"I never started from ideas but always from characters." - Ivan Turgenev.
Ang pagbuo ng mga characters ay isa sa mga pinakaimportanteng bagay sa paggawa ng isang istorya, since it can be the driving force of plot, theme, mood, setting and story. Once na kilala mo na ang buong pagkatao nila ay mas magiging natural ang takbo ng istorya mo.
1. I'M NOT A ROBOT
Dear writers, please, do not act like a master to your characters. Huwag mo silang gawin sunud-sunuran sa'yo. Instead, give your character agency - it's the ability of a character to make decisions and actions that affect the plot. Mayroong dalawang klase ng character agency: Active Character (with agency) at Passive Character (without agency).
Ang active character ay may kakayahang gumawa ng sariling desisyon at ma-move ang plot. Samantala, ang passive character naman ay walang kakayahan na gumawa ng sariling desisyon na maaaring makakaapekto sa istorya. Kumikilos lang siya sa pamamagitan ng ibang characters o ng plot.
Your character must be pro-active, they must make their own decision or minsan kapag nasa difficult times na sila at hindi malaman ang gagawin sa buhay they just go in the flow. Tamang pagbalanse lang sa dalawa ang kinakailangan. Because not all the time ay nasusunod ang plano ng hero, maaring magkaroon ng aberya at makaranas sila ng pagkatalo at humingi ng tulong mula sa ibang tao.
2. STRESS AND CONFLICT
Hindi natin maiiwasan na ma-stress at magkaroon ng problema sa buhay. Ganyan din sa mga characters natin. Huwag mong hahayaan na basta-basta na lang nila makuha ang bagay na gusto nila. Dapat ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan nilang makuha. Parang taong mahal mo lang iyan - dapat nililigawan. Sa istorya, bago ka magbigay ng impormasyon, make sure na gumawa ng decision at action ang character. Maaring nan-torture muna siya, nakipagpustuhan, anything! Just be creative. Basta walang libre sa mundong ito. Pinapahirapan muna bago makuha ang gusto.
Your character must have an internal struggle and external conflict.
Kapag sinabing external conflict (want), ito ang mga bagay na nakikita at nalalaman natin na pinoproblema o kinakaharap ng ating bida. The goal of your character should be visible since it defines the hero's outer journey. Meaning the external conflict moves the plot and it shows the fun. Ano bang bagay ang gustong ma-achieve ng character mo: date a girl, win a war, catch the criminals, or anything just be unique on it.
Sa internal struggle (need), ito 'yong mga bagay na kailangang matutunan ng mga characters mo in order for them to grow. Siyempre hindi ito madaling malaman ng mga readers mo dahil kailangan muna nilang intindihin nang lubusan ang character, in order for them to know the characters wrong decision and see how are they going to grow as a better person. Basically, this shows the theme of the story. Hindi nito kinakailangan na maging unique, instead it must be universal para madaling makarelate ang readers. It's not about winning but learning something great in the story.
Sa Inner struggle or flaw ng isang character ay kinakailangan niya ang apat na bagay na ito.
a. Longing Need Ito 'yong bagay na kailangan matutunan ng characters mo, upang maging masaya sila. Kumbaga ito ang inner goal ng character mo, it's the thing they will be fighting for, even if at the very beginning they haven't realize they need it yet.
b. Wound (also called as "Tell-tale Moment") It's that one experience in the past that threw the entire protagonist's view off and shaped who he is today. It's the motivation behind all the character's decision.
c. Belief Ito ay kung paano nakikita ng character ang mundo dahil sa kanyang mapait na karanasan (wound). Sa pagtakbo ng istorya ay ipapakita natin sa character na ang belief nila ay mali, at kailangan niya itong matutunan para maachieve niya ang kanyang need.
d. Fear Fear is related to the stakes. Ito ang bagay na kinakatakutan ng characters mo at ayaw na nilang maranasan pa ulit ang katulad ng wound. Gagawin nila ang lahat para hindi ito mangyari. Sa halimbawa natin, maaring ipagtubayan ng babae ang taong unti-unti niya ng minamahal dahil ayaw niyang lokohin siya nito at ipagpalit sa ibang babae.
Halimbawa na lang ay may isang babaeng pinaniniwalaan na ang lahat ng lalake ay manloloko (belief), simula noong malaman niya na may kabit pala ang Papa niya at iwanan sila nito (wound). Ang lahat ng lalake na sumubok na pasukin ang buhay niya ay pinagtabuyan niya at iniwasan dahil natatakot siya na maloko (fear). Kung kaya tumanda siyang dalaga na nahihirapang magtiwala sa isang lalake (need).
3. OTHER CHARACTER'S ESSENTIALS
When creating a character, kinakailangan nila ng mga characteristics na ito.
a. GWIC (Grit, Wit, It and Conflicting Traits)
Your character must have this four characteristics in for them to become likable: Grit, you respect him for never giving up; Wit, someone who has an extraordinary trait and you're curios of him; It, you want to follow them because of their beliefs and principles; and Conflicting traits, proves that no one is perfect and everyone makes wrong decision.
b. Contradicting Personality
Dito pumapasok ang pagiging unpredictability ng isang character. Maaring ang personality ng character mo ay cold pero sweet, basagulero pero childish, matalino pero tamad mag-aral at marami pang iba. Sa paraang ito ay hindi magiging madali sa readers mo na hulaan ang susunod na galaw nila. Pero dapat balanse lang, ah. May mga times na kinakailangang unpredictable sila at minsan naman ay hindi. Tayong mga tao ay may parte sa atin na hindi natin lubos na kilala. Maaaring ganito ang ugali natin ngayon pero sa pagdaan ng panahon ay nagbabago tayo. Contradictions reveal what we couldn't predict, the enigma, the surprise.
c. A Secret
Ang sikreto ay maaaring isang personalidad, insidente sa past at kung ano man na kapag nabulgar o nalaman ng madaming tao ay maaring magbago ang takbo ng buhay niya. Secrets inform us of what our characters have to lose and why. I suggest this to everyone, kasi maganda itong pang-hooking ng mga readers mo.
d. Vulnerability
Readers are drawn to characters' vulnerability. Maaring ang kahinaan niya na ito ay ayaw matagpuan ng mga tao ang kanyang natatagong sikreto. Kapag nalaman ng readers mo ang kahinaan ng characters mo ay maaring mas mahirapan ang hero/heroine mo na ma-achieve ang kanilang goal - na siyang mas lalong nakakapagpa-excite sa mga readers. Just like what I said before, walang libre sa mundo at ang lahat ng bagay ay hindi madaling makuha.
"Just enjoy and keep on writing." -LoveSuzaine
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sana may natutunan kayo! Leave a comment or a small feedback will do!