Prologue

10 2 0
                                    

"Kuya wag!" ginamit ko ang buong lakas ko, mahila lang si kuya paalis ngunit parang naka dikit ang kanyang mga paa sa lupa.

"Kuya umalis na tayo. Tumakas na tayo. Kuya!" hinawakan ko ang siko niya ngunit tinulak lang niya ako.

"Tumakbo kana, ako na ang bahala sakanila" nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya "Hindi! Hindi ako aalis na di ka kasama. Mas pipiliin ko nalang mamatay kasama ka kaysa iwan kita rito" tumayo ako sa tabi niya ngunit isang di inaasahang sampal ang napala ko.

Napahawak ako sa pisngi ko at biglang napaiyak hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sitwasiyong dinadanas namin ngayon.

Napatingin ako kay kuya na nakaluhod at nakatitig sa kamay niya. Tumingin siya sakin at bigla akong niyakap ng mahigpit "I'm s-sorry, di ko yun sinasadya. I'm sorry sweetheart" hinawakan niya ang pingi ko at inispeksiyon ito.

Napatigil si kuya nung biglang yumanig ang lupa. "Kuya" I said in a very low tone "Don't worry di kita iiwan" hinawakan niya ang kamay ko at bigla kaming tumakbo palayo sa kung ano mang humahabol samin.

Di ko mapigilan kundi himikbi. Ito naba, mamamatay na ba ako. Tinignan ko si kuya nung bigla siyang huminto at niyakap ako, binigay niya sakin ang isang maliit na kahon at sinuot ang sumbrero niya sakin. "Kuya no... kung ano man ang gagawin mo. Wag parang awa mo na. Wala na sina Ina at Itay pati ba naman ikaw iiwan ako. Kuya parang awa mo na wag!" isang halik lamang sa noo ang natangap ko mula sa kanya

"Wag kang mag alala di kita iiwan" tanging sabi nito at pinosisyon ako sa likod niya. Bawat pintig ng puso ko ay ganon din kalakas ang mg yapak na naririnig ko

Pumikit ako nung naramdaman kong malapit na sila nung biglang may malakas na pagsabog akong narinig. Binuksan ko ang mga mata at nakita kong wala na ang mga goblet at tangin kaming dalawa nalang ni kuya. Tumalikod siya at humarap sakin "Kuya... Anong ginawa mo?" saad ko

" I'll protected you" munting sagot niya at bigla akong kinarga "Matulog kana at bukas ipapakita ko sayo ang ginawa ko" sabi nito.

"I love you kuya, promise me na di mo ako iiwan" hinaplos niya ang likod ko, indikasyon na oras nang matulog.

"I love you too Blythe pero di ako mangangako sayo. I don't wanna break a promise, pero gagawin ko ang lahat na makakaya ko maproktektahan kalang kahit ikamatay ko pa yon"

Yinakap ko ang leeg niya at di nagtagal ay nakatulog na rin ako.

Disclaimer:

Lahat ng mga nakasulat dito ay kathang isip lamang.

Prepare for a series of emotional and mind looping twists.

Joke! I'm not that good in writing.

Clash Of Warlocks (A Battle Within A Battle) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin