CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~

Start from the beginning
                                    

"Good. Looks like we're having a lights out party later."

Tumingin ako sa suot ko na relo. Ilang minuto na lang at magaganap ang speech ni Vice President Marjo Falcon. Base sa anonymous source na nakuha namin ay sa oras na ito magaganap ang pagpatay sa lahat ng tao na dumalo sa pagtitipon.

The cue will be the Vice President since he's the culprit. Iisa lang naman ang ibig sabihin nito. Siya ang kumuha ng serbisyo ng Claw. Marahil ang mga imbitado ay ang mga kalaban niya. Including the president.

"Twenty seconds Dawn."

Hindi ako sumagot sa paalala ni Triton. Nakapokus na ang buong atensyon ko sa mission. This is not just a counter-attack ambush. This is a wipe-out. No one should escape alive. Or maybe just one. Enough to send a message to Claw.

Lumikha ng mahinang tunog ang alarm ng relos ko. Pinindot ko iyon at iniikot ko ang katawan ko hanggang sa nakatutok na ang ulo ko sa ibaba. I braced myself on the glass wall. Kinuha ko ang 'pierce' sa bulsa ko at ginamit iyon. Pierce is a device made by the experiment department agents. It's a small laser that can cut through anything.

Dahan-dahan na inalis ko ang piraso ng salamin. Inilusot ko ang kamay ko at binuksan ko ang glass window. I open it enough for me to get in.

"In position." I murmured.

"In position." Triton echoed.

Sa 18th floor magaganap ang speech ng Vice President, habang dito naman sa 17th floor naroroon ang ilan sa mga senator at gobernador na tinipon ng asawa ng bise presidente para di-umano sa isang sorpresa para sa presidente.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Nais ko na magpasalamat sa inyong pagdalo sa pagtitipon na ito. Alam naman nating lahat na nalalapit na ang kaarawan ng ating mahal na presidente. At dahil dito ay naghanda ako ng isang napakalaking sorpresa."

"Did you heard that Dawn?" Triton asked.

"Yes."

Umuklo ako sa isang gilid at nagkubli. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halata sa kilos ngmga gwardiya na may binabalak sila. Marahil siyang dahilan kung bakit hindi na mapakali ang ilang mga bisita. They can feel the tension. Or maybe they can smell it. Scent of death. "Three..."

"Two..." aniya ni Triton.

"One." hudyat ni Freezale.

Umalpas ang mga sigawan mula sa mga bisita nang bigla na lamang mamatay ang ilaw. Lumabas ako sa kinakukublian ko at umakyat ako sa pader sa pamamagitan ng 'sticky'. A device used for situation like this.

"Freezale."

"I got it."

Umangat ang gilid ang labi ko ng pinagana ni Freezale ang sprinkler. I smiled triumphantly when the targets showed themselves. Halata ang gulat sa kanila ng bigla na lamang umilaw ang mga suot nilang damit. Neon.

This was the thing that I asked Freezale awhile ago. Pinalitan namin ang mga uniform nila na mismong dito sa lugar na ito ipinamahagi. It was suppose to be a formal security suit. But we painted it with special neon paint that will only get activated once it gets wet. Making it so much easier for us.

"Dapa!" pag-aalarma ko sa lahat ng mga nasa palapag.

Bumitaw ako mula sa ceiling at naglanding ako sa tao sa ibaba ko na kitang-kita ko dahil sa neon paint sa damit niya. I quickly strangled him using my arm, I counted in my head as I lock my arms in place as he buckled underneath me, trying to dislodge me. Hindi ko siya binitawan hanggang hindi ko na sisiguradong hindi na siya muling magmumulat ng mga mata. When he went limp on my arms, I quietly put him down.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now