Napapikit ako habang pinapakinggan ang kanta.

"Hey." Naramdaman kong may tumabi sa akin pero di ko pinansin. Ni wala nga akong marinig eh.

"Sab."

"Sabrina!"

Naramdaman kong may biglang humatak sa earphones ko.

"Ano ba?!" Nakakainis na ah!

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka sumasagot." Nag-kibit balikat lang ako.

Bound and BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon