17~ Wait, what?!

957 72 12
                                    

Medyo nabingi naman ako sa sinabi niya, patayin? Imagine, patayin niya daw ang crush niya. Eehh—'wag naman sana. Nagulantan naman ako do’n sa sinabi niya. May gusto siya kay Jeff, bakit niya naman papatayin, ‘di ba? Tanga ka talaga, Leila. Nilaro-laro niya naman ang kanyang curly wig. Tiningnan ko lang siya na parang ‘di lang siya killer. Pero ang sexy niya ha, compare sa ‘kin na average lang. Kaya siguro walang may nagkakagusto sa ‘kin, ano? Kahit si Jeff nga, ‘di ako magugustuhan eh.

“So, I guess I can help you,” she smirks. Nasa couch pa rin siya nakaupo. Wait, what? Ayoko, I hate him pero kung papatayin siya? NO! Pabalik-balik naman ako ng lakad at nag-iisip ng gagawin. Pero ayoko talagang pumatay ng tao, ayokong magaya sa kanila, si Jeff, Nina, Jane at Liu. Ayokong maging isang killer din, no! Konsensya na lang ang makakatalo sa kanila niyan. Lumapit ako sa kanya.

“Ayoko, Jane.” Tumayo naman siya at hinablot ‘yong shirt ko. As what I’ve said, ayoko nga, ‘di ba? Can’t she understand? Ayokong pumatay ng tao, kahit na killer si Jeff, tao pa rin siya. Saka—I like him. 'Di ba kakasabi kong I hate him kani-kanina? Ehh!! Ang gulo na ng mundo ko, si Jeff kasi eh.

“I thought you hate him. Why don’t you kill him?” Tiningnan ko lang siya at inirapan. Lumayo siya sa akin at naglakad  ng pabalik-balik sa kwarto ko. Isa rin ‘to eh, feeling ng mga killers dito, hide out ‘yong kwarto ko. Kainis lang! Teka, bakit nga ba ayaw kong patayin si Jeff? Kasi naman eh—hindi ko gawain ang pumatay ng tao ‘no! Pumatay ng lamok at ipis gawain ko pa ‘yon. Huminga ako ng malalim.

“It’s because—I’m falling in love with him,” Napalunok ako sa sinabi ko. Oo, tanga na nga talaga ako kung ano’ng pinagsasabi ko dito sa killer na babaeng ‘to. Tanga na nga talaga ako. Nakita ko na—ugh…shit!

Bigla siyang humarap sa ‘kin. ‘Di ko rin matantiya ang ekspresyon ng mukha niya kasi nga, naka maskara siya. Hindi ko alam kung naasar, nagalit o nainis siya. Humugot na lang ako ng malalim na hininga. Bigla siyang tumawa.

“Love? Ha! And you think he loves you?” Pang-asar pa niya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim. Hindi na lang ako nagsalita, ‘di ko na alam ang gagawin eh. Haayyy, buhay nga naman, oo. Kainis, bakit ko pa kasi siya minahal?!

“He doesn’t know how to love. Love for him is—to kill innocent people!” She stared at me. Tumawa na naman siya ng nakakatakot. Ano ba’ng desisyon ko dito? Parang mababaliw na ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Marami ng killers ang mga nakausap ko. Peste—mukha talaga siguro akong target.

“Kaya kung ako sa ‘yo, tigil-tigilan mo na ang umasa sa kanya!” Dagdag niya, tumahimik na lang ako. Ano’ng pa ba ang gagawin ko? May point naman siya eh, kailangan ko na ngang tigilan ‘tong nararamdaman ko sa kanya. Pero lumalamang pa rin eh, paano ‘to?

Tumingin na lang ako sa kawalan, peste naman ‘to oh. Tigilan siya—medyo masakit naman ‘yon, pero teka, ‘di ba sabi ko titigilan ko na siya? Ano ‘to, talkshit na lang?! Hay! Ewan. Nag-iisip din ako eh, kung titigilan ko kaya siya, makakaya ko? Biglang may narinig akong bumukas ang pinto,

“Leila? Sino kausap mo?” Napalingon ako dahil bumungad si Ate Annie. Bigla nanlaki mata ko, oh my! Pa’no ‘pag nakita niya si J—teka? Saan na si Jane? Wait, whaat??! Nasa’n si Jane? Ba’t biglang nawala siya? Multo ba siya? Immortal?

“Ah—eh, Ate wala kang—may nakitang, babaeng nakaitim?” Biglang kumunot ang noo ni Ate Annie, at namutla. Teka, may mali ba sa sinabi ko? Si Jane lang ‘yong tinutukoy ko eh. Bigla siyang umiling.

“W-Wala naman, p-pero matanong ko lang, Leila. Meron ka bang third eye? B-Baka nakakita ka ng black lady dito?” Bigla naman akong kinilabutan, malay ko nga ‘no? Malay mo nagsisinungaling lang ang Jane na ‘yon, kasi minsan mga multo nagpapakita lang naman dahil ‘di pa sila nabibigyan ng hustisya eh. Tapos, sabi pa niya tutulungan niya ako. What does that mean? ‘Di ba? Haaay! Parang umakyat ang takot ko ah, parang—biglang nagsitaasan ang balahibo ko!

A life with Jeff (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt